Chapter 20 - Pag-alis

1004 Words
Pinipigilan ko ang aking iyak habang nag-eempake na si Ate Minari paalis dito sa isla. "Final na ba iyan? Hindi ba pwedeng dito ka na lang magtrabaho?" malungkot na tanong ko. Pinisil niya ang aking pisngi. Sagot niya, "Huwag ka ngang malungkot diyan! Babalik naman ako kapag naayos ko na ang kailangang trabahuhin sa office mismo. Pansamantala lang ito." "Mag-isa ka lang. Paano naman kung makita ka ng mga bampirang gustong sirain ang pamilya natin?" pag-aalalang tanong ko. Naalala ko na may masasamang loob na gusto kaming patayin sa hindi ko malamang dahilan. Kabado ako para sa kaligtasan niya. Dito naman ay kampante ako na ligtas kami sa dami na rin ng mga bantay. "Hindi ako kilala ng mga bampira, Minlei. Kaya ako rin ang nagtago sa kanila, hindi mate-trace ng mga bampira. Ang company rin na mayroon kayo ay hindi alam na ang mga magulang mo ang owners dahil sa iyo na iyon nakapangalan," sagot naman niya. Napatango na lang ako. Mukhang hindi ko na rin siya mapipigilan. Gustong-gusto niya talagang makatulong sa pamilyang ito. "Huwag ka nang mag-alala, okay? Para saan pa ang lakas ko kung magpapatalo lang ako sa mga kalaban, hindi ba? Baka bumalik naman ako next week o sa ikalawa," pagbibigay assurance niya. "O siya, mag-iingat ka ha? Pangako mo na babalik ka kung hindi pa maayos ang kalagayan ko at hindi pa bumabalik ang mga alaala. Minsan ay isama mo ako. Nakakainip din pala rito," natatawang sabi ko. "Ang ganda nga rito e! Pero tama ka, hindi rin habambuhay ay dito ka lang. Para kang nakakulong kung ganoon lang din mangyayari sa iyo kung hihintayin pang bumalik ang mga alaala mo. Hayaan mong ayusin muna namin ang gulo sa mga bampira," saad niya. Sana nga ay maayos na ang gulong sinasabi nila para malaya na akong makagala kung saan talaga kami nakatira. Nakahihiya rin naman sa mga magulang ni Mio na magtagal ako sa puder nila. Hindi pa naman kami kasal ni Mio para manirahan sa kanila. "Gusto ko pagbalik sa bahay ay kumpleto tayong apat. Basta, pangako ninyo sa akin na walang iwanan," masayang sabi ko. Ngumiti lang sa akin si Ate Minari. Yumakap siya sa akin at damang-dama ko ang pagmamahal niya sa akin. Kaya sino ako para hindi intindihin ang mga sacrifices niya para sa pamilya namin? Pagkatapos niyang mag-empake ay dinala na ng mga tauhan ni Mio ang gamit ni Ate Minari sa yacht. "Anak, mag-iingat ka sa pag-alis mo ha?" saad ni Dad kay Ate Minari. "Opo. Babalik po ako kapag natapos na po ang trabaho. Lagi rin po akong mag-a-update sa inyo. Kayo po ang mag-ingat dito. Dapat lagi pa rin po tayong alerto sa paligid," saad ni Ate Minari. Naramdaman ko ang pag-akbay sa akin ni Mio. Masyado siyang clingy kahit na nasa harapan namin si Ate Minari. Sana lang talaga ay ayos lang sa kanya ito. Ayoko pa naman na nakikita siyang malungkot o nasasaktan sa nasasaksihan niya. "Mio, ingatan mo sila ha? Pangako mo iyan habang wala ako rito," pakiusap ni Ate Minari. "Oo naman. Huwag ka ring mag-alala, mayroon ding magbabantay sa iyo para makasiguro sa kaligtasan mo. Hindi ako makapapayag na may mawala sa pamilyang ito. Pamilya na rin ang turing ko sa inyo kaya gagawin ko ang lahat para mapanatili ang kaayusan at katahimikan natin," sagot ni Mio. "Sasama kami kay Minari paalis dito. Hayaan ninyo, isa kami sa magbabantay sa kanya. Si Mio na muna ang bahala rito. Alam kong kaya niyang panindigan ang mga pangako niya," saad ni Tita Michie. Medyo nakahinga ako nang maluwag. Akala ko ay si Ate Minari lang ang mag-isang aalis. Nakalimutan kong may business din sila Mio na kailangang asikasuhin. "Mag-iingat po kayo," wika ko. Humalik sa pisngi ko si Tita Michie. Si Ate Minari naman ay yumakap sa amin at muling nagpaalam na. Nagsimula na silang umakyat sa yacht. Nakatanaw lang kami sa pag-alis nila. Naiiyak ako dahil na rin sa pinag-usapan namin ni Ate Minari. Alam kong hindi pa siya ganoon ka-okay sa nangyari. Bumalik na kami sa loob ng bahay nang hindi na namin sila matanaw. Kanina ko pa rin napapansin ang pag-aalalang titig ni Mio. "Bakit parang kinakabahan ka?" nagtatakang tanong ko kay Mio. Nagulat siya sa aking tanong. Mabilis naman niyang nabawi ang gulat na reaction. "Bakit naman ako kakabahan? Nag-aalala lang ako sa iyo. Naging malungkutin ka kasi pagkatapos ninyong mag-usap ni Minari. May hindi ka ba maintindihan?" "Inamin niya lang ang mga ginawa niya noon. Hindi ko talaga maalala pero iniisip ko na lang na para sa kapakanan din namin ang ginawa niya. Malungkot lang ako kasi kailangan niya pang umalis para magtrabaho. Hindi ko rin alam kung talagang maayos na ang kanyang pakiramdam. Kasi nakikita ko na nasasaktan pa rin siya sa nakaraan. Sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari sa akin. Ang sabi ko naman ay kung ano man ang mga ginagawa ko noon ay sariling desisyon ko iyon," pagpapaliwanag ko kay Mio sa napag-usapan namin ni Ate Minari. "Ganoon ba? Siguro parang sariwa pa sa kanya ang mga pangyayari noon. Lalo na ngayon na hindi ka pa rin makaalala, hindi namin alam kung pansamantala lang ba ang pagpapatawad mo sa amin. Natatakot kami na kapag bumalik ang mga alaala mo, magalit ka sa amin," malungkot na sabi ni Mio. Bakit sa kanila? Gustong-gusto ko na talagang makaalala dahil sa mga makahulugan nilang sinasabi. Bakit parang magagalit ako sa kanilang lahat, pati kila Mom at Dad? "Hindi naman siguro ako ganoon nagtatanim ng galit noong bago ang trahedya? Bakit parang iniisip ninyo na magagalit ako? Hindi naman siguro ako iyong tipo na mahilig maghiganti at napupunta sa masamang desisyon," inosenteng sabi ko. Nakatulala lang siya sa akin. Hindi siya sumasagot kaya bigla akong kinabahan. Ganoon na ba na hindi ko kakilala ang aking sarili? Mapagtanim ba ako ng galit? Ano kaya ang mga ginawa kong mali noon kaya hinahabol kami ng mga masasamang bampira? Kasalanan ko rin ba iyon? Para akong naiiyak na hindi ko maintindihan. Naguguluhan na naman ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD