Chapter 30 Padabog akong lumipat sa kabilang kwarto at inis na umupo sa kama. Hindi pa ako nakuntento at sa sobrang inis ko ay pinagbabato ko ang mga unan. At nang ibinato ko ang huling unan ay tamang-tama rin na pumasok siya kaya tumama ang unan sa kanya. He coldly looked at me but he didn’t say anything. Tumuloy lang siya patungo sa walk in closet kaya sumunod ako at pinanood ang ginagawa niya. My things are indeed still here. “You should have burned or threw it,” I said and that’s when he turned to me. “Hindi ka aalis dito,” sabi niya kaya napasinghap ako at pekeng natawa. This is the last thing I expected. “Why? You’ll seriously cage me? Baliw na baliw ka pa rin ba, Attorney?” sarkastikong sambit ko. Hindi ko alam ang laman ng utak niya ngayon pero hindi ako pwedeng manatili dit

