Chapter 6

335 Words
Class Hours ngayon kaya walang gumagalang mga estudyante, maliban siguro sa akin. Agad akong lumiko sa isang pasilyo, simula kasi nong nakaraang linggo ay hindi ako nakapaglibot dito, ang laki pa naman ng eskwelahan na ito. Hindi ko nga alam kong saan ako dadalhin ng mga paa ko pero naglakad-lakad parin ako. Marami palang mga pinto dito, pero nakakando naman. Dalawang pintuan na ang sinubukan kong buksan ngunit wala naman akong nabuksan dahil nakakando naman. Nagpatuloy ako sa paglalakad, medyo dumidilim na din gusto ko lang malaman kung ano ang nasa dulo nitong pasilyo na ito. Isang pintuan ang umagaw ng atensiyon ko, kakaiba ito keysa sa naunang pintuan. Ngumisi ako, malamang secret door ito. Kulay pula ang pintuan, hinawakan ko ang doorknob. Hindi ko alam ngunit tila nasasabik ako kung ano ang makikita ko sa loob nitong kwartong ito hindi na ako nag-aksaya ng oras ngunit akmang ipipihit kona ito ay kusa naman itong gumalaw kaya nagulat ako. Agad akong kumilos upang makapagtago, mabuti nalang at medyo madilim dito kaya agad kong naikubli ang sarili ko sa kurtina, hindi ko nga alam kung bakit may kurtina dito ngayon ko lang din naman napansin dahil nga madilim. “Pwedeng time first muna? pagod pa ako kahapon ei. Tapos ngayon naman obligasyon pa nating hanapin si Luca kong nasaan na yon.” narinig kong sabi ng isa sa kanila. Hindi ko batid kong ilan sila, pero nararamdaman kong madami sila. Pero sa tuno ng pananalita ng lumabas kanina sa pintuan ay isa itong binabae. Ang arte kasi ng pananalita niya. “Hayst ang kulit naman kasi ng kapatid ni Lucard, sabing bawal pumunta ng kagubatan ei.” isang babae. “Ayaw niyo yon? para naman makita na natin kung anong meron sa gubat! Exciting to mga par.” isang tinig ng lalaki na tila isang batang sabik. “Tara na, hindi dapat kayo nag-uusap ng ganiyan dito. Walang dapat makalabas tungkol sa pinag-usapan natin kanina.” isa namang lalaki ang nagsalita, ang lamig ng tinig niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD