Chapter 7

211 Words
“Malay natin, baka may nakikinig sa atin ngayon” biglang nanlamig ang palad ko, shet ang init dito pero kampante naman akong hindi ako ang pinaparinggan niya. “Bakit Pres meron pa bang ibang tao dito?” Nanlalakin ang mata ko at halos pigilan kona ang hininga ko. Tama ba ang narinig ko? Pres? Tila nataranta ang buong pagkatao ko, shet shet kung hindi ako nagkakamali si Ashyn yon, ang School President. Hindi dapat nila ako makita dito. “Wala naman.” nakahinga naman ako ng maluwag. “Pero naaamoy ko siya, malapit lang siya sa atin.” “Kung ganon? hanapin niyo!” isang kasama nila ang sumigaw. “Hindi na kailangan, ako na ang bahala sa kaniya. Umalis na tayo dito, may kailangan pa tayong gawin, bago ang bagay na yan.” wala na akong ibang narinig kundi mga yapak nilang papalayo. Napabuntong-hininga ako, ang init pala doon sa pinagtaguan ko. Lumabas na ako sa pinagkukublihan ko, “Aish, ang init naman.” “Kung hindi kaba naman nagtago dyan, edi sana hindi ka amoy pawis ngayon.” Napalunok ako sa sarili kong laway, bakit ko agad napansin na may tao pa pala? ang tanga mo beam. Ang worst pa dahil yung taong kinaiinisan ko pa ang narito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD