“Anong ginagawa ng magaling kong kaibigan dito" sinamaan ko siya ng tingin dahil hindi ko gusto ang pananalita niya.
" Shut up, we're not friends!" malamig na tinig kong sinabi sa kaniya at bawat letra na pagbanggit ko ay may pagdiin." Ano namang pakealam mo?"
"Of course ako ang school president dito kaya obligasyon ko na alamin kung bakit ang isang estudyante ay nasa harapan ko habang may klase" mayabang niyang sabi.
" Well, hindi muna kailangang mabahala pa. Actually, napadaan lang ako dito. But aalis na sana ako kaso lumabas kayo dyan e" sabi ko sabay turo sa kwartong nilabasan nila.
" Kung ganon bakit kapa nandito? umalis kana baka idala pa kita sa detention office" sabi nito. Nagkibit-balikat ako at tinalikuran siya.
Nang makalayo ako ay agad akong napahawak sa aking dibdib. Traydor. Napailing nalang ako, wala na akong pakealam sa kaniya.
" Beam!!"
Nagulat ako dahil biglang may sumigaw sa likuran ko. Sinamaan ko ng tingin si Lucard. "Hey, kanina pa kita hinahanap. Tapos na yung klase pero di kapa dumadating kaya hinanap kita, nag-aalala ako sayo baka mapano ka e." sabi nito habang hinihingal siya dahil na din sa pagtakbo niya. Kunot-noo ko siyang pinagmasdan.
Totoo ba yung narinig ko kanina, may kapatid dito si Lucard at nasa kagubatan sya ngayon.
Tumunog ang cellphone ko, nakita ko ang text ni Kuya Marco. Nanlaki ang mata ko, shet i almost forgot!
Agad kong hinila si Lucard palayo sa pasilyong iyon, ewan ko basta may nagsasabing hindi dapat niya malaman kong anong nasa loob ng pasilyong iyon.