"Teka sandali bakit ba tayo tumatakbo? pagod na ako ei" reklamo ng kasama ko. Huminto ako saglit sa hagdan. "Beam, nagugutom ako."
Tinitigan ko ng maigi si Lucard. Pawis na pawis na ito at halatang pagod na din. "Sabihin mo nga, may kapatid kabang nag-aaral dito?" hindi kona mapigilan ang magtanong.
Napahinto naman siya sa pagpupunas at tumingin siya sa akin. "Uhmm, bakit mo natanong? Beam, may alam kaba tungkol sa kapatid ko? Alam mo ba kung nasaan siya ngayon?"sunod-sunod nitong tanong at halos kuyogin na ako. Natauhan din naman siya ng makita akong naiirita sa ginagawa niya. "Ay sorry, pasensiya na ha."
"Hindi ko kilala kapatid mo. Pero parang nakita kona siya before, dito sa school akala ko nga ikaw yun ei. Kaya nagulat ako nong pumasok ka sa classroom. Lucart ang pangalan ng kambal mo hindi ba?"
Natulala siya.
Oo, nakasisiguro akong si Lucart nga yung pinag-uusapan nila kanina. At si Lucard naman ay yung nakilala ko sa cafè noon, nong nakaraang buwan. Nung una hindi ko agad narealize na si Lucard at Lucart ay magkapatid hanggang sa narinig ko ang usapan nila Ashyn kanina.
"Beam, paano mo nakilala ang kapatid ko? Nakita mo ba siya? Alam mo ba kung nasaan siya? Sabihin mo naman sa akin Beam. Nasaan ang kambal ko?"