Chapter 10

342 Words
"Hindi ko alam kung bakit ganyan ka kaaligaga sa paghahanap ng kambal mo, andyan lang siya sa tabi-tabi baka nga mamaya nakakasalubong muna dimo lang napapansin." sabi ko sa kaniya. "Maniwala ka, walang nangyaring masama sa kambal mo." "Paano ka nakasisiguro? matagal ko nang hinahanap ang kapatid ko kung alam mo lang." sabi niya. "Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong. Ang ibig bang sabihin ay kaya siya nandito para hanapin ang kambal niya? ang akala ko ay— basta. Agad akong umakyat sa hagdan, sumunod naman siya. "Nga pala, salamat nga pala sa sinabi mo ha. Nabuhayan ako ng loob na sa wakas ay makikita kona siya ulit. Siguro nagtataka ka kung bakit ko siya hinahanap." hinayaan ko lang siyang magsalita , total yun naman ang gusto kong sabihin niya. Nang makarating kami sa rooftop ay pareho kaming sumalampak sa sahig, sumandal ako sa pader at tumingala sa kalangitan. "Nong nakaraang buwan ko lang siya nawala, ang totoo niyan lumayas siya sa bahay dahil nag-away sila ni Daddy, ayaw kasi ni Kuya Lucart ang gustong mangyari ni Daddy. Sinabi niyang.." tumingin ako sa kaniya nong huminto siya sa pagsasalita. May kinuha pala siya sa kaniyang bag, at nilabas ang kinuha niya. Isang salamin sa mata? "Ay sorry, lumalabo kasi ang mata ko kapag naarawan e. Humahapdi siya." sabi nito. Sinuot niya ang glasses, nagmumukha siyang nerd. "Bakit nga pala umalis si Lucart sa bahay niyo?" ako na ang nagtanong dahil ang tagal din niyang nanahimik tila pinag-iisipan pa kung sasabihin ito sa akin or hindi. "Ayos lang kung hindi mo sabihin, baka confidential yan"nasabi ko nalang. "Ang totoo niyan, gusto ni Daddy na mamahala si kuya Lucart sa organization na pinamumunuan ni Daddy, gusto niya si Kuya ang mamuno. Subalit ayaw ni kuya dahil alam niyang hindi lang simpleng organization ito.", "Ano ba ang organization na yon?" "Ito ay tinatawag nilang fraternity, pero hindi ito pangkaraniwang frat lang. Meron silang kakaibang rules sa loob, hindi ko alam yon dahil hindi naman sinasabi ni Daddy sa akin ang tungkol doon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD