“Tinatanong kita, Margarette. Si Dreydon ba dahilan kaya ka nakunan, ha?” halos pagalit na sambit ni Papa Lindon. “Magsalita ka, Margarette para maprotektahan ka namin sa aming anak, at nang ‘di ka na niya saktan pa,” wika naman ni Mama Dafne, dahilan upang mapalunok ako. “Margarette,” ani inay sa akin. “Hindi po si Dreydon ang dahilan, Papa, Mama. Na–Nadulas po kasi ako sa kusina dahil nagmo–mop po ako ng sahig,” lunok na depensa ko, kaya naman kumunot ang noo ni Papa Lindon. “To–Totoo po sinasabi ko, Papa,” dagdag ko pa. “Okay, kung ‘yan ang totoo ay wala kaming magagawa. Pakabit na lang ako ng cctv rito sa bahay n’yo nang malman ko ang nangyayari,” maawtoridad na saad ni Papa Lindon. “Ba’t ka naman magpakakabit? Parang inalisan mo na rin ng privacy ang mga bata niyan. At kahit

