SAMANTHA POINT OF VIEW Nang maramdaman kong halos wala na akong espasyo para makagalaw, parang biglang tumigil ang oras. Ang mainit niyang hininga ay sumasalubong sa pisngi ko, at ang bawat dampi ng kanyang balat sa akin ay parang apoy na sumusunog sa buo kong pagkatao. Nakahawak ang isang kamay niya sa baywang ko, mahigpit ngunit hindi marahas, habang ang isa naman ay nasa kama, waring nagkukulong sa akin sa ilalim niya. Ang bigat ng presensya niya, ang amoy ng kanyang pabango na bahagyang hinaluan ng alak, lahat ng iyon ay parang nakakabaliw. “E-Ethan…” Napakagat ako sa labi, pilit na tinutulak ang dibdib niya, pero parang hindi niya alintana. Hindi siya kumibo. Nakatitig lang siya sa akin, ang madilim niyang mga mata ay parang hinuhubaran ako ng dahan-dahan. Hindi ko alam kun

