Caress' POV HINDI ko inaasahan ang pagdating ng mommy ni Raim ng hapong ito. Labis talaga akong nagulat at hindi ko alam kung paano siya haharapin. "Pasens'ya na kung nabigla ka, Caress," sabi niya na ngiting-ngiti. "Alam kong hindi mo inaasahan ito dahil kagabi lang ay narito kami ng daddy ni Raim." "Oo nga po, ma'm," sabi kong napapiyok pa. "Nabigla po ako." "Just relax, Caress." "Sorry po kung natataranta ako, ma'm. Nabigla po talaga ako." Tumango-tango siya habang nakaupo sa sofa. Pagkuwa'y inaya rin akong umupo. Kinakabahan akong tumalima. Hindi ko alam kung bakit siya narito at wala akong idea kung ano ang sadya niya sa akin. "Where's Lola Minda?" "Nasa kuwarto po. Nagpapahinga na." "By the way, importante ang ipinunta ko rito, Caress. Pero huwag mo sanang mamasamain." Lalo

