Mikael's POV NASA malalim na pag-iisip ako sa aking kuwarto tungkol kay Raim ng mag-ring ang cellphone ko. Nang makita kong nagpa-flash ang pangalan ni Janelle sa scene ay agad kong tinanggap ang call. "Mikael, where are you?" tanong niya sa kabilang linya. "Are you busy? Nasa rehearsal ka ba or any activity?" "Wala naman. Paano ba ako makakadalo sa ano mang event, eh, ganito pa ang mukha ko?" "Oo nga pala. Sorry, Mikael." "So, I'm still at home and presently busy thinking about Raim." "Really?" natatawa niyang sabi. "Talagang apektado pa rin ang isip mo ng barumbadong Raim na 'yon. Hindi kita masisisi kung bakit iniisip mo siya." “As usual, I’m still thinking about how I can get revenge on him. Matatahimik lang ako habang nakaganti na ako." "Gusto mo bang pumunta uli tayo sa bahay

