Raim’s POV "ANG ganda ng bahay mo, Raim," puri ni Caress sa hindi kalakihan kong bahay. Pagkababa nila ni Lola Minda mula sa kotse ay inilinga sa buong bakuran ang paningin. Nakita ko sa kanyang mga mata ang paghanga. "Nag-iisa ka lang ba rito?" "Yaph," tugon ko. "Pero nakakatuwa dahil makakasama ko na kayo dito ni Lola Minda simula ngayon." Namula ang mukha niya at iniiwas sa akin. Halata kong nakadama siya ng hiya. "Dapat ka nang masanay, Caress," sabi kong inilabas mula sa compartment ng sasakyan ang kanilang mga gamit. "Magtatagal kayo rito ng lola mo." Mabilis siyang kumilos para kuhanin sa akin kanilang mga bag. ''Hayaan mo akong tulungan kayo ni lola sa pagpapasok nitong mga gamit n'yo sa bahay,'' sabi ko na iniiwas sa kanya ang aking bitbit. ''Para hindi na magbuhat ang lo

