Janelle's POV NAPAKUNOT-NOO ako ng makita kong mabilis na humakbang pabalik si Mikael. Tila dali-dali siyang naghanap ng kung anong bagay kaya nagtaka ako sa ikinilos niyang iyon. "Anong ginagawa niya?" nagtataka kong bulong. "Mikael, nasisiraan ka na ba ng bait?" Nanlaki ang mga mata ko ng makita siyang humugot sa lupa sa garden ng malaking bato. Binuhat niya iyon saka lumapit sa glass window ng bahay ni Raim. "My God!" bulalas ko pagkatapos ng pagtili. Hindi ko inasahang gagawin niya iyon ng dalawang beses kaya nabasag ang front window ng bahay. "Nasiraan na talaga siya ng ulo!" Kitang-kita niya ang kasiyahan sa mukha ni Mikael habang tumatakbo palapit sa kotse niya. Mabilis ang ginawa niyang pagliban sa bakod saka lumapit sa sasakyan. "Success," narinig kong sabi niya nang sumakay

