CHAPTER 10

2009 Words
Janelle's POV DURING a year of my relationship with Raim, I truly became happy. I really loved him and valued our relationship. But I felt that I was no longer happy with him and suddenly realized that I'm not loved him anymore. "I'm sorry, Raim," bulong ko habang nakaupo sa living area ng aking condominium unit ng tanghaling ito. Ewan ko kung bakit biglang pumasok sa isipan ang ex-boyfriend ko. "But I'm really not happy with you anymore ..." Siguro ay hindi talaga kami para sa isa't-isa ni Raim. Natanggap ko na iyon sa aking sarili. Palibhasa nga ay wala na akong nararamdamang pagmamahal sa kanya. Katunayan ay tumanggap na ako ng manliligaw at ngayon nga ay hinihintay ko. He is Mikael Quizon, who is my fellow model. He is handsome, hunk and really lovable. He is a fashion and body conscious. A man who is also from a well-to-do family and the son of a former actor. Matagal na siyang nanliligaw sa akin at lihim iyon sa kaalaman ni Raim. Siyempre pa'y hindi ko talaga ipinapaalam sa kanya dahil ikagagalit niya. Lalo pa at madalas kong nakakasama sa trabaho si Mikael at may pagkakataong lumalabas kami together. The truth is, I fell in love with him and at the same time, I gradually lost my feelings for my ex-boyfriend. Kaya nga minabuti ko na ring tapusin ang aming relasyon ni Raim. Nakipag-break ako sa kanya at kahit anong gawin niyang panunuyo ay hindi na ako nakipagbalikan pa. Sa ngayon ay hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa kanya. I also feel sorry for him because he was a part of my life and I was not happy with the outcome of our relationship. But I had to accept that and live normally again. "I knew that until now you were hurting, Raim," bulong ko. "But I can do nothing but to forget you. I hope you meet a new woman in your life as well." Ang huling pag-uusap namin ni Raim ay noong nagsumamo siyang makipagbalikan ako sa kanya. Dahil ang idinahilan ko kaya nakipaghiwalay ako sa kanya ay dahil sa madalas naming pagtalunan at iyon ay tungkol sa hindi niya magsama sa akin sa mga lakad kaugnay sa trabaho ay nangako siyang magbabago na. He said, he will try his very best to understand all the complicated situations. And trying to adapt all my activities as a model. "But it's too late, Raim," sabi ko pa sa aking sarili. "I don't really love you anymore. I 'm sorry." Siguro nga ay bahagi ng pagkawala ng pagmamahal ko kay Raim ang pag-ayaw sa life style ko. Dahil mas gusto niya ang simpleng buhay at hindi komplikado ay tinapos ko na ang aming ugnayan. And that decision of mine was final. Raim begged but I just ignored him. I don’t really care about him anymore. In fact, I no longer care what happens in her life. "I'm sorry, Raim," anas kong kasunod ang buntonghininga. "My life will be better with the new man I love." "JANELLE, thank you for accepting me," sabi sa akin ni Mikael ng nakaupo sa siya sa sofa sa living area ng bahay ko. "I'm so happy because I've already entered here on your condo unit." I smiled at him. The truth is I also felt happy because he was here. And I was even happier because he appreciated the little thing I did. I could see the happiness on his face and it was reflected in his demeanor. "Wala na kami ni Raim," pagtatapat ko sa kanya. "Tinapos ko na ang aming relasyon. Kaya welcome ka na rito sa bahay ko. Puwede ka ng pumasyal dito anytime you want." "Salamat," sabi pa ni Mikael na mas lumuwang ang pagkakangiti. "Masaya ako dahil wala na kayong relasyon ni Raim. And I know that sooner, we will be officially on." "Basta maging dapat ka lang sa akin, Mikael. Sana ay maging masaya ako sa piling mo." "Sisikapin ko, Janelle. Promise, hindi mo pagsisisihan kapag sinagot mo ang pag-ibig ko." Tinanguan ko siya habang tuwid akong nakatingin sa kanyang mata. Tila nakita ko naman doon ang katapatan sa sinabi niya.  Ah! Umaasa talaga ako na magkakaroon kami ng maayos na relasyon ni Mikael. Sana ay matanggap niya ako ng buong-buo at maging ang mga gusto ko sa aking buhay. Magsasalita pa sana si Mikael pero naunahan ito ng aking kasambahay na si Tinay. Sinabi nito na nakahanda ang pagkain sa dining table. "Thanks, Tinay," tugon ko sa kanya. Saka ko inaya si Mikael. "Lunch is ready, Mikael. Let's go to the dining table." Tumayo siya. Hinamas pa ang sariling tiyan. "I'm already hungry." Napatawa ako. "Si Tinay ang sisihin mo. Ang bagal niyang naghain ng food." "Ikaw talaga, Tinay, ha. Nakalibre ka na nga sa pagluluto ay ang bagal mo pang naghain." "Pasensiya na po, Sir Mikael," tugon ng pinagkakatiwalaan kong kasambahay. "Gutom na pala kayo." Kanina nang tumawag si Mikael sa aking cellphone ay nag-ayang siyang kumain kami ng lunch sa labas. Tinanggihan ko siya dahil pagod ako sa isang fashion show na ginanap ng sinundang gabi. Kaya naisip niyang magdala na lang ng pagkain na pagsasaluhan namin dito sa bahay. "Just joking, Tinay," natatawang sabi ni Mikael. "Ang totoo'y saglit ka lang nag-prepare ng food sa table. Talagang gutom na lang ako." "Okay lang po, sir," tugon ni Tinay na ngumiti at bahagyang tumukod. "Enjoy your meal po." Bale ba'y natagalan talaga siya sa pagdating dahil ang sabi niya ay niluto pa ang inorder na pagkain for take-out. Iyon ang talagang rason kung bakit siya ginutom. "Janelle," ani Mikael na hinila ang dining chair para sa akin. Isinenyas na niya ang kaliwang kamay para pumuwesto ako roon. "I hope you enjoy the food." "Oo, naman," tugon ko na hinintay siyang makapuwesto sa isa pang upuan. "Ang bango ng food. Mukhang masasarap kaya tiyak na marami akong makakain." Sabay kaming umupo ni Mikael sa magkatabing upuan, kung saan nakahanda na ang aming mga plato. "Let's eat," anyaya niya. "Tiyak na marami rin akong makakain dahil masaya ako. Ito ang una kong pagkain dito sa bahay mo, Janelle." "At masusundan pa ito, Mikael..." "Yes!" sabi niyang sumuntok pa sa hangin. "Good!" "Basta ba lagi kang magdadala ng food!" Sabay kaming tumawa ng malakas. Narinig ko rin ang pagtawa ni Tinay, na nakatayo sa likuran namin. Caress' POV "KUNG anu-ano ang ginagawa nating kalokohan, sir Raim," sabi kong napapatawa. "Paano ko po ba malilimutan ang mga iyon?" Tumawa rin si Raim. "Kaya nga. Ang sarap balikan ngayon sa isip ang lahat ng iyon, Caress." "Sir Raim, biruin mo pong umuuwi tayong dalawa na napaka-dungis kaya galit na galit sa akin si Lola Minda. Idinadamay daw kasi kita sa pagiging dugyot." Humalakhak na si Raim. "Si Mommy nga, naiinis din kapag umuuwi akong madungis. Si yaya ang napapagalitan kasi hindi raw tayo sinasamahan kaya kung saan-saan tayo nakakarating at kung anu-ano ang ginagawa natin." "Kawawa naman po ang yaya Sally mo, sir Raim. Siya pala ang napapagalitan. Wala naman siyang magawa sa kakulitan natin dahil tinatakasan natin. Malingat lang siya ay naka-alis na tayo." "Napaka-pilya mo kasi, Caress. Super-kulit. Kung saan-saan mo ako inaaya. At ako namang tuwang-tuwa ay sama nang sama sa 'yo. Wala akong hindi ginagawa basta sinabi mo." Nahampas ko siya sa likod habang humahalakhak. "Para ka pong sira, sir Raim. Sunod ka nang sunod sa mga sinasabi ko." "Alam mo ba ang panakot mo sa akin? Hindi ako tunay na lalaki kung hindi ko gagawin. Tina-challenge mo ako. Kaya ako na gustong patunayan na lalaki nga ako... gagawin ko iyong sinabi mo." "Pero madalas po na palpak kayo, sir. Ilang beses n'yo nang nagawang baybayin ang pilapil sa palayan pero maraming beses pa rin po kayong nahuhulog at hindi nakakarating sa kabilang dulo. Ang resulta, ang dumi-dumi po ng damit n'yo pag-uwi natin." "At alam mo bang hindi ko malilimutan 'yong pinagulung-gulong mo ako sa niyugan? Doon sa part na may lubluban ng kalabaw. Ang challenge ay hindi ako dapat tuluyang mahuhulog doon pero noong nasa gilid na ako ng hukay at tatayo na sana ay itinulak mo naman ako." Sabay kaming napahalakhak at napatigil sa paglalakad. Naduro ko pa si Raim habang sapo ang sariling tiyan. "Sir, sisinghap-singhap ka nang umahon sa lubluban ng kalabaw. Hindi mo alam ang gagawin dahil diring-diri ka. Habang ako naman ay napalupagi na sa damuhan sa sobrang katatawa." "Dahil sa inis ko sa 'yo ay niyakap kita, Caress. Para hindi lang ako ang marumi at nangamoy kalabaw. Umiyak ka kaya no'n. Galit na galit ka sa akin at hinabol mo ako ng suntok." Naalala ko kung ano ang sunod na nangyari noon kaya lalong lumakas ang halakhak ko. Mautak kasi si Raim at nakaisip agad kung paano pa siya makakaganti sa akin. Walang-wala sa isip-isip ko, na kaya pala siya tumayo sa gilid ng lubluban ng kalabaw ay para mahulog ako. Dahil nga hinahabol ko siya ng suntok at inakala kong tatamaan siya ay buong puwersa akong umatake. Pero mabilis siyang umilag kaya diri-deretso akong nahulog. "After mong makaahon sa lubluban ay nag-unahan tayo sa pagpunta sa poso para maligo," sabi niyang namumula na ang mukha sa katatawa. "Dahil ako ang nauna ay ikaw muna ang nag-pump sa poso. Bilang reward ko ay ako ang unang naligo. Pero noong turn mo na at ikaw naman ang naligo ay hiningal ako sa kapa-pump dahil sobrang tagal mo. Kesyo sabi mo, ganoon talaga ang babae... matagal maligo. Naku, Caress, ang dami ko palang tinamong kaapihan sa 'yo noon." "Hindi naman po, sir. Fair lang. Kaya nga po hindi tayo nag-aaway. Kaya nga po tuwing nagbabakasyon kayo rito sa Mabitac ay masaya pa rin tayong nagsasama at naglalaro. Kung inapi po kita, sana ay inaway n'yo na ako at ayaw n'yo nang pumunta dito. Pero sabi po ng parents n'yo ay kayo ang nag-i-insist na dito mag-celebrate ng new year yearly. Saka kapag summer vacation. Aminin po ninyo, sir Raim... dahil sa akin." "Ang kapal naman ng friend ko," tumatawa niya akong inakbayan. Sobra niyang isiniksik ang katawan ko sa kanya. "Pero sige na... ikaw na talaga ang dahilan kaya gusto kong dito sa Mabitac magbakasyon. Satisfied?" Kahit halos hindi ako makahinga sa mahigpit niyang pagkaka-akbay ay hindi ako nagreklamo. Ayokong masira ang moment namin kaya sinasabayan ko lang ang pagtawa niya. Gusto kong malubos ang kasiyahan niya para masulit ang pagbisita niya rito. "Ngayon," sabi ni Raim na itinapat ang bibig sa teynga ko. Bumulong siya. "Ano bang ipagagawa mo sa akin, Caress?" Napapislig ako dahil nakadama ako ng kiliti sa pagsumpit ng hininga niya sa teynga ko. Gumapang ang kilabot sa buo kong katawan, na tumindi pa ng muli siyang bumulong. "Do you think na kakayanin ko na ang challenge mo at hindi na ako papalpak? Ano, my dear friend?" Hindi ako makaimik dahil sa kakaibang pakiramdam, na alam kong wala siyang kaalam-alam.  Nang tumingin ako sa kanya ay puwede nang magkapalit ang aming mga mukha sa sobrang lapit. Iyon bang tipong gahibla na lang ang pagitan kaya nalanghap ko pa ang mabango niyang hininga.  Gusto nang magwala ng puso ko. Dahil ngiting-ngiti siya habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin ay super-guwapo niya sa mga mata ko. Kapag hindi ako nakapagpigil, hiyaw ng utak ko. Hahalikan na talaga kita, Ifraim de Guia! "Say something, Caress," he whispered again. "Wala ka sigurong--" Dahil hindi siya nakatingin sa dinadaanan namin ay hindi niya nakita na may nakausling bato sa lupa kaya natisod siya roon. Nawalan siya ng panimbang kaya siya nabuwal. At dahil mahigpit siyang naka-akbay sa akin ay kasama niya akong bumagsak. Napatili ako habang pikit-mata. Hinintay ko na lang ang sakit ng katawan, na tatamuhin ko sa pagbagsak. Pero naramdaman ko na mabilis akong kinabig ni Raim. Narinig ko ang pag-igik niya, na alam kong bunga ng sakit na naramdaman dahil sa pagbagsak ng katawan niya sa damuhan. Idagdag pa ang aking bigat na sa ibabaw niya bumagsak. Nang imulat ko ang aking mga mata ay nabatid ko na nakadapa ako sa katawan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD