Caress' POV MAGKATAPAT ang aming mga mukha at napaka-liit ng distansiyang nakapagitan sa amin. Nasambit ko ang pangalan niya dahil titig na titig siya sa akin. Parang kiniliti ang puso ko. Lalo na at naisip ko na hahalikan niya ako sa labi. OMG! Papayag ba akong i-lips-to-lips ni Raim? This will be my first kiss ever. Oh! My virgin lips! Makakatikim na ng halik ang kissable lips ko! Ipinikit ko ang aking mga mata. Hinintay ko ang paglalapat ng aming mga labi. Nagdiriwang na ang aking isip sa halikang mamamagitan sa aming dalawa. Ano kayang lasa ng lips ni Raim? tanong ko sa sarili. Ano kaya ang mararamdaman ko habang nagki-kissing kami? Totoo nga kayang masarap makipag-lips-to-lips sa lalaking gusto mo? "Caress..." Bigla ay para akong natauhan nang marinig ang boses ni Raim. Napadila

