Mikael's POV "HINDI mo dapat ginawa iyon," sabi ko kay Melissa habang nagmamaneho ako ng aking kotse. Inihatid ko siya sa kanilang bahay dahil iyon ang gusto ni Janelle. Nag-alala kasi siya rito kaya ginawa ko ang gusto niya. "Nag-iskandalo ka na wala sa lugar." "Hindi ko kasi matanggap na may ibang babae kang nililigawan," tugon niyang pinalis ang mga luha gamit ang sariling panyo. "Napakasakit niyon para sa akin, Mikael." Nagkawala ako ng malalim na hininga. Pakiramdam ko kasi ay mabigat ang aking dibdib, na hindi lang dahil sa pagod sa paghabol sa kanya kanina kundi bunga rin ng pagkainis. Hindi ko kasi sana gustong sundan si Melissa at hayaan na lang siyang umuwing mag-isa. Pero naging mapilit si Janelle at nakiusap na sundan ito dahil baka daw mapahamak sa labis na mag-iisip. Lalo

