Caress' POV PAKIRAMDAM ko ay nanginig ang aking mukha matapos marinig ang pangalan ng girlfriend si Raim. Dahil hindi ko inaasahan iyon ay hindi agad ako nakapagsalita. He sighed. Then he took advantage for the silence and he explained. He said that he and Janelle had finally separated and he planned to retaliate against her. "Hindi ko matanggap na pinalitan niya ako ng ganoon-ganoon lang," sabi ni Raim na bakas sa mukha ang matinding kalungkutan. "Masyado niya akong binalewala, Caress. Na-down ng todo ang pagkatao ko. At hindi ko iyon matanggap." Pinalis ko ang aking mga luha saka siya tinanong. "Bakit ako nadamay, Raim? Anong magiging papel ko sa buhay ninyong dalawa? At para ano ang facial surgery na haharapin ko?" "Hindi ko gustong maliitin ka o pulaan ni Janelle kapag naugnay ka

