Caress' POV ISANG fitted maong jeans ang isinuot ko at tinirnuhan ng off-shoulder printed blouse na combination ng black, white and red. Korean suede block heels sandals na kulay black din ang isinuot kong sapin sa paa kaya lalo akong feeling cool. Maayos kong itinirintas ang aking kinky-curly hair at naglagay ng konting make-up. Hindi naman ako nabigong nakatanggap ng papuri paglabas sa maid's quarter, mula sa mga kapwa ko kasambahay. Pero lalo akong kinilig ng nasa harap na ako ni Raim at hinagod ako ng tingin. Parang matutunaw ako sa hiya nang ibalik pa niya ang pagtitig sa mukha ko na ngiting-ngiti. "You're so sexy," puri niya. "You're so cool." Sapat na sa akin ang sinabi niyang sexy ako kahit hindi ako pinuring maganda. Tanggap ko iyon na maluwag sa aking dibdib dahil dama ko ang

