Caress' POV "LOLA, Raim is here," tugon ko kay Lola Minda na hindi ko maitatanggi ang sobrang katuwaan. "Kadarating lang po niya. Nakita ko ang kotse niya sa gate." Napakamot sa batok si lola. "Biruin mong nakita mo agad. Iba na talaga kapag in-love." Tumawa ako. "Ikaw talaga, lola. Kasalanan ko ba kung na-in-love ako ng todo? Ka-in-love-in-love naman po talaga ang boyfriend ko, 'di ba po?" Bakit nga ba nakita ko agad ang pagdating ni Raim? Well, it was not my fault. Because of my longing for him, I looked out to the window and witnessed his arrival. It's just a coincidence, really! "Sige na," sabi ni lola. "Salubungin mo na ang love mo at sabik na rin 'yong makita ka." "Bye, lola. I love you," sabi ko'ng hinalikan siya sa noo. "'Punta na po ako sa baba." "Sige na," natatawa niyang

