Liam Nagising si Liam nang tumunog ang cellphone niya. Habang busy yung dalawa na mag-usap ay sinagot niya ito ng hindi tinitingnan ang screen ng cellphone. "Hello." Sa inaantok pang boses. "Hon." Bigla siyang napadilat ng marinig ang boses na 'yon at napatingin kay Gabriela na busy na nakatingin sa cellphone ni Rapunzel. "Yes, hon. Bakit, napatawag ka?" "Labas naman tayo ngayon. Dinner date." "A...busy ako. May naiwan akong trabaho at dito ko tinatapos ngayon sa bahay." Palusot niya kay Casandra. "Sige na. Sandali lang naman tayo. Kahit dito na lang sa bahay o kaya sa malapit na restaurant." Napabuntong-hininga siya at hindi alam kung ano ang isasagot. "Please." Napapikit siya at pinagbigyan na ang hiling nito. "Okay, pupunta ako. Before 7 pm ay nandiyan na ko." "Okay. I lov

