Gabriela Five Months After Pagkatapos ng nangyari no'n na bigla na lang sumulpot si Casandra sa bahay ni Liam ay naging okay na si Gabriela. Nakakatayo na ito at nakakapaglakad-lakad sa pasilyo sa itaas ng mansion, pero hindi pa muna ito puwedeng gumamit ng hagdan para bumaba. "Ma'am halika. Tingnan mo 'to." Lumapit siya kay Rapunzel dahil may tinitingnan ito sa cellphone nitong hawak. "Ano 'yon?" "Ang cute nito oh." Pinakita sa kanya ang mga iba't-ibang design na damit ng baby. "Bakit? Bibilhin mo ba?" "Hindi ma'am. Tititigan ko lang hanggang sa ma-deliver na ito dito." "Sira ka talaga." "Malaki ito ma'am, puwede na for two years old. Kaso hindi ko alam kung babae ba o lalaki ang anak mo. 'Di ba puwede ng magpa-ultrasound pag five months?" "Oo ata." "Bakit ba kasi ayaw mo?" N

