Rapunzel Napalunok si Rapunzel at napatakip naman ng bibig si Gabriela mula sa loob ng kwarto. "Sigurado ka bang walang tao sa kwarto na ito?" "Wala ma'am...bodega po talaga 'yan." Naningkit ang mata ni Casandra habang nakatingin sa pinto. "Nakapagtataka kasi, kung sakali na pipili si Liam ng bodega ay sa baba hindi dito sa pangalawang palapag ng mansion niya." Dumaan ang katahimikan. Parehas na kinakabahan si Rapunzel at Gabriela ng oras na 'yon. Biglang lumingon si Casandra sa kanya. "Pero mabalik tayo sa pinag-uusapan natin kanina. Hindi ko gusto na nagiging parang amo ka dito habang wala si Liam." Nagpapasalamat na lang si Rapunzel na sa kanya ulit lumipat ang atensyon nito. "Hindi po ako nag-aastang amo rito, ma'am. Baka po yung nagsabi sayo no'n ay nagdedeliryo ng time na

