Gabriela Maagang umalis si Liam para pumasok sa opisina nito. Bago ito umalis ay hindi ito nakalimot na lutuan ng pagkain si Gabriela. Nakagawian na 'yon ni Liam para kung sakali na abutin siya ng gabi sa kumpanya ay may makakain ito na luto niya. Samantala, ang araw na iyon ay pamamalengke ng ibang katulong ni Liam, kaya kailangan nitong lumabas. Tumawag na sila kay Liam para bumukas ang gate at makalabas ang katulong doon. Ilang minuto ang hinintay nila bago bumukas ang gate. Isang minuto ang palalampasin bago ito magsara at mag-lock ng kusa, pero nang nakalabas na ang mga katulong ay may pumasok na isang babae bago pa man ito abutan ng pinto ng gate sa pagsara. Tumingin ito sa paligid bago lumakad papasok sa loob. Samantala nang oras na iyon ay pinapakain na ni Rapunzel si Gabriela.

