Rapunzel Walang dala si Liam na plastik ng chips na hinihiling ni Gabriela, kaya bahagya itong nalungkot. Diretso lang itong naglakad papunta sa kabilang side ng higaan at umupo. "Nasaan na yung chips ni ma'am sir?" tanong ni Rapunzel. "Nasa bowl na dala ko. Malaki iyon kaya hihingi rin ako." "Bakit hihingi ka pa? Nakita mo ba ang laman ng malaking chips? Konti lang, pang isang tao lang." Reklamo ni Gabriela kay Liam. Ngumiti si Liam kay Gabriela bago binigay ang bowl na may takip pa. Nagtaka pa ito dahil mainit ang ilalim ng bowl, pero ng binuksan nito ay namangha si Gabriela dahil hindi ito chips na nabibili sa supermarket o saan pa man. Gumawa ito ng chips gamit ang patatas at nilagyan ng cheese na tinunaw sa ibabaw. Sumilip siya. "Wow. Parang ang sarap, penge kami ma'am." "Konti

