Liam
Kinabukasan tulog pa si Gabriela ng pumasok sa kwarto si Liam. Tiningnan niya kung wala ng lagnat si Gabriela, at ng okay naman na ang temperatura ng katawan nito ay umalis na siya para pumunta naman ng kumpanya niya.
Alas-siete pa lang ng umaga ng umalis na siya, kaya ilang oras lang ang naging tulog niya. Halata sa mata niya panigurado dahil bahagya pang namamaga, dahil ayaw talagang dumilat ng mga mata niya kanina.
Pag dating niya sa kumpanya ay agad siyang tumuloy sa meeting room. Pasimple pa siyang tumingin sa orasan sa taas ng nakapasok na siya sa loob ng kwarto. Hindi naman siya late, pero saktong-sakto ang oras para mag-umpisa na ng meeting, kaya pagbaba palang ng attache case niyang dala ay tumayo kaagad siya ng tuwid sa harap ng board director at mga bagong investors ng kumpanya. Hindi na din siya umupo dahil wala ng oras para do'n.
"Good morning, everyone. Let's start."
Sumenyas siya sa secretary niya na i-on na ang projector para sa tatalakayin nilang project. May mga image ng mga smartphones ang makikita sa white board at mga details sa paligid nito.
"We have a new upgraded smartphone and new design. Smoother, very eye-catching, but a little bit higher than the previous one, last year."
May isang board of director ang nagsalita. "Is it too early to release a new smartphone in the market? The previous one was released last year."
Bahagya siyang ngumiti. "What's the purpose of this meeting? I explain the details and after that, all of you will tell if you agree or not. My explanation is not yet done." Seryoso niyang saad. Ayaw niya na may mga tao na magbibigay agad ng opinion pag hindi pa naman tapos ang sasabihin na detalye about sa specific na topic. "I will continue. After I finish, I want to hear your opinions, even if they're against my proposal."
Nag-umpisa muli siyang magpaliwanag tungkol sa smartphone, kung ano ang specification at pinagkaiba ng ngayon. Simula sa design hanggang sa parts na importante para sa mga buyers.
Nang natapos siyang ipaliwanag ang lahat ay nanatili lang sa image ng smartphone ang makikita ngayon sa white board. Humarap siya muli sa mga ka-meeting niya. "Please feel free to express any concerns you may have. They are all valid and will be heard."
"One of us is right, Liam. Is it too early to release another? The previous one has not yet reached a net profit margin of at least 10%. As of now, we have 6%, so why do you think to release again?"
"We need to keep up with other companies to avoid falling behind. This is especially important if buyers are looking for features that our previous phones did not offer."
"Are you willing to burn millions of money on your proposal? Just a reminder Liam we don't know if it will be a success to release the new one again in the market in a bigger amount."
Hindi siya nagsalita. Nakahalukipkip lang ang mga braso niya habang isa-isang tiningnan ang mga tao na naka-upo habang diretsong nakatingin sa kanya. Isang investor ang nagtaas ng kamay at nagsalita.
"I think we need another meeting, para mas mapag-isipan ng mabuti ang proposal mo, Liam Smith. I suggest bigyan mo kami ng copy ng detalye ng bago mong smartphone,"
Napangisi siya sa sinabi nito. "Do you think I will do that?" Nakipagtitigan siya sa bagong investor. "Parang sinabi mo na rin na ako ang gumawa pero iba ang makikinabang."
Nagtinginan ang iba at hindi nagsi-imik sa tensyon mula sa may-ari ng kumpanya at sa investor.
"If you want, you can go back here, sit, and listen to my explanations about my proposal, but for a copy of my proposal is a big...No, Mr. Sanchez."
"I'm trying to suggest here, Liam Smith." Tila hindi ito natinag sa sinabi niya.
"Sorry, but your suggestion is too personal."
"I'm one of your new investors, so I'm free to know more about your product."
Bahagyang napakunot ang noo niya sa sinabi nito. "Your also a business man Mr. Sanchez, dapat alam mo kung ano ang puwede at hindi puwedeng i-share kahit pa isa ka pa sa investor ng isang kumpanya."
"Pero may kulang pa sa mga sinabi mo."
"Yes, at humiling ka pa ng isa pang meeting, kaya pagbibigyan kita. But a copy of my proposal? Iyon ang hindi ko puwedeng ibigay. Business is business, Mr. Sanchez, if you don't want that. You are free to live in my company."
Galit itong tumingin sa kanya. Tumayo ito at may balak pang lumapit. Napigilan lang ng ibang directors. "How stupid you are, Liam Smith! Dapat maging mahinahon ka sa pagsasalita mo dahil mas lalong uunlad ang kumpanya mo kung may mga katulad namin na willing mag-invest sa kumpanya mo!" galit na galit nitong saad.
Habang nakayuko ay tumunghay siya at tumitig sa mata nito. "Are you willing to invest? Or, are you willing to steal what belongs to me for someone else's gain?"
"Anong..."
"Tanungin mo ako kung bakit kulang ang impormasyon na sinabi ko kanina sa meeting. Kung matapang ka dapat masagot mo 'yan kung bakit ganon ang ginawa ko, kasi dapat na explain ko na lahat para mag-agree ang lahat sa proposal ko at panibagong meeting na lang pag-ilalabas na ito sa market." Hinintay niyang magsalita ito, pero tanging galit na mga mata ang nakita niya. "If you want to spy in my company be professional while doing that, Mr. Sanchez. Sa bibig mo na din nanggaling kaya hindi ka tunay na willing mag-invest sa company ko. Magkano ang binayad nila sayo?"
"What are you saying? I assure you that I am not a spy!!'" Sigaw nito habang pilit na kumakawala sa dalawang tao nakahawak dito.
Sumenyas siya sa secretary niya. Lumabas ito at pagbalik ay may dalawang security guard na itong kasama. Agad namang hinila si Mr. Sanchez palabas habang patuloy pa din itong nagwawala.
Humarap siya sa iba. "Kung meron pang balak saksakin ako patalikod ay mas mabuting hindi na magpakita sa susunod na meeting dahil once na may magbalak na traydurin ako sa mismong kumpanya ko, mas matindi ang gagawin kong balik. May puso pa ako dahil pinahila ko lang palabas si Mr. Sanchez, pero kung meron pang isa ang mabisto. Uubusin ko ang perang natitira sa mga banko niyo. Huwag niyong sagarin ang kabaitan ko." Tinitigan niya isa-isa ang mga ito, pero wala kahit isa ang nakatingin sa mga mata niya. "Thank you for coming today. My secretary will give another date for the next meeting. Excuse me."
Kinuha niya ang attache case niya maging ang file sa secretary niya bago umalis sa meeting room at dumiretso sa opisina niya. Pabagsak niyang binaba sa ibabaw ng table ang dala niya at padaskol na umupo sa sofa. Pumikit siya habang pinakakalma ang sarili sa nangyari. Biglang tumunog ang cellphone niya, habang nakapikit ay sinagot niya iyon, pero nang narinig niya ang boses ni Casandra ay gumaan lahat ng mabigat sa loob niya.
"I'm okay, don't worry." Sagot niya dito dahil napansin nito ang tono ng boses niya. "Tonight? Yeah...yeah sure I'm coming." Binaba niya ang telepono at muling sumandal sa sofa, at pagkatapos lang ng ilang minuto ay tumayo siya at sinimulan namang asikasuhin ang mga papeles na dapat niya ng pirmahan bago siya tumuloy papunta sa condo ni Casandra.