Gabriela
Tumayo si Liam at humarap sa kanya.
"I know na ggamitin mo ang pera para makapag-aral ka, and sorry kung kinuha ko ang pagka-inosente mo dahil gusto mong kumita ng pera para makatapos. Ikaw na din ang napili ko sa lahat ng nag-apply sa email dahil alam kong mabuti kang tao at kaya mong panindigan ang desisyon mo."
Napaiwas siya ng tingin dahil ilang beses niyang inisip na umatras sa ginawa niyang desisyon.
Tumingin sa orasan si Liam at nagtataka dahil hindi pa din bumabalik si Rapunzel, lagpas dalawang oras na. Biglang bumukas ang pinto at bahagyang nagulat ang dalawa. Pumasok si Rapunzel ng dahan-dahan dahil punong-puno ng laman ang mangkok ng sopas.
"Bakit ang tagal mo naman bumalik?" tanong ni Liam.
Nagtaas ito kilay. "Bingi ka ba sir? Hindi mo ba nadinig na ang gagamitin ko lang sa pagluluto ay kandila."
"Seryoso ka ba do'n?" Nakakunot pa ang noo ni Liam habang sinasabi iyon.
"Teka sir, ibaba ko lang 'to baka bumagsak e." Binaba ni Rapunzel ang mangkok sa maliit na mesa at tumingin sa sir nito.
Napahikab na si Liam na may kasama pang pagluluha ng mata. Inaantok na kasi ito.
"Ikaw na ang mag-alaga kay Gabriela, Rapunzel. Kailangan ko ng matulog dahil may meeting ako bukas at hindi puwedeng wala ako do'n." Tumingin ito sa kanya. "Babalikan ko na lang bukas yung envelop."
Tumango naman siya at lumakad na ito paalis ng kwarto. Samantala, si Rapunzel naman ay nakakunot na ang noo ngayon.
"Frame up ang nangyari ma'am."
"Ha?"
"Dapat ako ang natutulog na ngayon, pero bakit bumaligtad?"
Napailing siya inangat ang dalawang kamay niya. "Matulog ka na. Bigay mo na lang sa akin 'yang sopas, parang ang sarap."
Excited na kinuha naman nito ang mangkok. "Sure ako na masarap 'talaga 'to ma'am. Ako ang nagluto kaya hindi puwedeng hindi 'to masarap."
Napatawa na lang siya ng mahina habang inaabot ang mangkok. May kahoy din pala na patungan ang mangkok kaya puwedeng kumain kahit nasa higaan. Humigop siya ng isang beses at tumingin kay Rapunzel na hinihintay ang comment niya sa luto nito.
"Ano ma'am, masarap?"
Maliit siyang ngumiti at dahan-dahan na tumango. Napa-apir na lang ito sa sarili sa kasiyahan.
"Sabi sayo ma'am pag ako nagluto hindi puwedeng hindi masarap."
Ngumiti siya at pinagpatuloy ang pagkain. Pinapatulog na niya si Rapunzel pero ayaw pa niotng iwan siya hangga't hindi nakaka-inom ng gamot. May ilang minuto din bago niya naubos ang sopas at pagkatapos ay uminom na siya ng gamot.
"O nakita mo ng uminom ako ng gamot. Matulog ka na."
"Nakapag-usap ba kayo ni sir ma'am?"
Pumaling ang ulo niya. "Oo, bakit?"
"Akala ko kasi nakipagtitigan lang siya sa orasan dahil parang ayaw pa niya kanina e."
Naningkit ang mata niya . "Siguro ikaw ang nag-udyok sa kanya na kausapin ako."
Mukhang hindi alam ni Rapunzel kung ano ang magiging reaksyon sa sinabi sinasabi niya.
"Mabait naman talaga si sir ma'am."
"Naramdaman ko naman nang kinausap niya ako kanina."
"Alam mo ma'am, kung gagawa ako ng kwento ikaw ang gusto kong maging girlfriend ni sir doon, at hindi ang girlfriend niya ngayon."
Kumunot ang noo niya. "Bakit mo naman nasabi 'yan? May problema ba sa girlfriend ni Liam?"
Humalukipkip ito habang nakatingin sa kisame. "Puwede ko siyang ihambing sa sobrang ganda ng plating ng pagkain pero hindi masarap. Ang ganda niya hindi ko maipagkakaila iyon, pero ang ugali." Umiling-iling ito. "Parang mantsa sa puting damit na kahit kuskusin ng mabuti ay hindi maalis."
"Nakasama mo na siya?"
"Minsan ng pumunta dito ma'am. Meron pagkakataon na nagalit ito dahil sa bedsheet niya sa isang kwarto, wala pa kasi si sir no'n nasa opisina pa. Isang hibla ng buhok ang nakita niya sa ibabaw ng bedsheet, ayun naghihiyaw na."
"Buhok ng... tao?'
"Yes ma'am ano pa bang buhok ang naiisip mo? Pero mabalik tayo ma'am sa buhok. Nagalit nga siya dahil sa isang buhok tapos sisisihin ako dahil hindi ko daw nilinis ng mabuti ang hihigan niya. Baliw ata kasi bago niya higan ang kama ay umupo muna siya noong bagong dating lang siya dito at nag-ayos ng buhok habang naka-upo sa kama, syempre hidi naman maiiwasan na may malalaglag talagang buhok kahit hawiin lang."
"Baka gusto niya talagang one hundred percent malinis ang bahay."
Tumirik ang mata ni Rapunzel. "Walang ganun ma'am. Kahit gaano pa kadami ang katulong ng isang bahay ay meron pa ding maiiwan na dumi na one percent and hindi rin kami yung mga tao na kada may alikabok sa sahig ay walis agad. Take note ma'am kahit nga yung girlfriend ni sir na mukhang ang linis, pero ang dumi-dumi naman ng ugali. Akala mo kung umasta dito asawa na siya ni sir."
"'Di ba doon din naman mapupunta ang sir mo..ang magpakasal sa girlfriend niya?"
Habang nakapikit ay sumesenyas si Rapunzel sa daliri nito na ayaw nito. "Kung sakali na matuloy iyon ma'am, aalis na ako dito at maghahanap na lang ako ng ibang trabaho."
"Ang ganda na ng trabaho mo dito, sayang."
"Hindi sayang iyon ma'am. Sa hilatsa ng mukha ng babae na 'yon, kung katulong ka mas lalo pang ipagdidikdikan na katulong ka lang hindi katulad ni sir. Napansin mo naman kung paano ako makipag-usap kay sir Liam?" Tumango siya. "Sobrang bait ni sir kung alam mo lang, kaya nga yung sinasabi ko sayong katulong dito na dalawa ay mga akala mo girlfried ni sir... mga ilusyunada."
"Ang puso mo." Nasabi na lang tuloy niya sa patuloy nitong pagku-kwento.
"Kaya mag-ingat ka ma'am sa babae na 'yon o kaya tawagin mo ako pag sumugod dito 'yon."
Ngumti siya at binuhat ang pinagpapatungan ng mangkok. Inabot niya ito kay Rapunzel, pero napansin niya ang manggas ng suot nitong maid's uniform na parang may mantsa na parang chocolate.
"Hindi mo ata napansin na may dumi diyan sa manggas ng suot mo."
Mabilis itong napatingin sa manggas ng suot nito at bahagyang nanlaki ang mata sa nakita.
"Kitang-kita pa naman." Pero napansin niya sa mukha ni Rapunzel ang pag-aalala at iyon ang pinagtaka niya. Hindi na lang siya nagsalita o tinanong ito. Tumingin siya sa orasan at nakitang alas-kwatro na. "Matulog ka na, Rapunzel. Okay na din naman ang pakiramdam ko. Ipagpapatuloy ko na lang yung tulog ko para pag gising ko ay wala na akong lagnat."
"Sure ka ma'am, baka mamaya pag labas ko ay mahilo ka?"
"Oo sure ako, kaya sige na labas na."
"Sige ma'am at sisiguraduhin ko na tanghalii na akong magigising dahil late na din akong natulog."
Malaki siyang napangiti. "Hindi ka talaga takot sa sir mo, baka bawasan niya ang sahod mo... sige ka."
Ngumisi ito. "Hindi mangyayari 'yon ma'am. Ako ang pinagkakatiwalaan ni sir sa lahat ng katulong niya dito, kaya ang sisantihen ako ay hindi niya magagawa."
Napaisip tuloy siya sa sinasabi nito. "Pumasok lang sa isip ko ngayon. Bakit nga ba hindi na lang ikaw ang kinuhang surrogate ni Liam?"
Nanlaki ang mata nito habang dahan-dahan na naglalakad palapit sa pinto. "Tama ang desisyon mo ma'am na matulog ka na. Nagdedeliryo ka na, kung ano-ano ang sinasabi mo, at kung sakali na tanungin ako ni sir about sa surrogate ay hindi ang sagot ko. Gwapo siya, pero hindi ko siya type. Goodnight na ma'am, matulog ka na. " Mabilis itong lumalabas, may kalakasan pa nga na sinarado nito ang pinto.
Mahina tuloy siyang napatawa sa reaksyon ni Rapunzel, pero biglang din nawala iyon ng maalala ang envelop na binigay ni Liam. Binuksan niya ito at binasa, may nabago pero hindi lahat. Kailangan na lang niyang maghintay ng one month kung sakali na nakabuo nga ba sila o hindi.