5 - Revise Contract

1456 Words
Gabriela Lumipas ang tatlong minuto nang bumalik si Rapunzel na may dalang mainit na lugaw, umuusok pa ito na nasa mangkok bago nilapag sa mini table sa tabi ng higaan. "Hindi ba siya nagising kahit saglit lang sir?" "Hindi. Gisingin mo na lang, at ikaw na din ang umalalay sa kanya. Sigurado ako na hindi siya makakakilos ng mabuti sa taas ng lagnat niya." Napakamot naman ito sa ulo. "Ikaw na lang sir ang gumawa. Tutal naman kasalanan mo kung bakit siya nilalagnat ngayon." "A ba't..." Salubong na ang kilay ni Liam. "Sir, tapos na ang working hours ko. So ibig sabihin, kailangan ko ng matulog dahil maaga pa akong gigising bukas." "Saglit lang naman ang gagawin mo." "That's right sir, saglit lang, kaya ikaw na ang gumawa." Habang nkakataas pa ang hintuturo nito. "So you want me to fire you?" "Syempre hindi. Sino ba naman ang gustong sunugin ng buhay." "What?!" Ginulo nito ang buhok at dahan-dahan ng naglalakad. "Paraan din ng pagsosory 'yan. Simple lang 'yan sir kumpara sa pagpapalakad ng kumpanya." Seryoso nitong saad na nakapagpakunot ng noo ni Liam. Nag-iba kasi ang awra nito na hindi naman nangyayari sa tagal nitong nagtatrabaho bilang katulong ni Liam. Tuluyan ng nakalabas si Rapunzel at naiwan si Liam na nakatulala pa din. Napatingin lang siya sa nakahigang si Gabriela ng gumalaw ito. Umupo ito sa upuan sa gilid ng kama at susubukan niyang gisingin si Gabriela. "Gabriela..." mahina nitong tawag dito, pero hindi ito dumilat. "Gabriela." Muli ulit nagsalita si Liam malapit sa tenga nito. Ilang saglit lang ay gumalaw na ang talukap ng mata ni Gabriela hudyat na gising na ito. Habang pilit na dinidilat ni Gabriela ang mata niya ay nakakaramdam pa din siya ng hilo, pero kailangan niyang gumising dahil may boses na tumatawag sa kanya. Lumingon siya sa kaliwa niya at nakita niya si Liam na nakatitig sa kanya at mukhang hinihintay siyang magising. "Finally, you are already awake." Bumangon siya at napapikit din kaagad dahil umiikot ang paligid. "Are you okay?" Hindi siya sumagot. Hihintay niyang mawala ang pagkahilo niya, pero naramdman niyang may humawak sa braso niya at dahan-dahan siyang sinandal sa likuran ng higaan niya. "Kumain ka na muna bago ka tuluyang matulog." Napatingin siya sa hawak nitong mangkok na may laman na lugaw, pero parang ayaw ng tiyan niya ang lugaw ngayon. Umiling siya bilang sagot. "You need to eat. Kahit konti ay kumain ka ng maka-inom ka ng gamot." Nagmatigas talaga siya umiling pa siya ng ilang beses para sabihin lang na ayaw niya ng lugaw. May gusto siyang kainin, pero hindi lugaw. "Ayaw mo ba nito? Gusto mo ba ng ibang pagkain?" "Oo..." sa mahina niyang boses na sagot. Bumuntong-hinga naman ito at binaba ang mangkok sa ibabaw ng table. "Pero wala ng gising na katulong..." Napalingon silang dalawa ng may nagbukas ng pinto at pumasok ulit si Rapunzel na may dalang tubig at gamot. Napahinto pa nga ito ng nakitang gising na si Gabriela. Lumapit ito sa kabilang side ng higaan. "Gising ka na pala ma'am. Kumain ka na ba?" Napatingin ito sa mangkok at napansin na hindi pa ito nababawasan. "Bakit hindi ka pa kumakain ma'am?" takang tnong nito. "Ayaw niya ng lugaw," biglang saad ni Liam. "Ano bang gusto mo ma'am?" tanong ni Rapunzel. "Sopas," sagot niya "Ha? Sopas?" "Oo." Binaba ni Rapunzel ang dala niya at nilagay ang dalawang kamay sa bewang nito bago tumingin kay Liam. "Sisihin mo ma'am si sir. Nagpaluto siya ng lugaw, ang sabi ko sopas ang lulutuin ko. Ayaw niya." Napakunot ang noo habang nalilito sa sinasabi ni Rapunzel si Liam. "What are you saying?" "Nag-english na naman siya..." bulong ni Rapunzel. "Rapunzel!" "I...I'm saying is..." Tila hinahalungkat pa sa isip nito ang sasabihin. Habang si Gabriela ay gulong-gulo sa pag-aaway ng dalawa sa magkabilang gilid niya. "Aalis na ko sir. Magluluto ako ng sopas mag-usap muna kayo. Matagal maluto yung sopas mga two hoours." Nagsalubong ang mga kilay ng dalawa sa sinabi ni Rapunzel sa tagal ng pagluluto ng sopas. "Two hours?" saad ni Liam. Pinanlakihan naman ng mata ni Rapunzel si Liam at mukhang na gets naman nito ang sinabi about sa dalawang oras na pagluluto. "Baka durog na yung macaroni Rapunzel kung two hours mo siyang lulutuin?" Na-iimagine pa lang ni Gabriela ang itsura no'n ay mukha ng hindi masarap. "Hindi 'yon ma'am. Kandila lang kasi ang gagamitin ko kaya aabot ng two hours...sige bye." "Teka..." pipigilan pa sana niya ito pero tuluyan na itong nakalabas. "Nauubusan pala ng gasul ang pangluto mo dito?" saad niya sabay lingon kay Liam na tahimik lang na nakatingin sa kawalan. Tumahimik siya at binaling na sa ibang direksyon ang paningin niya. "I'm sorry." Dinig niyang saad nito. Napalingon muli siya dito at ngayon ay sa kanya na ito nakataingin bago muling ulitin ang sinabi. "I'm sorry sa mga sinabi ko kanina. Masyadong mataas ang tensyon sa ating dalawa kaya hindi naging balanse ang pag-uusap natin." Hindi siya umimik at hinayaan niyang sabihin nito ang gusto nitong sabihin. "Pero kailangan ulit nating mag-usap about condition. This time mas mahinahon at walang sumbatan. "May kinuha itong envelop sa drawer ng kwarto niya. "This is another contract. Valid pa din ito pero iniba ko ang ibang condition." Binigay nito sa kanya ang envelop at muli itong umupo sa tabi ng higaan niya. "I know that your not fully okay, kaya pirmahan mo na lang 'yan tomorrow. Sasabihin ko na lang ang nakalagay diyan para mapag-isipan mo ng mabuti." Tumingin sa orasan si Liam at biglang napahikab. Alas-tres na pala ng madaling araw at kailangan na din nitong matulog dahil maaga itong papasok sa opisina nito. "Tungkol sa hindi ka puwedeng lumabas ay valid pa din 'yon at nakasulat pa din diyan sa panibagong kontrata, pero after one month at hindi ka pa nabubuntis ay puwede kang umatras na sa pagiging surrogate woman ko. Ibibigay ko sayo ang halaga na nakasaad sa unang kontrata after one month, pero once na nabuntis ka ay susundin mo ang lahat ng gusto ko at makukuha mo ang pera sa oras na manganak at umalis ka na dito sa mansion." "Kahit man lang sa pagtawag sa magulang ko ay payagan mo ako na maka-usap sila. Ayokong mag-alala ang magulang ko dahil hindi ako magpapakita ng 9 months o tumawag man lang sa telepono, if ever na mabuntis ako. Iyon lang ang hiling ko sayo sir, isang hiling lang na sana ay pagbigyan mo. Magiging mabait ako at wala kang magiging probema sa akin." Bahagyang napayuko si Liam. "Okay, pagbibigyan kita, pero huwag mong sasabihin kung ano ang trabaho mo o nasaan kang lugar." "Oo." "Tungkol naman sa girlfriend ko." Huminto saglit si Liam. "Oo hindi niya alam na nag-hire ako ng surrogate woman, at kung sakali na malaman niya ang tanging sasabihin ko lang ay hindi ko kilala ang surrogate woman dahil sa pamamagitan lang nng professional na doctor ginawa ang procedure para ipasok sa babae ang semilya ko, kaya ayoko na lumabas ka ng mansion dahil kaligtasan mo din ang iniisip ko dahil aaminin ko konti lang ang bait sa pagkatao ni Casandra." "Paano kung pumunta siya dito ng hindi mo alam?" "Hindi mangyayari 'yon." Kumunot ang noo niya. "Paano ka naman nakakasiguro?" Maliit itong ngumiti. "Busy siya at walang oras para pumunta dito. Madalas sa kumpanya ko siya pumupunta." "Ang magulang mo?" "Nasa ibang bansa pa sila ngayon. May sarili silang bahay kaya huwag kang mag-alala na baka sumulpot na lang sila dito." "Hindi rin nila alam ang tungkol sa surrogate?" Umiling ito. "Bakit nga ba nagmamadali kang magka-anak?" tinanong na rin niya iyon para mas malaman niya ang mas malalim nitong dahilan. "Napansin mo naman na ang tahimik sa mansion na 'to. Gusto ko ng baguhin dahil aaminin ko maging ako ay tahimik na tao dahil isa akong may-ari ng kumpanya. Sa industry kung nasaan ako mas mainam na magmukha kaming hindi nakukuha sa isang paliwanagan lang dahil iyon ang lakas namin para mapa-unlad ang business. Hindi puwede ang lalatagan lang kami ng proposal then agree. Personally, I want more details rather than sumbit a summarize proposal. Hindi biro ang business kaya kung if ever na may sumubok ay ibang pag-uugali din ang dapat kong ipakita sa kanila para mas pagbutihin pa ang trabaho. I have a soft heart Gabriiela, but other people misinterpret for how I expose myself." Tumingin siya kay Liam na may lungkot na makikita sa mata nito. Naisip niya hindi lahat ng tao na may pera ay may masamang ugali. Sa sinabi ni Liam ngayon sa kanya ay mas matimbang ang pamilya kaysa sa karangyaan na meron ito. Tama din ito, na may pagkakataon na kailangan magpanggap ang isang tao para hindi abusuhin ng mga taong abusado.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD