3 - Unwritten Condition

1535 Words
Gabriela Lumipas ang oras ay sumikat na ang araw, bago magtanghali ay nagising si Gabriela na pagod na pagod pa din ang katawan. Nang tumayo siya ay napa-upo rin siya kaagad sa sakit ng nararamdaman niya sa gitna ng hita niya. Napalingon siya sa likuran at nakita niyang may pulang matsa sa puting bedsheet. Napabuga na lang siya ng hangin at sinimulang suotin muli ang damit niya na nasa sahig bago lumabas ng kwarto na iyon. Balak sana niyang lumipat sa sarili niyang kwarto, pero hinarang siya ng iba na namang katulong. Bale tatlong katulong na ang nakikita niya. “Ma’am, kailangan niyo na pong kumain.” Tiningnan niya ito at maliit na ngumiti. “Puwede bang mamaya na lang?” Umiling ito. “Hindi po puwede. Ang sabi ni sir ay dapat nasa oras ang pagkain mo. Hindi na po niya sinama ang umagahan ngayon dahil may dahilan daw po.” Napaiwas siya dito at tila nahiya, “Sige kakain na ako.” Humakbang siya pero mukhang napansin ng katulong na nahihirapan siya. “Ma’am, gusto mo ba ng tulong?” Umiling siya. “Kaya ko basta dahan-dahan lang ang lakad.” “Okay, babagalan ko na lang din po ang lakad ko.” Habang naglalakad sila ay nagtanong ang katulong. “Ma’am. Malaki po ba?” Napakunot ang noo niya sa tanong nito. “Ang alin?” "Yung ano ni sir…” Sa nanlalaking mata habang ang kamay nito ay tila nagpapaikot-ikot para ma-gets niya ang sinasabi nito. “Ano bang gusto mong sabihin,” sa naguguluhan niyang saad. “’Di ba may ginawa kayo ni sir kagabi? Ang ingay mo kasi.” Nanlaki ang mata niya sa pagkataklesa nitong bibig. “Bakit alam mo iyon?” “Narinig ko habang padaan ako sa harap ng pintuan ng kwarto ni sir.” Napakamot siya sa ulo. "Malakas ba talaga?” Paniniguro pa niya. “Oo ma’am! Gusto mo gawin ko pa kung ano ang naririnig ko kagabi….” Hindi natuloy ang dapat nitong gayahin na narinig kagabi dahil tinakpan niya ang bibig nito. “Okay na, huwag mo ng gayahin.” Ngumiti lang ito sa kanya at tumingin na sa harap. “May tanong ako.” “Ano ‘yon ma’am?” “Alam niyo ba kung bakit nandito ako?” Seryoso itong tumingin sa kanya at may lungkot ang pagngiti nito. “Bakit nga ba pinasok mo ang pagiging surrogate?” Napabuntong-hininga siya. “Kailangan ko kasi ng pera para makatapos ng kolehiyo.” Tumango-tango ito. “Tanggap kita maging sino ka man ma’am.” Napangiti siya sa sinabi nito. “Ano bang pangalan mo?” “Rapunzel, ma’am.” “Oh! Kaya pala ang haba ng buhok mo.” Pinaningkitan siya ng mata ni Rapunzel. "Joker ka din ma’am.” Napailing siya at mahinang tumawa. “Pero ingat kayo sa ibang katulong dito ma’am dahil may masamang mga ugaling taglay ang mga ibang nandito. Lalo pa’t gustong-gusto nila si sir.” “Talaga? Hindi ba bawal iyon? Ang magkagusto sa amo nila.” “Puwede naman ma’am basta hindi alam ni sir, at saka ang chaka nila para mapansin ni sir hindi katulad mo ang ganda.” “Sus hindi totoo ‘yan” “Totoo ‘yan ma’am, pero huwag po talaga kayo malalapit sa dalawang katulong dito na dalaga din dahil baka makalbo ka. Ang alam nila ay binabayaran lang kayo ni sir para magdala ng sanggol at pagkatapos ay aalis na, kaya sigurado akong hindi nila ikaw gagalangin.” “Salamat sa paalala.” Pumasok na sila sa dining area kung saan siya kumain at si Liam kahapon. Nakita niya na ang daming pagkain na nasa lamesa. “Ang dami ata nito? Isa lang naman ako? Gusto mong sumalo?” “Ay hindi ma'am, kasama mo si sir na kakain ngayon.” Napakunot ang noo niya sa sinabi nito dahil base sa pagsasalita nito kanina ay parang umalis na si Liam ng bahay nito. Kaya pala pinigilan siya nito papunta sa kwarto niya. “Akala ko ay wala siya dito kaya kinukulit mo akong kumain?" “I’m here. Kaya umupo ka na at kumain na tayo.“ Dire-diretso itong lumakad papunta sa upuan habang ang dalawa ay sinusundan lang ito ng tingin. Humarap ito sa kanila. “What?” “A sige sir aalis na ko. Bye ma’am mamaya na lang ulit tayo mag-chismisan.” Habang sinusundan niya ng tingin si Rapunzel ay tinawag siya ni Liam. “Gabriela, halika na.” Dahan-dahan siyang lumapit at nang nasa malapit na upuan na siya ay agad siyang umupo. Napansin iyon ni Liam kung paano maglakad si Gabriela. “Puwede kang uminom ng pain reliver kung hindi ka komportable sa sakit.” Kumuha ng pagkain si Liam at nilagay sa plato nito. Limang putahe ng ulam ang nasa harap nila ngayon. May dessert pa at juice. Habang kumakain silang dalawa ay nagsalita si Liam. “I forgot to tell na hindi ka puwedeng umalis ng mansion hanggang sa nanganak ka na.” Naiwan sa ere ang dapat isusubong pagkain ni Gabriela bago lumingon kay Liam na patuloy pa ring kumakain ngayon. “Wala sa kontrata ang sinasabi mo ngayon.” “Yes, hindi nakasulat sa kontrata, pero hindi ka puwedeng bumalik sa inyo o dumalaw man lang.” Pabagsak niyang binaba ang kubyertos at dinig na dinig iyon sa dining area. “Kung ano lang ang nasa kontrata iyon lang ang susundin ko. Ano pang silbi ng pagpirma ko kung magdadagdag ka ng kondisyon!” Sa may galit niyang sambit. Kumunot ang noo nito at tumingin sa kanya ng seryoso. “Ang dali lang naman ng pinagagawa ko sayo ngayon compare sa ginawa natin kggabi.” Napangisi siya sa sinabi nito at tiningnan si Liam. “Ikukulong mo ako sa tahimik mong mansion! Babalik naman ako kung sakaling umalis ako. May isang salita naman ako, hindi naman ako tatakbo dahil mas nauna mong nakuha ang virginity ko bago ko makuha ang perang ibabayad mo sa akin!” puno ng emosyon niyang sumbat. “Ayoko lang na baka may makagalaw sayong iba dahil kung sakali baka ibang lalaki ang makabuntis sayo ng tuluyan at hindi ako.” “Binigay ko sayo ang pagkabirhen ko, pero hindi ibig sabihin no'n ay magiging pakawala na akong babae." Sa seryoso niyang sagot, pero may pangingilid ng luha sa kanyang mata. May inis na ding makikita sa mukha ni Liam. “Malaki naman ang ibabayad ko sayo, at isa pa nagmamadali na ako dahil baka malaman ito kaagad ni Casandra!” Napalingon siya kaagad kay Liam. “Sino…si Casandra?” Hindi ito sumagot, kaya tumayo siya. “Kung girlfriend mo iyon. Bakit hindi mo sa akin sinabi kaagad?!" Nanginginig ang buong laman niya sa panloloko ni Liam sa kanya. “Wala kang sinabi na may kasintahan ka, kaya pumayag akong maging surrogate woman mo, pero ano 'to? Kung kailan nagalaw mo na ako saka mo sa akin ipapamukha na may girlfriend ka!” Nagtiim bagang ito at tumayo na din. “As long as hindi nalalaman ni Casandra ay okay sa akin iyon.” “Puwes sa akin hindi! Hindi mo alam kung ano ang mararamdaman niya kung sakali na malaman niya ito? Bakit hindi na lang siya ang buntisin mo ng tapos na ang paghihintay mong magkaroon ng anak, at least pag kayo ang nagkaroon no’n ay puwede kayong magpakasal!” “Kung ano ang gusto ni Casandra ay iyon lang ang susundin ko. Ayaw pa niyang magbuntis kaya nag-hire ako ng magdadala ng bata para sa kanya.” Hinawi niya ang buhok niya pero may diin habang natawa hindi dahil masaya siya kung hindi parang nahihibang na si Liam. “Hindi ko alam kung baliw ka dahil naisip mo ‘yan. Bakit ayaw niyang magbuntis kung magpapakasal naman ata kayong dalawa?” “She’s a model, at hindi ibig sabihin no'n ay ayaw niya hindi pa lang siya handa for now.” “Talaga? Bakit hindi mo siya pinapili career o ikaw.” Nagtitigan sila sa huling sinabi ni Gabriela. “If you experience falling in love you will know why.” Umiling siya. “Nagsinungaling ka pa din. Hindi mo pa din sinabi ang lahat-lahat bago ko tanggapin ang trabaho na ‘to. Yes babayaran mo ko, pero kung sakali aalagaan ba ng girlfriend mo ang bata.” “Hindi ko pa masasagot ang tanong mo na ‘yan. First and foremost, you do not have the right to question me. You are acting as my surrogate, nothing more and nothing less.” “Kung ganon naman pala. Hindi ko na itutuloy ang pagiging surrogate woman mo!” Ngumisi ito at humalukipkip. “Valid ang kontrata na pinapirmahan ko sayo and approve ng isang abogado iyon, kung gusto mong umatras...pay me.” Masama niyang tinitigan si Liam habang ang mga kamao niya ay nakakuyom. “Sundin mo na lang ang gusto ko ng hindi tayo mauwi sa pagtatalo. Parehas din naman tayong makikinabang dito. Huwag mo munang isipin si Casandra dahil ako ang bahala sa kanya." Tumingin ito sa lamesa at sa plato nito na may pagkain pa. "Kung gusto mong ipagpatuloy ang pagkain, go ahead. Nawalan na ako ng gana.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD