bc

Chasing the Dreams of Love

book_age16+
1
FOLLOW
1K
READ
billionaire
pregnant
others
goodgirl
CEO
drama
bxg
highschool
wife
waitress
like
intro-logo
Blurb

Sa pangarap na binubuo ni Roheinea, lagi niyang sinasama si Jacob sa lahat ng plano niya. Pero hindi niya alam na hindi pala siya kasama sa pangarap na binubuo ni Jacob. He left her for his dream without knowing that Roheinea already achieved her dream and that is being a mother of a twin.

Heron Series #1

chap-preview
Free preview
00
00 Hindi ko na alam kung paano ako lalabas sa lugar na 'to, ngayon lang ako nakapunta dito. Alam ko naman na malapit lang ako dito sa McKinley pero hindi naman dito ang madalas na puntahan ko. Kung bakit ba naman hindi ako tumingin kanina sa papunta dito at natulog lang ako sa kotse. Halos magga-gabi na at hindi ko alam kung na saan ako. Tumingin ako sa paligid. Hindi ko maiwasang mamangha, para akong nasa Premium Philippines. Tumingin ako sa paligid at may nga nakikita akong mga banyaga na estudyante na lumalabas mula sa school na nasa likod ko na ngayon ko lang napagtanto na school pala. "May school pala dito?" tanong ko sa sarili ko. Pinagmasdan ko ang eskwelahan. Hindi siya ganoon kalaki pero alam mong mamahalin ang school. "Chinese International School. Puro chinese siguro mga estudyante dito." komento ko. "Everyone can study here." agad na kumunot ang noo ko. Napatingin ako sa nagsalita, at lalaki ang nakita ko. "Bakit? Diyan ka ba nag-aaral?" tanong ko sa kanya. Nakatingin lang ito ng deretso sa kalsada. "Yeah." tipid na sagot niya. "Chinese ka?" tanong ko sa kanya. Tumango siya. Mukha nga siyang Chinese dahil sa pagka-mestizo nito. "Pero nakakaintindi ka ng Filipino?" tanong ko ulit. "I studied it." labis na namangha ako dahil hindi madali ang pag-aaral ng isang lenggwahe na hindi mo naman nakasanayan. "Nag-try din ako mag-aral ng Chinese Language 'e, 'wo ai ni' lang alam ko." humagikgik ako. Nakita 'kong tumaas ang side ng labi niya. Ngumiti ba siya? "Teka, alam mo ba saan palabas dito? Papunta sana sa C5 road." agad na tanong ko. Panigurado naman ay alam niya ang lugar na ito dahil dito siya nag-aaral. "That way." tinuro niya ang daan at isang deretso lang naman pala, pero mukhang malayo ang lalakarin ko. "Aigoo-ya." Napailing na lang ako. Sana lang ay may masakyan agad ako pauwi. Kukunin ko sana yung wallet ko sa bag nang maalala ko na pinahawak ko ang bag ko kay Tessa. "Korilashikotopiruteru." mahinang bulong ko sa sarili ko. Doon na ako nagsimulang kabahan. Wala rin ang cellphone ko sa akin. Malayo pa ang bahay ko mula sa McKinley. "Mr. Chen, let's go." napatingin ako nang marinig ko 'yon. Mukhang bodyguard o driver 'yon ng lalaki 'kong kausap at may isang magarang kotse ang naka-park sa harap namin. Mukhang nagmamadali na rin dahil nga hindi naman pwedeng mag-park nang matagalan sa kalye. Halata ngang mayaman ang lalaking nakausap ko na ngayon ay nakatingin sa akin. Hindi ko maiwasanang mamangha sa itsura nito at talagang napaka-gwapo nito. Agad na umiwas ako ng tingin at tumingin na lang sa kalsada. "Is there a problem?" tanong nito na ikinagulat ko. Agad na umiling ako at ngumiti ng pilit. "Wala hehe." humagikgik ako nang mahina. Mukha hesitant pa ito na pumasok sa kotse pero wala na rin siyang nagawa dahil nga kailangan na rin umalis ng kotse sa kalsada. Sinundan ko na lamang ng tingin ang kotse hanggang sa mawala na ito sa paningin ko. Nagsimula na akong maglakad sa direction na tinuro niya. Sobrang haba pa ng lalakarin ko. Wala naman akong pera kaya wala na akong choice kung hindi lakarin mula McKinley hanggang sa Waterfun. "Exercise." Nagsimula na akong malakad. Hindi pa ako nakakalabas sa McKinley dahil sa kahabaan nito at naramdaman ko na ang pagod, pataas pa ang daan nito. Nang makalabas na ako ng McKinley at nakita ko na ang C5 na ikinangiti ko. Halos malula ako sa sobrang haba ng pila sa sakayan ng jeep. Seryoso ba 'to? At halos yung iba ay nakikipag-unahan na makasakay sa jeep pag hihinto ang jeep at may baba na pasahero. Hindi naman na bago sa akin ang ganitong senaryo dahil nakipag-bardagulan na din ako diyan dati nung high school ako pero bakit naman hanggang ngayon na Grade 12 na ako ganoon pa rin ang senaryo. Naglakad na ako papunta sa Aranai at ramdam ko na rin ang pananakit ng paa ko. Gusto ko na nga makihiram ng cellphone kaso iposible naman na may magpahiram sa akin dito. Huminto muna ako para magpahinga. Halos gabi na pala at ang hirap rin makasakay ngayon, hindi naman ako pwede mag-1,2,3 dahil masama 'yon. Hindi ko pa nata-try 'yon. Accident lang na nangyari nung Grade 11 ako. Nalimutan 'kong magbayad ng pamasahe, nung bumaba na ako ng jeep, binubusinahan na ako ng jeep kasi nga bumaba ako nang hindi pa nakakabayad. Akala ko nagbi-beep beep lang yung jeep dahil kukuha ng pasahero, yun pala kinukuha na atensyon ko dahil di ako nakabayad. Feeling ko napakasama 'kong tao 'non. Kung bakit ba naman ako ipinanganak na makakalimutin. Nagsimula na ulit akong maglakad nang may narinig akong busina ng kotse. Hindi ko na lang pinansin at naglakad na lang. Pero hindi pa rin natigil ang busina at nakakarindi na ang ingay kaya tinignan ko na 'yon. Trip siguro ng driver mambusina, napailing na lang ako. "Get in." nagulat na lang ako nang bumaba ang window ng kotse at sumigaw ang isang lalaki. Kaya rin pala pamilyar ang kotse. Nag-park sa gilid ang kotse malapit sa pwesto ko. Lumabas ang lalaking kausap ko kanina at lumapit sa akin. "Damn, it's hot here. Get in, I'll give you a ride." sabi nito na ikinagulat ko. "Hah?" halos matanga ako sa harapan niya. "I said i will give you a ride. You really walked to get here?" hindi niya makapaniwalang sabi. Tumango lang ako. "Malapit lang naman." pagsisinungaling ko. Tumawa siya. Hindi ko ikakaila na gwapo ito. Para siyang artista dahil sa itsura nito. "Lie." yun lang ang sinabi niya. "Let's go, I'll give you a ride." sabi ulit nito. Kahit nahihiya ay tinanggap ko na lang dahil ang sakit na rin ng paa ko dahil sa sapatos na galing sa Shopee. Alam mo naman pag mura ang sapatos, kapalit ay masakit na paa. Nang makapasok na kami sa kotse ay labis na namangha ako dahil sa ganda ng loob. Kulay ginto pa ang loob ng kotse. Tahimik lang akong umupo. "Salamat." sinsero 'kong sabi sa kanya. Tumango lang ito. Pati pagtango niya ay ang cool tignan. "Anong height mo?" alam 'kong walang connect sa sinabi ko pero hindi ko maiwasang ma-curious. Ang tangkad niya naman kasi. Lahat ata na makikita 'kong matangkad ay tinatanungan ko ng height. "5'10." sagot niya. Napatango na lang ako. "How about you?" tanong niya. Bigla akong natawa, wala lang gusto ko lang tumawa. "5'3, pero gusto ko 5'4." sagot ko. Natawa naman siya sa sinagot ko. Luh, anong nakakatawa doon. Lahat naman tayo may karapatang pumili diba? "What is your address Ma'am?" tanong ng driver. Nanlaki naman ang mata ko dahil sa Ma'am na sabi nito. "Ibaba niyo na lang po ako sa Waterfun, pwede ko naman pong lakarin hanggang sa bahay." tumango na lang ang driver. Medyo traffic din pero umusad na ng tuloy-tuloy nang makalagpas na kami sa Bluebos. "What's your name?" tanong niya. Tumingin ako sa kanya ta nakatingin lang siya sa harap. "Roheinea." sagot ko sa kanya. Nakita ko namang napangiti siya. "Nice name." komento niya na ikinakunot ng noo ko. "Nice name? Hindi ah, medyo weird nga 'e. Pwede namang Niya na lang para mas maikli." tumingin siya sa bintana at pagkatapos ay tumingin sa akin. "All right, Niya." tumango ako at ngumiti. Medyo nahiya ako dahil nakatingin ito sa akin kaya tumingin na lang ako sa bintana. "I'm Chen." pagpapakilala niya kaya tumingin ako sa kanya. Nakakahiya, bakit hindi ko tinanong ang pangalan niya. Diba pag tinanong ka dapat tatanungin mo para hindi rude. Awkward na ngumiti ako. "Ang ganda ng pangalan mo, isang Love Shot naman diyan." pagbibiro ko pero mukhang hindi niya naintindihan. Hindi niya ata kilala si Chen ng EXO. Magkapangalan kasi sila. "Maganda ang pangalan mo, para kang haciendero na tagapagmana ng hacienda ng papa mo." mukhang naintindihan niya naman ang sinabi ko at natawa siya. "Your name is like the name of a goddess." sinabi nito na ikinabilis ng t***k ng puso ko. "Krazy." yun na lang ang nasabi ko at itinuon ang atensyon ko sa labas. Nasa phase 1/phase 2 na kami at malapit na kami sa Waterfun. "Thank you po." pasasalamat ko sa driver. Tumingin ako kay Chen. "Thank you." tumango lang siya. Nang itabi na ni kuya driver ang kotse ay aakmang lalabas na ako nang iabot sa akin ni Chen ang cellphone niya. "Can I get your number?" tanong nito na parang nahihiya pa. Number ko? Para saan? "Loloadan mo ako?" tanong ko sa kanya na ikinatawa niya. Joke ba 'yon para sa kanya? Ang babaw naman ng kaligayahan niya. "Okay, I'll do it." mahina siyang tumawa. Alam ko naman ang gusto niyang iparating, nahihiya lang ako tanggapin na may nagka-interes sa eleven digits ko. Kinuha ko ang cellphone niya at tinype ang number ko. "Regular 50 ah, smart." sabi ko sa kanya na ikinatawa niya, narinig ko na tumawa rin ang driver. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Sabi niya loloadan niya ako, wala pa naman akong load. "Noted." sabi niya na ikinatango ko. Lumabas na ako ng sasakyan. Umalis na rin naman sila agad kaya naglakad na ako pauwi, mga 15 minutes ang travel time ko pauwi. Nang makauwi na ako ay bumungad sa akin ang mukha ni Tessa at ang kapatid niya na si Troy. "Ate, sorry!" agad na lumapit sa akin si Tessa at niyakap ako. Yumakap lang din ako sa kanya, hindi naman ako galit. Ang mama niya ang may galit sa akin at hindi sila. "Ayos lang Tessa." ngumiti lang ako. Nilapitan ako ni Troy at inakbayan, hinalikan pa ako nito sa pisngi na lagi niyang ginagawa. "I'm sorry." bumuntong-hininga lang ako. Wala namang bago, pero sa susunod ay hindi na ako sasama sa kanila, sumama lang naman ako dahil gusto ni Tessa at Troy. "Pahinga muna ako ah." paalam ko sa kanila at ngumiti. Binigyan lang ako ni Troy ng tingin na guilty. Tinapik ko siya sa pisngi. "Okay lang po." nakangiti 'kong sabi sa kanya. Ang cute talaga ng kapatid ko. Mas matanda ako ng dalawang taon sa kanya pero kung umasta ay parang mas matanda ito sa akin. Masyadong protective at halos ayaw akong masaktan pati rin kay Tessa. Kaso hindi niya ako magawang ipagtanggol sa Mama niya dahil masyado itong mahigpit at matindi ang galit nito sa akin. Hinalikan ko silang dalawa sa pisngi at pumunta na sa kwarto ko para magpahinga. Nasa kwarto na rin ang bag ko kaya kinuha ko ang cellphone ko. Natawa na lang ako nang may AutoLoadMax na nagtext sa akin, 50 pesos ang load. Did you receive it? Mukha si Chen nga ang nagtext non. Agad na niregister ko 'yon sa unli text at call. Nag-reply ako sa message niya. Oo, salamat. Wala pang isang minuto ay nag-reply na 'to. All right, good night Niya. Reply nito. Nagreply na rin ako ng 'good night' at pinatay ang cellphone ko. Nagpalit na ako ng pangbahay na damit. May kumatok sa pinto ng kwarto ko at si Troy 'yon. "Let's eat." sabi niya at tumango ako. Lumabas ako ng kwarto at sabay kaming pumunta sa dining table. "Do you still have an allowance?" tanong ni Papa sa akin. Tumango ako at ngumiti. "Meron pa po." magalang na sabi ko sa kanya. Tumango lang siya. Tumingin ako kay Tita na hindi naman ako pinapansin kaya itinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagkain. "Uh Pa, baka pwede po bilhan nyo ako ng Laptop. Medyo nahihirapan na po kasi ako sa cellphone." nahihiya 'kong sabi. Nagulat ako nang biglang ibagsak ni Tita ang mga kubyertos sa plato na nagdahilan ng ingay. "Do you think that is too much Niya?" tanong ni Tita sa akin. Bakas ang galit sa boses niya. "You're getting spoiled. You don't even deserve the phone that you got." sabi nito na ikinayuko ko. "That's enough Terry." sabi ni Papa. Ngumiti na lang ako. "Wag na pala 'pa, hindi rin naman necessary, gusto ko lang po." tumawa ako nang mahina. Hindi na rin nagsalita si Papa. Binilisan ko na lang ubusin ang pagkain ko para makabalik na ako sa kwarto. ... Roheinea is pronounced as Ro-hi-ni-ya. #Roheinea

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
10.4K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
35.7K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
612.5K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
819.0K
bc

The Lone Alpha

read
125.5K
bc

Bad Boy Biker

read
8.7K
bc

The CEO'S Plaything

read
19.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook