"Sumasakit na yung ulo ko." hindi ako nagbibiro dahil kumikirot na ang ulo ko.
Parehas kami ni Jacob na hindi makuha yung tamang result. Dapat kasi ay may dalawang decimal sa resulta na lalabas ang kaso ay whole number ang lumalabas which is hindi nga dapat.
Kinuha ni Jacob ang phone niya at nag-search na siya sa Google. Agad na kinalabit ko siya.
"Hoy bawal 'yan." sabi ko sa kanya pero ngumisi lang siya. Mabilis niyang nakuha ang sagot at tinype na kung ano ang kulang.
Nang ni-run niya na ang program, vinalidate ko muna gamit ang calculator sa phone ko at tama ang sagot. Tumingin siya sa akin at ngumiti.
"Anong bawal?" sabi niya. Parehas kaming nagtawanan. Pina-check na namin sa Prof namin at 100 ang nakuha namin dahil tama ang nagawa namin.
"Masakit pa ulo mo?" tanong ni Jacob habang naglalakad na kami palabas ng Com Lab.
Tumango ako. "Medyo, kanina pa 'to 'e." sagot ko sa kanya, minasahe ko ng kaunti ang ulo ko. Nang makalabas na kami ay nasa labas lang si Yell at nakaupo, tumayo na rin siya nang makita ako.
"Galing talaga ni Mark, buti na lang siya ang kapartner ko kanina." humagikgik siya at kumapit sa braso ko.
"Monthsarry nyo ng jowa mo kahapon diba?" tanong ni Yell sa kay Jacob, tumango lang si Jacob.
"Naks, stay strong." tinapik ni Yell ng mahina si Jacob sa kanyang braso.
"Hays, kailan kaya magkakajowa si Niya?" biglang sabi ni Yell, agad na hinampas ko siya ng mahina sa ulo niya. Hindi naman ako nagmamadali. Siya nga iyong jowang jowa na at lahat ata ng dating apps na-try niya.
"Pag ako may pinakilala sa 'yo Yell, tignan mo lang." pagbibiro ko, parehas kaming natawa.
"Ipakilala mo sa akin." sabi ni Jacob na seryosong nakatingin sa akin.
Tumawa ako. "Bakit naman?" tanong ko. Bigla siyang umismid na hindi ko na naintindihan.
Pumunta na kami sa susunod na subject namin. Agad na umupo kami ni Yell sa dulo dahil yun ang usual spot namin.
Nag-cellphone lang si Yell nang bigla siyang sumigaw na ikinagulat ko. Tumingin ako sa kanya at siya ay nakatingin lang sa akin. Bigla niyang tinuro ang cellphone niya habang nakatingin sa akin. Kinunutan ko siya ng noo dahil hindi ko siya maintindihan.
Binigay niya ang cellphone niya sa akin. At nakita ko ang litrato namin ni Chen na kuha pa ni Tessa sa Paradise Dinasty sa SM Aura.
"Bakit? Anong problema?" tanong ko sa kanya. Parang hindi siya makapaniwala sa tanong ko.
"Hindi mo ba siya kilala?" gulat na gulat na tanong niya. Nakakakuha na rin siya ng atensyon ng mga kaklase namin dahil sa sobrang lakas ng boses niya.
"Chen." tipid na sagot ko.
Biglang nawala ang pagka over reaction niya. "Di ko rin siya kilala pero ang gwapo hah, infairness. At madami ang followers." akala ko naman kilala niya, napaka-oa niya talaga.
Pinakita niya sa akin ang account ni Chen at nasa four hundred thousand plus ang kanyang followers. Medyo nagulat nga rin ako pero sinabi rin pala ni Tessa 'yon kahapon.
"Chinese model pala siya, Niya!" sabi ni Yell. Mukhang ni-search niya pa si Chen.
"Ipakilala mo naman ako, friends ba kayo?" tanong niya, tumango lang ako.
"Saan mo nakita ang picture namin?" tanong ko sa kanya.
"Duh, sa i********: account mo, finollow mo kaya ako." umikot ang mga mata niya.
Wala naman akong naaalala na finollow ko siya pero baka si Tessa ang nag-follow sa kanya dahil siya ang gumawa ng account ko.
"Next time na lang, balak kong umuwi ng maaga mamaya." napangiti ako nang maalalang mamaya na ibibigay ni Papa ang laptop ko.
"Basta ipakilala mo ako ah!" tumango ako.
Natapos ang dalawa naming klase at uwian na rin. Kaming dalawa na lang ni Jacob ang sabay dahil hindi na rin namin mahanap sila Cedric at mukhang nauna na sila.
"Gusto mo mag meryenda?" tanong ni Jacob nang makarating na kami sa harap ng Philplans kung saan may meryendahan.
"Libre mo?" biro ko sa kanya pero tumango siya. Agad na tumawa ako at umiling.
"Joke lang, kkb na lang o kaya ako na lang ang manlilibre sayo kasi puro ka libre sa akin 'e." sabi ko sa kanya, pumayag na lang siya.
Pumunta na kami sa mga nagtitinda ng mga street foods at parehas kaming kumain. Kung nandito sana si Yell ay mas masaya. Ililibre ko nga rin siya bukas. Binigyan na kasi ako ni Papa ng panibagong allowance. Balak niya rin magbukas ng bank account para sa akin pero tinanggihan ko dahil hindi ko pa naman kailangan at sapat na yung allowance na binibigay niya sa akin.
Nagbayad na ako para sa kinain naming dalawa at sumakay na kami ng Jeep.
"Lumipat na kami sa McKinley, kaya mas mauna na akong bababa ng Jeep sa 'yo." sabi ko sa kanya.
"Sa loob ng McKinley?" tanong niya.
Tumango ako. "Oo, sa McKinley Hill Village." tumango siya.
"Mabuti at malapit lang." sabi niya. Mukhang alam niya rin ang village na 'yon.
"Ingat Jacob!" paalam ko sa kanya at bumaba na sa McKinley. Kumaway ako sa kanya bago umalis ang Jeep. Naglakad na ako pauwi at mabilis na nakauwi.
Masaya akong umuwi sa bahay at halos wala ring tao. Ang uwi kasi ni Troy at Tessa ay mga 2pm na, depende pa 'yon kung may mga gagawin pa sila sa school.
Pumunta ako sa kwarto ko para magpalit. Nagulat ako nang makita ang dalawang box na may tatak ng Apple ang nasa lamesa ko.
Dala ng kuryosidad ay binuksan ko 'yong dalawang box. Hindi ako makapaniwala na binilhan ako ni Papa ng laptop at iPad na hindi ko naman halos kailangan.
Agad na tinext ko si Papa at nagpasalamat sa kanya. Hindi rin ako nakatanggap ng reply agad marahil ay busy si Papa. Binuksan ko ang laptop at hindi ako magkamayaw sa saya dahil finally ay may sarili na akong laptop at pwede ko 'to dalhin sa school para may sarili na akong gagamitin na computer.
Agad na tinawagan ko sa messenger si Jacob para magpaturo. Ipinatong ko ang cellphone ko sa lamesa at hinintay na sagutin ni Jacob ang tawag. Naghintay ako ng ilang seconds at sinagot niya na.
"Jacob!" nag-hi ako sa kanya at ipinakita ang laptop ko.
"Nabilhan kana ng Papa mo?" tanong niya. Ngumiti ako at tumango. Nakita 'kong napangiti siya.
"Buti naman."
"Turuan mo ako i-download yung vb net, hindi ko alam kung paano." sabi ko sa kanya. Tumango siya at sinimulan niya na akong bigyan ng instruction.
Halos tumagal kami ng kalahating oras para ma-download na yung vb net na ginagamit namin, at c++ na rin para kumpleto.
"Thank you Jacob." ngumiti ako sa kanya. Tumango lang siya.
"Mag-practice kana. Bukas mag-practice tayo, okay?" tumango ako at ngumiti.
"Bye Jacob! Thank you ulit." pinatay ko na ang tawag at nag-practice akong mag-code at gumawa ng simpleng problems. Okay naman ang takbo ng program at talaga makakatulong ang laptop ko sa pagco-code.
Pinatay ko na ang laptop dahil hindi ko na rin naman gagamitin. Wala rin kaming assignment ngayong araw kaya kahit papaano ay magchi-chill muna ako.
Ini-enjoy ko na nga ang first semester dahil pag nag second semester na kami ay panigurado ay magiging hell na naman ang pakiramdam namin.
Binuksan ko na rin yung iPad para tignan at parehas lang naman sa iPhone na binigay ni Papa. Pinalaki lang ang version. Pinatay ko na rin 'yon dahil hindi ko naman gagamitin.
Nagbihis muna ako ng pambahay bago bumaba para pumunta sa dirty kitchen.
"Ate Lina, may pagkain po?" tanong ko kay Ate Lina.
"Oo naman beh, nagluto lang kami ng Adobo, okay na ba 'yon?" tumango ako at ngumiti. Pinaupo nila ako sa upuan kung saan sila kumakain.
"Wala pa rin sila ba ang kambal?" tanong ni Ate Lina.
Umiling ako. "Mamaya pa ata uuwi Ate." sagot ko. Kumain na ako na labis 'kong ikinatuwa dahil masarap ang Adobo.
Nang matapos akong kumain ay nagpasalamat ako kay Ate Lina dahil sa masarap niyang Adobo. Bumalik na ako sa kwarto para magpahinga nang tumunog ang cellphone ko. Napapadalas na ang ang pagtunog ng cellphone ko na dati ay hindi naman.
Tinignan ko kung sino ang nag-text at si Chen iyon. Napapadalas nga rin ang pag-text niya sa akin.
Are you home?
Minsan nagtataka na ako dahil sa simpleng mga text niya na 'yon ay parang kinikilig ako na hindi naman, pero ewan ko. Ayoko namang bigyan ng kahulugan, dahil pag binigyan ko na kahulugan ay talagang kukulayan ko pa na parang rainbow.
Oo, kakauwi ko lang. Ikaw?
Ayos lang kaya na tinanong ko din siya? Para hindi naman rude diba kaya dapat tanungin ko din siya?
I have tryouts in basketball. I hope I got in.
Dahil tinatamad na akong mag-type ay tinawagan ko na siya dahil ayoko sa lahat ay nagtatype ng message.
"Hello?" narinig ko ang boses niya na ikinangiti ko.
"May tryout ka sa basketball?" tanong ko.
"Uh Yes. I don't know if my skills are enough." bakas sa boses niya ang kawalan ng kompiyansa sa sarili.
"Gusto mo ba na ipagdasal kita sa tryouts mo?" tanong ko sa kanya. Hindi siya nagsalita hindi ko inantay ang sasabihin niya at nagsimula na akong magdasal.
"Dear God, please give Chen a strength and confidence to do his best for his tryout. Guide him and let him do the right actions so he will not have injuries. Thank you." ngumiti ako.
"Okay na, narinig na ni God." sabi ko sa kanya.
HINDI maipaliwanag ni Chen ang nararamdaman niya nang marinig niya ang prayers ni Niya para sa kanya. Kahit kailan ay walang nagdasal para sa kanya, o sa mga ginagawa niya.
Napaka-sinsero ng mga dasal ni Niya para sa kanya. Halos lumundag ang puso niya. Kakaiba si Niya, yun ang nasa isip niya. Para siyang babasaging pinggan na pag nasaktan mo ay mabilis itong masaktan.
"Thank you." mahina lamang ang boses niya dahil parang nawalan siya ng sasabihin sa kanya.
"Galingan mo, dapat makita kita na kalaro ni Troy, ang sabi niya ay kakalabanin ka daw niya sa court." narinig niya ang mahinang tawa ni Niya na ikinangiti niya.
"Let's see if he can fight with me." biro niyang sabi.
"Magaling kaya si Troy, baka umiyak ka sa loob ng court." tumawa ulit si Niya.
"If I will got in, watch me play, deal?" sabi ni Chen.
Ngumiti si Niya. "All right, deal."
"Should I call you or text you for the result?" tanong ni Chen.
"Tawagan mo na lang ako, tinatamad ako mag-type." natawa si Chen sa sagot niyang iyon. Kaya pala tinawagan siya nito dahil ayaw niya mag-type at tinatamad.
"Noted, madam." natatawa niyang sabi.
"Goodluck Mr. Chen Huang." narinig niya ang tawa ni Niya.
Pero nagtaka siya na alam nito nag full name niya dahil hindi niya naman sinabi kay Niya 'yon.
"How did you know my full name?" tanong ni Chen sa kanya.
"Ah kasi yung kaibigan ko nakita ang picture natin sa i********:, yung pinost ni Tessa. Tapos hindi ko alam kung bakit niya nakita yung account mo."
"Tessa tagged my account."
"Oh, siguro baka dahil doon. Pag tinag ba ay makikita yung account?" tanong niya kay Chen dahil hindi niya rin kabisado ang i********:.
"Yes, yes."
"Siguro nakita ng kaibigan ko yung account mo tapos pinakita niya sa akin, at nakita ko yung name mo." pag-kwento niya.
Napangiti si Chen dahil marami na rin itong sinasabi at hindi na tipid ang mga sinasabi ni Niya.
"Uh huh, and then?" ngumiti siya.
"Kaya ko nalaman. Chen Huang, Chen Huang. Ang tipid ng pangalan mo, dalawang syllables lang, wala kang second name?" tanong niya.
Napapahaba na ang usapan nila at sobrang nag-eenjoy si Chen.
"That's how the name works in China. Sometimes two syllables or three or more than."
"Sabagay, sa akin kasi ang haba, Ro-hi-ni-ya tapos De-la Ro-sa. Bale 8 syllables, ang haba no?"
"Yes, that's really long."
"Goodluck ulit ah, tawagan mo ako sa resulta."
"You're the first one who will know the result." parang mapupunit na ang labi ni Chen dahil sa laki ng ngiti niya.
"Okay, ba-bye!"
"All right, bye." si Niya ang nagpatay ng tawag.
Napailing na lamang siya habang nakangiti, kung iba ang titingin sa kanya ay aakalain na nababaliw na siya.