"Walang klase ngayon, lahat pupunta sa Grand Theater, ang tumakas ay malalagot. Maga-attendance din mamaya kaya wag na kayong magbalak tumakas." sabi ng Presidente namin. Naghiyawan naman ang lahat dahil walang klase.
"Kain muna tayo." yaya sa akin ni Yell, tumango ako dahil nagugutom na rin ako at hindi ako nag-almusal. Araw-araw naman ay hindi ako nag-aalmusal.
"Anong nangyari kahapon?" bigla na lang sumabay sa amin si Jacob nang makalabas na kami sa room. Tinignan ko ang mga kaibigan niya at mukhang nauna na ang mga ito sa canteen.
"Wala naman, nag-ikot lang kami sa school." sagot ko sa kanya habang nakatingin lang sa daan.
"Sinong kami?" tanong ni Yell.
"Ah ano yung nakilala ko, si Chen." nakapasok na kami sa Admin building at bumaba sa basement para pumunta sa canteen.
"Kayo na naman magkasama." sabi ni Mark, ang kaklase namin. Umiiling iling pa ito.
"Pakialam mo ba." sabi ni Jacob at sinuntok pa ito ng mahina sa balikat. Sumama na rin sa amin si Mark.
"Akin na lang girlfriend mo, tapos sayo na si Niya." natatawang sabi ni Mark. Hinampas ni Yell ng mahina si Mark sa sinabi nito, ako naman ay medyo nailang.
"Ulol." yun na lamang ang nasabi ni Jacob. Hindi ko na lang rin pinansin dahil hindi naman big deal.
Sabay kaming kumain at nasa tabi ko si Jacob at nasa harap ko naman si Yell at Mark. Naramdaman ko ang pagtunog ng cellphone ko kaya kinuha ko 'yon at tinignan kung sino ang nag-text.
What is your full name?
Kumunot ang noo ko sa text ni Chen. Bakit niya tinatanong? Nireply-an ko na lang siya
Roheinea Dela Rosa, bakit?
Agad ring nag-reply si Chen na ikinangiti ko.
Is Troy Dela Rosa your brother?
"Kumain ka muna Niya." rinig 'kong sabi ni Jacob sa akin. Nakatingin rin sina Yell at Mark sa akin kaya binaba ko muna ang phone ko at nagpatuloy sa pag kain.
Nasanay na rin ako na masyado akong binabantayan ni Jacob. Siguro ay dahil kilala niya at alam niya nangyayari sa buhay ko. Mula sa pagkamatay ng Mama ko at hanggang sa mapunta na ako kay Papa. Kilala nya rin ang mga kapatid ko at kilala rin siya ng mga kapatid ko.
Naikwento ko kasi sa kanya lahat 'yon dahil nga naging magkagrupo kami sa project namin. Halos tatlong buwan kaming magkasama sa bahay nila kasama din ang tatlo pa naming mga kaklase.
Syempre pag nasa iisang grupo, hindi rin maiwasan na magkwentuhan at sa oras na 'yon, siya lang ang mapagkukwentuhan ko. Hanggang sa naging komportable na ako sa kanya. Halos isang taon pa lang kaming magkaibigan pero parang matagal ko na siyang kaibigan.
Yun nga lang ay nalihis ako at nag-iba ang pagtingin ko sa kanya kahit hindi pwede.
Nang matapos na ako kumain ay tinawagan ko ang numero ni Chen. Agad naman sinagot niya 'yon.
"Nakilala mo na si Troy?" tanong ko sa kanya. Hindi ko mapigilang mapangiti.
"Is he your boyfriend?" nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Troy.
"Hindi no, sino nagsabi niyan?" tanggi ko.
"Tell him that if he will court you, he should tell me, I have to test him in basketball court." maangas na sabi niya na ikinatawa ko.
"I can handle myself Troy." natatawa 'kong sabi.
"Whatever. Come here in our school after your class."
"Outsiders are not allowed in your school." pagpapaalala ko sa kanya.
"Whatever, see you in home. I love you." napangiti ako sa sinabi niya. Napaka-sweet talaga ng kapatid ko.
"I love you too." nakangiti 'kong sabi.
"Hoy sino yan, may jowa kana?" bigla sabi ni Yell na ikinatawa ko. Si Jacob naman ay seryosong nakatingin sa akin.
"I'll text you later." narinig ko ang boses ni Chen, siguro ay binigay na sa kanya ni Troy ang phone niya.
"Anong itetext mo?" tanong ko. Tumawa siya.
"Nothing. I'll hang up." sabi niya.
"Okay, bye Chen." ako na ang nagpatay ng tawag dahil mukhang inaantay na rin ako nila Yell.
Naglakad na kami palabas at nagsimulang umakyat papunta sa 6th floor dahil nandoon ang Grand Theater. Wala naman kaming choice dahil blockbuster ang pila sa elevator.
Naramdaman ko ang pag-angat ng bag ko. Binuhat na pala 'yon ni Jacob. Ngumiti lang ako sa kanya dahil sa ginawa niyang 'yon.
"Magaan lang 'to." sabi ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin at kinuha pa ang bag ko. Baliw talaga.
"Para kayong mag-jowa." komento ni Yell na nakatingin sa amin. Deretso lang ang tingin ni Jacob at wala lamang reaksyon ito.
Nang makarating na kami sa 6th floor ay may mga pila bawat section at hinanap namin ang section kaya pumila na rin kami. Kinuha ko na ang bag ko kay Jacob bago kami umupo sa sahig.
Hiniram ni Yell ang cellphone ko at nagpicture. Nagpicture pa kaming dalawa, sinama niya na rin si Jacob na hindi man lang ngumingiti. Ano kayang problema niya?
"May problema ka?" mahinang tanong ko sa kanya. Tumingin lang siya sa akin at hindi nagsalita. Kinuha niya ang pamaypay niya sa bag niya t pinaypayan ako.
Narinig ko ang tukso ng mga kaklase ko na hindi ko na lang pinansin. Halos nasanay na rin ako. Hindi ko naman binibigyan ng kahulugan ang mga ginagawa niya. Basta ang alam ko hindi pwede, at kaibigan na lang ang tingin ko sa kanya. Yun lang 'yon.
Kinuha ko ang cellphone ko dahil tumunog 'yon. Nakita ko ang pangalan ni Chen.
Do you have free time later?
Yun ang text niya. Wala naman akong assignment na gagawin dahil nga walang klase ngayon, at wala rin akong pupuntahan so it means, may free time ako mamaya?
Nagtipa ako ng ire-reply sa kanya.
Yes, I have free time.
Mabilis na nag-reply sa akin si Chen.
Let's hangout.
Sa simpleng pagyaya niya sa akin ay ikinasaya na ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit pero masaya ako. Siguro dahil bago ko pa lang siya na kakilala. At bukod kay Yell, Jacob at sa mga kaklase ko na kasama ko buong taon, hanggang ngayong taon ay may iba na akong kakilala.
Nagreply ako sa kanya.
Okay. Where should we meet?
"Kailan mo nakilala yan?" nanlaki ang mata ko at agad na pinatay ang cellphone ko.
"You should not read someone else's phone." sermon ko sa kanya.
"Hindi ko intensyon." nakipagsukatan siya ng tingin sa akin pero umiwas lang ako.
Pinapasok na kami sa Grand Theater at halos mapasigaw na si Yell dahil sa lamig na binibigay ng Grand Theater. Napakainit kasi kanina sa labas at ngayong nasa loob na kami ay labis ang tuwa namin.
Sa bandang gitna kami pumwesto at katabi ko si Yell at Jacob, sa tabi naman ni Jacob ay si Mark. Kinuha ko ulit ang cellphone ko para tignan ang reply ni Chen.
Should I pick you up in your school?
Reply niya. Agad na nag-reply ako para hindi sumangayon sa gusto niyang mangyari.
Wag naaaaa, sa market-market na lang?
"Itago mo na 'yang cellphone mo Niya, magsisimula na yung program." sabi ni Jacob.
Tinignan ko muna ang reply ni Chen.
All right, 2pm. See you Roheinea.
Napangiti ako sa reply niya. Tinago ko na ang phone ko dahil makukuha ang ID ko pag nahuli na nagce-cellphone ako.
Halos orientation lang naman ang nangyari kaya hindi na rin ako masyadong nakinig. Pinikit ko na lang ang mata ko dahil inaantok na rin ako.
"Sumandal ka sa akin." mahinang sabi ni Jacob. Umiling lang ako dahil ayokong gawin ang sinabi niya. Kay Yell na lang ako sumandal ng ulo at siya ay sumandal din. Halos parehas lang kaming inaantok.
Lumipas ang halos dalawang oras ay natapos na ang orientation.
"Sa wakas." nag-unat ng katawan si Yell. Parehas kaming gusto na umuwi. Pinalabas na kami ng theater at bumaba na rin kami.
Nang makalabas na kami ng Admin building ay nagpaalam na rin si Yell sa akin dahil iba nga ang direksyon niya sa paglabas sa school. At as usual ay kami kami pa rin ang magkakasama na uuwi.
Nanlibre pa si Cedric, ang isa naming kaklase ng softdrinks na tinanggihan ko na lang dahil hindi ko rin masyadong gusto ang softdrinks.
"Uminom ka kahit konti lang." inabot sa akin ni Jacob ang softdrinks niya na nasa plastic pero tumanggi lang ako.
Nang makalabas na kami sa short cut papunta sa Philplans ay nagulat kami nang makita si Samantha na naghihintay. Mukhang alam nito kung saan dumadaan si Jacob. Agad naman niyakap ni Samantha si Jacob.
Tinukso nila Cedric sina Jacob at Samantha dahil sa yakap na 'yon. Napangiti na lang rin ako. Nauna na kami nila Cedric dahil mukhang magde-date ang dalawa.
Tinext ko si Chen na papunta na ako dahil 1:45pm na at mabilis lang naman ang byahe mula Philplans papunta sa Market-market. Sumakay na kami ng Jeep at nagpa-alam na rin ako sa mga kaklase ko at bumaba na sa Market-market.
Tinawagan ko si Chen na agad sinagot ang tawag ko.
"Na saan ka? Nandito na ako."
"Troy is with me." sabi nito ni ikinalaki ng mata ko.
"Really?"
"Yeah, and with Tessa." doon na ako napangiti.
Pumunta na ako kung na saan sila at agad na tumakbo ako nang makita kung saan sila naghihintay. Si Tessa agad ang yinakap dahil siya ang baby ko. Niyakap ko din si Troy at hinalikan ako sa pisngi.
"Bakit kayo sumama?" tanong ko sa kanila.
"Gusto namin ate 'e." cute na sabi ni Tessa. Minsan lang siya mag-tagalog at yun ay pagkausap niya ako.
"Paano mo sila nakilala?" tanong ko kay Chen.
"They have resemblance with you." he chuckled.
Tumabi ako kay Tessa at pinagdikit nag mukha namin. Natawa kaming parehas ni Tessa, talagang may hawig nga kami dahil tatlo kami nagmana kay Papa.
"He kept mentioning you, and I heard your name. You're the only one who have that name so I knew it was you." sabi ni Troy na ikinagulat ko.
Tumingin ako kay Chen na parang nahihiya at sa ibang direksyon nakatingin, ayoko naman mailang sa pinagsasabi ni Troy kaya tumawa na lang ako.
"Tara na, saan nyo gusto pumunta?" kumapit sa akin si Tessa.
"Kain tayo ate." sabi niya na ikinagiti ko.
"Okay." hinalikan ko siya sa pisngi.
Naglakad na kami papasok sa Market-market. At ayan na naman ang mga atensyon na nakukuha nila. Hindi ko alam kung dahil ba sa uniform nila o dahil matangkad sila o dahil may mga itsura sila?
"Troy, ang gwapo mo daw." bulong ko kay Troy. Tumawa lang siya. Ayaw niya kasing sinasabihan siya ng gwapo.
"Kuya Chen, ikaw din po gwapo." humagikhik si Tessa. "Sabi po ni ate." dugtong niya na ikinagulat ko. Tumingin sa akin si Chen at tumawa nang mahina.
"Wala akong sinasabi." nahihiyang sabi ko. Minsan talaga ay hindi ko nagugustuhan ang mga sinasabi nito ni Tessa, at ang pagiging madaldal niya.
"Do you like my sister?" tanong ni Troy sa kanya. Napasampal na ako sa noo.
Kinurot ko si Troy sa tagiliran. "Hoy ano bang pinagsasabi mo? Susuntukin na kita diyan." banta ko sa kanya.
Gusto ko na magpalamon sa lupa. Talaga ngang kambal sila at gusto ko na silang tirisin dalawa. Halos isiksik ko na ang sarili ko kay Tessa dahil sa sinabi niya.
"What? I am just asking, is that too much to ask bro?" tanong niya kay Chen na nakatingin sa akin ngayon. Umiling lamang siya na parang okay lang sa kanya ang tanong pero hindi niya na rin naman sinagot na sa tingin ay mas okay.
Nagsabi si Tessa na gusto niyang dumaan sa National Bookstore kaya dumaan kami doon. Gusto ko sana bumili ng libro pero nagtitipid rin ako at gusto ko bumili ng Laptop.
Bumili ng mga pens si Tessa at ako naman ay nakikitingin lang. Nang matapos na siyang bumili ay lumabas na kami sa National Bookstore.
"Can we go in Aura? I have a favorite restaurant there." sabi ni Troy. Tumango na lang rin si Tessa dahil mukhang hindi rin siya sanay dito sa Market-market.
Naglakad lang kami papuntang SM Aura nang makasalubong namin si Jacob at Samantha.
"Kuya Jacob!" tawag ni Tessa sa kanya at kumaway. Nagulat rin si Jacob pero agad na napatingin sa akin. Ngumiti lang ako ng tipid at lumipat ang tingin niya kay Chen.
Lumapit si Tessa sa kanya at niyakap niya naman ang kapatid ko.
"Hello, ate." binati niya rin si Samantha na kasama ni Jacob. Ngumiti si Samantha sa kanya. Nginitian ko na lang rin si Sam nang tumingin siya sa akin at ganoon din siya.
"Let's go." yun na lang ang sinabi ni Chen. Nagpaalam na rin si Tessa kay Jacob, ganoon din si Troy. Kumaway na lang ako sa kanilang dalawa at naglakad na rin kami palayo sa isa't-isa.