"Bakit gan'un saka sino...sino si Rumina?"
napabulong nalang ako nang mahina
"Sir" inabot ng lalaking nasa likod kanina na nakadamit na kulay itim ang isang papel kay uncle.
iniabot ito sa akin ni uncle.
"Ano ito?" wika ko kay uncle
"Divorce papers yan pirmahan mo nalang" utos nito sa akin.
"Divorce?" tanong ko
"Oo gusto ko na makipaghiwalay Rumina, itigil na natin ang pagsasama natin bilang mag-asawa"
Teka saglit ano daw? bilang mag-asawa? "Te.. teka pero wala pa akong asawa, hindi pa ko nag-aasawa kasi bata pa ako" pansin ko ang pagkunot ng kilay nito na tila nagulat sa sinabi ko.
"Ah Sir hindi ko po nasabi na mukhang may problema po ang kaniyang pag-iisip. Maaring dahil sa kan'yang pagkacomatose po nang isang buwan kailangan pa po natin siya obserbahan" wika ng lalaking nakaputi.
"Pwede ba Rumina huwag ka nang magpanggap pa" galit na wika ni uncle sa akin.
Naguguluhan talaga ako sa nangyayari.
"Naku sir nag-umpisa na naman po ata si Lady Rumina na gumawa ng dahilan para hindi matuloy ang paghihiwalay niyo." saad ng babaeng nasa pintuan ng silid ko naka cross arms pa ito.
"Sinasabi mo ba na ang binukot na ito ay nagsisinungaling? bilang binukot ng inyong nayon wala sa batas nang aming pamilya ang salitang pagsisinungaling" sigaw ko sa babae, napansin ko ang kan'yang pagkataka sa aking sinabi. "Binukot?" muling wika nito
"Ah eh ma'am ang binukot po ayon sa research namin ay prinsesa" bulong ng katabi nitong babaeng nakaputi.
Nabaling ang paningin ni Reiner sa nakaputing lalaki.
"Doc. Drei paki check ngayon din lahat ng dapat i check sa kan'ya tawagan mo ako sa magiging resulta" wika ni Uncle sa lalaking nakaputi.
"Aalis na ako, Gilbert!" tawag nito sa nagngangalang Gilbert na ngayon ay katabi na niya
Lalabas na sana sila ng pintuan nang mapatayo ako agad sa higaan ko at takbuhin si Uncle. Niyakap ko si Uncle mula sa likod, natatakot ako mag-isa natatakot ako na baka maulit ang nangyari noong gabi na papatayin ako ni kuya Ernesto ano mang oras ngayon.
"Huwag ka umalis uncle" wika ko sa mababang tinig
Wala ako narinig mula sa kaniya at nagpatuloy na ito lumabas ng aking silid.
"Ganun naba kalaki ang galit mo sa akin uncle bakit hindi mo ko pinapansin, nararamdaman ko ang galit mo sa akin wala nang pagmamahal, dati palagi tayo naglalaro at nagkakakwentuhan bakit ngayon parang nag-iba kana." wika ko sa isip ko at ngayon sa sobrang bigat ng nararamdaman naramdaman ko nalang
ang pagtulo nang aking luha. "Uncle"
"Lady Rumina tayo na po" aya sa akin ng nakaputing lalaki.
"Saan po tayo pupunta mahal na datu puti?" tanong ko sa lalaking nakaputi
"Da...tu puti? suka oh toyo? jusko malala ata damage mo sa utak lady Rumina" napahawak naman sa ulo ang lalaking nakaputi.
Hindi ko siya maintindihan pero mukang sumakit ang ulo nito "Ano po pala ang pangalan niyo?" tanong ko sa nakaputing lalaki. Kanina pa kasi ito sa silid ko pero hindi ko pa din siya kilala.
"Lady Rumina ako si Dr. Drei personal doctor po ng inyong pamilya hindi po datu-puti naiintindihan niyo po ba?" wika niya sa akin.
Ngumiti nalang ako dahil sa wakas kilala ko na ito wala na akong dahilan pa para matakot.
"Ano po pala ang gagawin natin?" muli kong tanong kay Drei
"Itetest po nating muli ang inyong katawan" sagot nito sa akin.
"Matapos niya ako pagsalitaan nang mataas kanina, tangkain patayin tapos nag-utos na sasaksakan ako ng karayom ngayon naman ipapatest ako, gusto naba talaga ako ipapatay ni uncle" wika ko sa isip ko saka napahikbi muli.
"Ano bang nangyayari sa babaeng ito?" wika ng doctor sa mahinang boses.
"Lady Rumina pasok na po" utos ng nakaputing lalaki.
Habang nasa examine room
"Bastos bitawan mo ko bakit mo ko huhubaran!" sigaw ko ng tinanggal niya ang pagkakatali ng damit ko sa likod ko
"Lady Rumina kailangan nating tanggalin para ma check ng ayos ang heart niyo" wika ng lalaking nakaputi.
"Hindi mo ko mahahawakan isa yan kalapastanganan sa nakakataas sayo sa katulad kong binukot!"
"Nyee..dinukot ka man o binaluktot o ano pa yan kailangan mong ma test ngayon dahil kung hindi, ako ang mayayari kay master Reiner naiintindihan mo po ba Lady Rumina?!"
"Ngayon nasagot kana sa akin, matitikman mo talaga ang parusa sa mga katulad mong walang galang!"
Lumapit na ang lalaking nakaputi sa akin saka kami nagkagulo sa loob, nang mahuli niya ako tinali na niya ako sa upuan.
"Grabe ka Lady Rumina itetest lang kita pinahirapan mo pa ako" wika ng lalaking nakaputi.
Tuluyan na niyang nabuksan ang damit ko sa likod.
"Waaaaaaaaa matitikman mo talaga ang parusa mo!"
Nang matapos ay agad na ako nagtungo sa aking silid, lahat ng examine ay ginawa sa akin kanina kaya kailangang maghintay ng result.
Kinagabigan 8:00 nang gabi sa office ni Reiner habang nagtatrabaho hindi maalis sa isip niya ang pagyakap na ginawa ni Rumina. Hindi ugali ng dating Rumina ang yumakap dito kahit mula ng magsama sila sa iisang bubong walang yakap o halik man ang nagaganap sa mag-asawa.
Maya maya pa ay tumunog ang phone ni Reiner, nang masagot ang phone boses ni Doc. Drei ang nasa kabilang linya.
"Master Reiner, tapos na po ang test na isinagawa ko kay Lady Rumina" wika ng boses sa kabilang linya.
"Good ano resulta dok"
"Si Lady Rumina ay ok naman po ang lahat sa kaniya sir ang kaso lang po ang kaniyang pag-iisip ay nasa 80% lamang, hindi po wasto para sa edad niya.Lumalabas na bata__" hindi na natapos ni Doc. drei ang saaabihin.
"Sige Doc. Salamat"
"80%?, normal ba ang ganun kapag na comatose ang isang tao? nakakapagtaka, oh baka naman nagpapanggap lang siya" wika sa isip ni Reiner.
"Napirmahan na kaya niya ang divorce papers?" dagdag pa nito sa isip niya saka nagdesisyong pumunta ng hospital.
Sa hospital,
Kakatapos lang ni Rumina basahin ang divorce paper na ibinigay sa kaniya ni Reiner kanina.
"Ano kaya ibig sabihin nito? hindi pa ako ikinakasal noon pa, siguro ang may-ari ng katawan na to pero hindi ako, hmmm totoo talagang nasa katawan na ako ng ibang tao?" wika ko habang naglalakad ako papuntang salamin na pintuan.
Gulat ko nang biglang bumukas ang pintuan ng aking silid. At nakita ko siya, si Uncle. Lumapit ito patungo sa akin na may seryosong awra, nakakatakot siya ibang iba si uncle ngayon kung para noon sa mundo ko.
Nagulat ako ng hawakan nito ang chin ko at iniharap ang aking paningin sa kaniya.
"Kung iniisip mo na magbabago ang plano kong makipagdivorce sayo nagkakamali ka, kahit na maglaslas ka pa ng pulso mo, tumalon sa mataas na building o magpasagasa sa kalsada para lang makumbinsi mo kong pigilan sa plano kong pakikipaghiwalay sayo mabuti pang itigil mo na ang pangarap mong iyon naiintindihan mo." galit na wika nito sa akin.
"Bakit ganun kung asawa ng may-ari ng katawan na ito ang lalaking kaharap ko ngayon, bakit ganito nalang ang galit niya. Siguro hindi maganda ang pagsasama nila kaya ganito nalang ito kung makapagsalita." wika ko sa isip ko na nakatitig sa kaniya saka niya binitawan ang pagkakahawak sa chin ko.
"Master Reiner heto po ang result pwede na din po siya umuwi" wika ni Drei
"Hmm let's go" bigla nito hinawakan ang aking pulsuhan saka ako hinila papalabas ng silid.
"Pambihirang lalaki ito ganito ba siya mangtrato ng babae," wika ko sa isip habang naglalakad kami palabas ng hospital nasa likod naman namin ang mga kasama nitong nakaitim na damit.
Paglabas ng hospital may nakaabang na bagay na may gulong siguro ito ang kanilang sasakyan sa kasalukuyang panahon.
Binukas ni uncle ang pintuan ng sasakyan saka tumingin sa akin.
"Sakay" wika nito
Agad naman ako sumakay at saka umayos ng pagkakaupo. Sumakay na din ito sa tabi ko. Nagulat pa ako nang paandarin niya ang sasakyan may kung anong tunog kasi ang lumabas dito hindi familiar sa akin.
Habang nasa byahe kami ibat ibang bahay ang nakikita ko hindi na siya gaya ng dati na magkakalayo ang tirahan halos magkakalapit na ito at dikit dikit saka ang tataas, kaya ngayon ko napatunayan na iba na ang mundong ginagalawan ko ngayon.
REINER'S POV
Habang nasa byahe nanibago ako sa ikinikilos niya, dati kapag hinihila ko ito pumipiglas ito sa akin saka ako hahampasin ng buong pwersa at gumagawa pa ito ng iskandalo sa paligid, pero kanina habang naglalakad kami at hinihila ko siya hindi man lang ito nanlaban. O baka isa na naman ito sa kan'yang plano para hindi matuloy ang divorce.
"Kanina sabi ng Doc. Drei ok naman lahat sa kaniya maliban sa I.Q level nito na 80% lamang. I.Q. nang 14 na taong gulang. Paano mangyayari yun? tapos lagi niya sinasabi na isa siyang prinsesa na tila seryoso sa kaniyang sinasabi, kung sa kilos naman malaki din ang pinagbago nito, hindi na siya gaya ng dati na magaslaw kung kumilos ngayon ay masyado na siyang pino at kagalang galang kung kumilos bilang babae, hmmm tingnan natin kung hanggang saan ang pagpapanggap mo Rumina" Bulong nito sa isip saka nagfocus sa pagmamaneho.
END OF REINER'S POV
Nakarating kami ng bahay ni Uncle ang ganda at ang laki, may mga halaman sa paligid at bulaklak, may mga ilaw din ito pero hindi na siya sulo. Matigas na mga pader at may mga nakaukit na mga disenyo ang ganda ang ganda talaga.
Kaya lang "paano ako makikisama sa taong kinikilala kong uncle ngayon kung ganito ang pakikisama niya sa akin, lagi mainit ang ulo at lagi nakasigaw, kahit na alam ko na hindi na ito ang totoo kong uncle nakikita ko pa din sa itsura niya si uncle, may oras silang halos parehas kung kumilos at magsalita, gayun din sa pagbibigay ng utos. Kung gan'un para hindi ako maging api sa panahong ito kailangan kong maging malakas at magkunwari bilang totoong Rumina para hindi ako mahalata. Tama aayusin ko ang pagpapanggap ko." wika ko habang andito pa din sa labas ng bahay ni uncle.
"Maligayang pagbabalik Lady Rumina" wika ng lalaking naka itim ang damit at may salamin, may kaputian na din ang buhok nito, kung titingnan mga nasa edad na ito 45 na taong gulang.
Pagpasok ko nang bahay muli kong inilibot ang paningin ko sa paligid, labis ang pagkamangha ko sa nakita ang daming kumikinang na mga palamuti, ang mga upuan nila ay ang hahaba madami ding naglalakihang mga larawan. Bumaling lang ang tingin ko sa iba ng tawagin ako ni Reiner mula sa taas ng hagdan. Agad naman ako lumapit saka kami nagsabay muli sa paglalakad.
Nang marating ang pintuan ng kwarto at binuksan ito, bumungad sa akin ang isa pang napakalaki at napakalawak na silid.
"Wow ang ganda naman dito uncle" wika ko na may excitement
"Hindi mo naaalala ang kwarto natin?" tanong ni Reiner sa akin.
Natulala lang ako sa sinabi niya habang nakatitig sa mga mata nito, hindi ako nag-ingat mukang nahahalata niyang hindi ako ang tunay niyang asawa.
Unti-unting lumapit si Reiner sa akin, nangmakalapit mahigpit ako nitong hinawakan sa aking balikat saka itinulak sa pader.
"Ahh uncle" wika ko sa mahinang boses.
"Pakiusap itigil mo ang pagpapanggap na inosente Rumina, maligo kana at oras na nang pagtulog" bumitaw na siya sa pagkakahawak sa akin.
Ako naman para hindi na lalong uminit ang ulo ni uncle ay naligo nalang ngunit hindi ko alam kung ano ang gagamitin.
"Don't tell me sa sobrang kamangmangan mo kahit cr hindi mo alam?" wika nito sa akin.
Tumango lang ako bilang sagot.
"Haysss, ayun ang inodoro, ito ang flash press mo lang, ito ang gripo pihitin mo lang para lumabas ang tubig, ito ang malababo, sabon para sa katawan, shampoo para buhok naiintindihan mo?"
"Opo uncle" determinado kong sagot
Matapos ituro sa akin ni uncle ang mga bagay na nasa CR ay umalis din ito agad.