CHAPTER 3

2021 Words
"Ano gagawin ko ang hirap ng walang alam sa paligid mo, kung lalayas naman ako baka maligaw pa ako hindi ko kabisado ang mundong ginagalawan ko ngayon" wika ko habang nakatingin sa paligid ng silid na pinasukan ko. May salamin na malaki at ang daming bote na hindi ko alam kung ano ang tawag pero ang sarap amuyin. Naglakad pa ako ng konti saka nakita ang isang mahabang bagay na kulay puti. "Ano ang bagay na ito? hindi ito tinuro ni uncle" wika ko sa mahinang boses. "Hindi kaya mapanganib ito?" dagdag ko pa. Sa kama habang nagkakape si Reiner at panay ang scroll sa cellphone na gamit nang mapansin niya na hindi pa lumalabas si Rumina ng CR. Maya maya pa ay nakita niya ang dumadaloy na tubig mula sa pintuan ng C.R na galing sa loob. "Ang babaeng 'yun ano ginagawa niya" wika ni Reiner. Agad siyang tumayo sa kama saka naglakad papuntang C.R. hindi siya nagdalawang isip na pasukin ang C.R., pagbukas nag-uumapaw sa tubig ang sahig, napakunot naman ang kilay niya sa nakita, muli siya naglakad papasok sa loob at nang marating ang bathtab nakita niyang umaawas ang tubig galing dito. "Rumina!" sigaw ni Reiner nang makita ako na nasa ilalim ng tubig at hindi gumagalaw. Agad hinook ni Reiner nang kan'yang braso ang aking balikat saka ako iniahon. Naramdaman ko ang pag-angat sa akin mula sa ilalim ng tubig at nang maimulat ko ang aking mga mata nakita ko si uncle nakatitig sa akin at tila takot na takot. "Uncle?" agad kong tanong sa kaniya Napansin ko naman ang pagkunot ng kilay nito kaya natakot ako sa itsura niya. "What do you think your doing?" tanong nito sa akin. "A..nali..ligo?" utal kong sagot dahil sa takot. "Hindi ko alam na ganito ka kamang-mang Rumina alam kong na comatose ka at nagkaroon ng problema sa status ng utak mo pero hindi ko akalain na ganito ka kalala" sigaw nito sa akin. "hindi ka ba marunong magsara ng gripo? hinayaan mong dumaloy ng dumaloy ang tubig!" Napatingin ako sa paligid at halos tubig na nga ang paligid. "Ah sorry uncle" pagyuko ko nataranta ako bigla ng mapansin wala nga pala akong damit na suot. Napatitig ako kay uncle at nakatitig lang ito sa akin na halatang nagtataka sa kinilos ko. "Waaaaaa labassssss!" sigaw ko saka ko siya binato ng bagay na nahawakan ko pero hindi ko nakita kung ano. "Sh*t" rinig kong wika niya saka niya ako binitawan at agad ding tumayo. Kita ko pa ang sobrang galit nito sa mukha dahil sa ginawa ko. Paglabas ng C.R. ni Reiner "Ano ba ang iniisip niya, kahit makita ko pa siyang hubad wala na akong pake sa kan'ya!" wika nito habang nakahawak sa ulo sa parteng tinamaan ng tabo Sa kabilang banda, habang naliligo si Rumina hindi maalis sa kan'ya ang nangyari kanina, "Nakita niya ang katawan ko waaaaaaa" inis kong sigaw sa loob ng C.R. Nang makalabas ng C.R. nakita ko si uncle nakaupo sa higaan at may hawak na bagay na malapad. Napatingin ito sa akin saka tumayo at umalis ng kwarto. Naramdaman niya ata na magbibihis ako. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at agad na nagbihis saka humiga sa higaan. "Teka kung iisa ang kuwarto namin ibig sabihin ngayong gabi__" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang makita ang suot kong bitin na bitin sa tela. "Nakakahiya kung makita ako ni uncle na ganito hmmm tama iroroll ko nalang ang kumot sa katawan ko." wika ko habang kinukuha na ang kumot sa kama at iniroll ito sa katawan ko. Habang abala ako sa ginagawa ko nang marinig ko ang pagkatok sa pintuan. Dali dali akong humiga sa higaan at nagpanggap na tulog na. Maya maya narinig ko ang pagbukas ng pintuan at ang paglakad nito papalapit sa kama. Maya maya pa lumakad ito papalayo sa kama at tila pumasok sa isang silid dito sa kwarto. Ang tagal niya sa loob kakaantay ko sa kaniyang lumabas nang silid na pinasukan hindi ko namalayan na nakatulog na ako. Kinaumagahan, napansin kong tila wala naman si uncle sa tabi ko, "Ibig sabihin hindi dito natulog sa tabi ko si uncle? ay buti naman, kailangan kong sabihin sa kan'ya na hindi niya ako asawa, tama dapat niya yun malaman" wika ko habang yakap yakap ang unan. Biglang my kumatok sa pintuan at isang tinig ng babae ang nagsalita sa labas "Lady Rumina oras na po ng agahan" "Okey bababa nalang ako" wika ko. Agad naman ako bumangon saka dumeretso ng CR para maligo. Sa hapag-kainan habang nagkakape si Reiner ay siyang dating ni Rumina. "Master Reiner andito na po si Lady Rumina" wika ng katulong na tumawag sa akin, matapos mag report kay Uncle, naglakad naman ito patungo sa akin para ipaghila ako ng upuan. "Kailangan kong ilinaw kay Uncle na hindi niya ako asawa" bulong ko sa isip habang nakatingin kay Reiner. "Kung may sasabihin ka sabihin mo na" wika ni Uncle habang nagbabasa ng dyaryo. "Ano a.. hmmm hindi mo ko asawa Reiner noon pa man wala pa pinagkakasundo sa akin at hindi pa nga ako nakikipagre_" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang isang nangangalit na awra na naman ang aking naramdaman. "Pwede ba tumahimik kana sa kahibangan mo Rumina gawin mo lahat ng gusto mo" wika nito na ikinatayo niya sa kan'yang upuan saka naglakas papalayo at nagtungo ng kuwarto. "Pero totoo namang hindi pa" wika ko sa mahinang himig saka pinagpatuloy ang aking pagkain. Habang ako ay kumakain nagbubulungan naman ang mga babae sa likod ng pader ng kusina. Hindi ko nalang sila pinansin natuon kasi ang atensiyon ko sa lalaking nakaitim na sumalubong sa amin ni Uncle kagabi. "Pwede po magtanong?" wika ko sa lalaking nakatayo ngayon sa gilid ng mesa "Ano po 'yun Lady Rumina?" tugon ng lalaki "Ano nga pala ang pangalan niyo?" tanong ko sa lalaki na ikinagulat nito. "ahm nawala ba ang memory nito pati pangalan ko nakalimutan na? ganun ba kapag na cocomatose?" wika sa isip ni Jeremiah habang nakatingin sa akin "Lady Rumina ako po si Jeremiah ang butler ng mansiyon" sagot ng lalaki sa akin. "ah salamat po butler Jeremiah" wika ko at muling pinagpatuloy ang aking pagkain. 10 am Paalis na si uncle ng salubungin ko siya sa ibaba ng hagdan. "Aalis ka na po uncle?" tanong ko kay uncle Tanging pagtango lang ang isinagot nito sa akin at naisipan siyang ipagluto ng makakain mamayang gabi. Sa sala habang nag-iikot ako nakita ko ang isang malaking bagay na nakasabit sa pader. May mga naggagalawang tao at naglalaban, maya maya pa bumunot ng kutsilyo ang lalaki kaya sa takot na masaksak inunahan ko na ito, kinuha ko ang vase na nakapatong sa ibabaw ng mesa at ibinato ito sa lalaking nanutok ng kutsilyo sa aking harapan. "Hindi mo ko mapapatay lapastangang lalaki!" sigaw ko habang nakapamaywang. "Lady Rumina!" sigaw ng lalaki sa hindi kalayuan. "hm?" tugon ko "Ano pong ginawa niyo, waaaaaaaa bakit niyo po binasag ang 110 inch flat screen T.V." mangiyak ngiyak na wika ni Jeremiah sa akin. "E kasi tinutukan niya ako ng kutsilyo kaya inunahan ko na bago pa ako masaksak," sagot ko sa mangiyak ngiyak na si Jeremiah. "Lady Rumina magazine niyo po" wika ng babaeng lumapit sa akin at nag-abot ng babasahin, pagtingin ko sa babasahin puro larawan ng mga babaeng puro bitin ang pananamit. "Wala kayong aklat dito?" tanong ko sa babae. "Aklat? a ta.tara po" gulat na wika ng babae sa akin saka kami naglakad ngunit panandalian itong napahinto nang makita ang bagay na nabasag, parang bigla din itong nanghina nang makita ang bagay na nabasag. Ikinibit balikat ko nalang ang naging asta nilang dalawa ni Jeremiah. Sa aklatan, nabighani ako sa nakita ang daming nakapalibot na aklat agad ako umupo sa mesa na nasa gitna. Saka kinuha ang isang aklat na nasa mesa sa tuwa ko tiningnan ko pa ang ibang aklat na nasa mesa. "Pwede po bang padala ako ng gatas?" tanong ko sa babae "Masusunod po Lady Rumina" wika nito saka na naglakad palabas ng silid. Sa kusina; "Uyyy sis ano balita kay Lady Rumina?" wika ng isang katulong na nasa kusina "Ang laki nang ipinagbago ni Lady Rumina dati puro magazine ang binabasa ngayon puro aklat seryoso pa nga at mukhang magpapaabot siya ng gabi sa pagbabasa." wika naman nang isang babae "Hindi nakakapagtaka mula nang ma comatose si Lady Rumina ay nagbago ito hindi na din tayo pinagagalitan pansin mo ba yun sis?" "Oo nga eh dati umaga palang naninigaw na yan ngayon wala akong narinig. Hindi kaya__? "Natauhan na siya?" "Hmm baka nauntog kung saan yung ulo niya. Basta masgusto ko yung Lady Rumina ngayon." "Anong pinagkukwentuhan niyo?" tanong ni butler Jeremiah sa dalawang katulong "Ah ikaw lang pala napagkwentuhan namin si Lady Rumina ang laki kasi nang ipinagbago kung dati puro magazine ang binabasa ngayon aklat. Andun siya ngayon sa loob ng silid-aklatan ni master Reiner." Ilang minuto ang lumipas tinangkang silipin ni Jeremiah si Rumina sa aklatan. Nang babagyang mabuksan ang pintuan nakita niya si Rumina na nagbabasa at tambak ang aklat sa paligid. Muli niya isinara ang pintuan saka naglakad muli patingong sala para ayusin ang dapat ayusin. Sa loob ng aklatan abala pa din ako sa pagbabasa naaaliw ako sa mga nakikita ko. Unti unti ko nalalaman ang mga tawag sa mga bagay na nakikita ko at kung ano ang gamit nito. Hindi ko akalain na ang laki na talaga nang pinagbago kumpara sa panahon ko ngayon. Nagpatuloy ako sa pagbabasa para madagdagan pa ang kaalaman ko dito sa mundong ginagalawan ko. 7:00 pm Dumating si Reiner na agad sinalubong ni Jeremiah, "Master Reiner may ibabalita po ako, paumanhin po kung hindi ko nasabi agad nabasag po ni Rumina ang ating T.V. at ngayon nasa inyong silid-aklatan mula pa kaninang umaga nagbabasa" sumbong ni Jeremiah Hindi na umimik si Reiner at agad naglakad papuntang sala. Pumikit lang ito saka bumuntong hininga. "Ilista mo sa utang niya saka palitan mo ngayon din ang TV" wika ni Reiner saka naglakad na muli patungong kwarto.Yumuko naman si Jeremiah para magbigay galang. Sa kwarto Agad naligo si Reiner para maaga makapagpahinga, hindi na din niya tinanong pa kung nasaan si Rumina dahil sigurado naman siyang nasa loob lang ito ng bahay dahil sa kondisyon nito. Matapos maligo ay nagbihis na ito saka uminom ng wine at kinakalma ang sarili habang dinadama ang katahimikan nang bahay. Samantala sa aklatan naisipan kong magpahinga dahil halos isang araw na ako nagbabasa. "Anong oras naba?hmm teka ayon sa libro kung basahin siya ay isa dalawa tatlo hmmm, katumbas ay 5,10,15 hmmm hala 7 na nang gabi hindi ko namalayan ah." gulat kong wika dahil sa sobrang abala hindi ko na namalayan ang oras. Paglabas ko nang pintuan agad kong nakita si butler Jeremiah. "lolo Jeremiah!" sigaw ko. Agad naman lumingon si butler Jeremiah pero nakakunot ang kilay nito, nakakatakot naman itsura nito mukhang galit. "Sino tinawag mong lolo!" sigaw ni Jeremiah sa akin. "Bakit ka galit? simula ngayon lolo Jeremiah na tawag ko sayo" pang-aasar ko kay butler Jeremiah. "Aba talagang hinahamon mo ko!" sigaw na wika ni Jeremiah. "Dumating naba si Uncle?" tanong ko Kay butler Jeremiah "Ehemm nasa kwarto na siya Lady Rumina" "Kumain na ba siya?" tanong kong muli kay butler Jeremiah. "Hindi pa po Lady Rumina" "Kung ganun magluluto ako para sa kan'ya para na din magpasalamat" masaya kong wika kay Jeremiah, Naglakad na ako papuntang kusina saka tiningnan ang mga pwede kong gamitin. Samantala sa kwarto kung saan natutulog na si Reiner nakarinig ito ng mga pagbagsak ng mga gamit at biglaang pagbasag. Napabaligwas ito ng upo saka nilingon ang pwesto ko, nang makita na wala ako sa kama agad itong tumayo saka lumabas ng kwarto at nagtungo sa kusina. Nang makarating sa poste ng kusina. Nanlaki ang mata ni Renier nang makita ang puro basag na bote ng alak, makalat ng malababo at lutuan. "Rumina!" sigaw ni Renier sa akin. Napalingon ako sa pwesto ni Uncle, bigla ako kinabahan sa inasta nito, nanlilisik ang mga mata na gaya ng sa tigre. Siguro hihingi nalang ako nang paumanhin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD