"Sorry" wika ko matapos ko maramdaman ang pagkagalit ni Reiner.
"Gusto ko lang sana lutuan ka ng makakain kaso ganito nangyari pasensiya na" wika ko sa mahinang boses habang nakayuko.
Nakiramdam ako kung magagalit pa sa akin si Reiner o magsasalita pa ito pero hindi na ito nagsalita pa. Naramdaman ko nalang ang paglapit nito sa akin, huminto ito sa harap ko at nanatili lang akong tahimik.
Gulat ko nang hawakan nito ang kamay ko. Tingin ko tinitingnan niya kung may sugat ako. Maya maya pa tiningnan din niya ang paa ko. Napasulyap naman ako sa pintuan ng kusina, napansin ko kasi ang pagdating ni butler Jeremiah.
"Anong nangyari dito?" wika ni Jeremiah.
"Jeremiah ipalinis mo nalang ito at idagdag mo sa utang niya" wika ni Reiner, nagulat naman ako sa sinabi ni Reiner utang talaga?
"Masusunod po master" sabay yuko nito kay Reiner pero nakatingin sa akin at nakangisi. Talaga itong si lolo Jeremiah.
Dinilaan ko nalang si Jeremiah maya maya pa__;
"Ikaw sumama ka sa akin" wika ni Reiner sa akin.
Hinila niya ako palabas ng kusina nagpitianod nalang ako kay Reiner dahil hindi ko alam kung saan kami pupunta. Naglakad kami hanggang kuwarto at nang makarating, hinagisan niya ako ng tuwalya. "Maligo kana" wika nito sa akin.
Tumango nalang ako habang nakangiti kasi hindi ito nagalit sa akin. Pumasok na ako ng C.R. habang hinihintay ako ni Reiner sa labas.
"Bakit ganun? dati kapag sinigawan ko si Rumina, galit na ito at puro mura ang lumalabas sa bibig pero ngayon iba. Naging pure siyang babae at karesperespeto. Nagpapanggap ba ito?, subukan ko nga ang ginagawa ko na kinagagalit niya, tingnan natin kung ano magiging reaksyon niya" bulong sa isip ni Reiner dahil sa pagdududa.
Habang ako ay naliligo natuwa ako sa sarili ko dahil medyo nagagamay ko na ang mga bagay na nasa paligid ko salamat sa mga nabasa kong aklat, pero kulang pa din ang aking kaalaman, kaya masmaigi kung tuturuan ako ni Reiner.
Matapos maligo minabuti ko ng lumabas ng CR. Paglabas ko ng cr gulat ko ng may humila sa akin at kumapit sa aking baywang, napapikit nalang ako sa gulat, nang bahagya ako napamulat nakita ko si Reiner nakatingin sa akin habang nakapulupot ang braso nito sa baywang ko.
Ano pinaplano nito? pagagalitan ba ako nito? ngayon ko lang napansin ang mukha nito ang gwapo pala at ang sarap niya titigan. Unti-unting lumalapit ang mukha ni Reiner sa mukha ko wala akong idea sa ginagawa niya ang alam ko lang ang lakas ng t***k ng puso ko sa ginagawa niya.
Unti unti niya hinawakan ang aking pisngi pababa sa aking chin at bahagyang iniangat ang aking mukha, nanatili naman akong nakatingin sa kaniyang mga mata grabe sana hindi niya marinig ang dagundong ng aking dibdib.
"iiwas ba ako, pero bakit ganun parang na curious ako sa gagawin niya, parang naghihintay ako ng susunod niyang hakbang" wika ko sa isip at napapikit na.
"Ano sa tingin mo hahalikan kita? kahit maghubad kapa sa harapan ko hinding hindi mo na makukuha ang loob ko." wika ni Reiner sa akin.
Napamulat naman ako nang mata ko sa bigla at nakaraos nang bitawan na niya ang aking chin.
"Magbihis kana at sumunod ka sa baba" utos ni Reiner sa akin.
"Ang yabang naman nito arrr" wika ko sa mahinang boses. Panay naman ang pagtapik ko sa mukha ko kasi hindi pa din nawawala ang pamumula ng mukha ko habang iniisip ang nangyari kanina.
Matapos magbihis ay tumungo na ako sa sala saka ko nakita si Reiner na nakaupo.
Naglakad naman ako papunta sa kan'ya.
"Maupo ka" utos nito sa akin
Umupo naman ako sa kinauupuan niyang upuan, tapos yumuko nalang ako kasi naaalala ko pa din ang nangyari kanina.
"Rumina kanina may nagsabi sa akin na binasag mo daw ang telebisyon ko, dahil sa maling pag-aakala. Ito na nakikita mo" sabay liwanang ng bagay nasa harapan namin "telebisyon yan, ano man ang makikita mo dyan ay hindi totoo, hindi totoong masasaktan ka o kaya naman ay makukuha mo ang mga pinapakita diyan, naiintidihan mo."
Tumango lang ako bilang sagot saka ko binaling ang tingin sa Tv. "Kung ganun TV pala tawag sa bagay na ito, hmmm tara nood nalang tayo Uncle" wika ko habang nanonood.
"Mula nang magising siya, una kong napansin sa kan'ya na may nagbago, pagbabago sa katauhan niya, niyakap niya ako noon bagay na hindi gawain Ni Rumina at nang tingnan ko ang mukha niya napaka inosente niya tingnan. Tapos ngayon nakuha niya magbasa nang mga aklat buong araw, kung tutuusin magazine lang ang gusto basahin ni Rumina, tapos gusto pa niya ako ipaghain ng hapunan, at hindi din siya nagalit ng tangkain ko syang halikan. Nagbago na kaya siya?" bulong ni Reiner sa sarili.
"Hala bakit nawala yung pinapanood ko uncle?" tanong ko kay Reiner kasi biglang naputol ang usapan ng tao at lumipat sa binatilyong may hawak na bote.
"Komersiyal ang tawag diyan pagnatapos ay babalik din sa pinapanood mo"
"Artista din ba siya uncle?" wika ko sabay lingon kay Reiner.
Halatang nagulat ito sa sinabi ko.
"Hindi mo kilala ang stepbrother mo nasi Ryan?" tanong ni Reiner sa akin.
"Teka may stepbrother pala ang owner ng katawan nato? dapat hindi niya mahalata na ibang Rumina ang kausap niya" bulong ko sa isip ko "ah oo nga pala tama may stepbrother nga pala ako"
"Imposible naman na makalimutan mo ang crush mo" pang-aasar nito sa akin.
"Crush?yun ba yung may feelings ka sa isang tao? napaka walang attitude. naman nun" proud ko wika kay Reiner
"Tapos ngayon biglang nagbago feelings niya sa stepbrother niya kakaiba talaga" bulong sa isip ni Reiner habang nakatitig sa akin at may pagdududa.
"Rumina matulog na tayo" aya ni Reiner sa akin ayaw ko pa sana matulog dahil magandang ang palabas kaso baka magalit naman kaya sumunod nalang ako at inunahan siyang makarating ng silid. Kinuha ko ang kumot saka ko iniroll sa katawan ko. Nanlaki naman ang mata ni Reiner ng makita ako at umiling nalang saka nagtungo sa damitan sa likod para kumuha ng kumot.
Sa tagal ni Reiner sa loob ng silid hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Tumabi si Reiner sa akin at pinakatitigan ako habang mahimbing na natutulog. "Nagbago ka naba talaga?" bulong ni Reiner sa isip saka niya hinawakan ang ulo ko at hinimas ang buhok ko ng dahan dahan.
Kinaumagahan
Habang kumakain kami nakatitig na naman si uncle sa akin "baka may nagawa na naman akong masama hayss araw araw nalang ba ako nitong tititigan oh baka naman nakakahalata na ito na hindi ako ang totoong Rumina." takot kong wika sa isip.
"Pagkatapos natin kumain aalis tayo bibilhan kita ng gamit mo" wika ni Reiner habang sumusubo ng sandwich
"Talaga uncle? wow nakakatuwa naman makakasama kita gumala.
"Pangako mo lang sa akin na hindi ka gagawa ng gulo"
"Opo uncle,"
Matapos kumain at umalis na din kami ni uncle. Gaya ng sabi niya ibinili niya ako ng mga damit ang gaganda ng damit kaya kumuha ako ng kumuha.
"Ok na siguro to uncle" wika ko kay Reiner habang nakangiti.
"Ok sige, ipapahatid na kita kay Jeremiah, deretso na kasi ako sa company ayoko nang gulo ah Rumina"
"Masusunod uncle"
Alam ko sa mundo ko ako lagi ang nasusunod pero iba na ngayon kasi nasa ibang panahon na ako, wala ako ibang kakilala dito at pwede samahan kundi si uncle lang paano kung iwan din ako nito sa sobrang galit sa akin, kaya pangako ko hindi ko na siya bibigyan pa ng problema.
Sumakay na kami ni Jeremiah sa kotse habang si Reiner ay sinundo ng isang kotse para tumungo sa company.
Sabay din kaming umalis sa mall at naghiwalay ng landas nang makarating sa malaking kalsada o crossing kung tawagin ngayon sa panahong ito.
"Bakit tayo huminto?" tanong ko sa lalaking nasa harapan
"Lady Rumina trapik po kasi ibigsabihin lahat ng sasakyan ay nakahinto at kapag okey na po ang dahilan ng trapiko ay tatakbo na po ulit ang ating sasakyan." sagot sa akin ni butler Jeremiah
"Ganun po ba lolo sige maghihintay nalang ako"
"Aaaarrrr ikaw bratery sinabi ko nang huwag mo ko tatawaging lolo!"
"Haha nasanay kasi ako lolo itawag sa inyo"
"Kapag hindi mo tinigil ang kakatawag mo sa akin ng lolo mananatiling bratery ang tawag ko sayo"
"Kung hindi mo din ititigil ang pagtawag mo sa akin ng bratery lolo pa din ang itatawag ko sa iyo. haha" nakakatuwa asarin si butler Jeremiah
Napahinto ang asaran namin ng makarinig ako ng sigaw ng babae sa kalsada. Lumabas ako ng kotse para hanapin ang humihingi ng tulong..
May lalaking papalapit sa akin na itinuturo ng babae sa likuran. Lumihis ito ng daan para iwasan ako ng maramdamang haharangin ko siya. Hinabol ko ang lalaki, hindi ko pinansin ang sigaw sa akin ni butler Jeremiah, hindi ko tinantanan ang lalaki, kung saan saan kami lumusot.
"Harangan niyo ang magnanakaw!" sigaw ko sa mga taong nasa kalsada.
"Wow isang babe ang humahabol pre tara tulungan natin," wika ng isang tambay
"Tara tara kakawawa yung magandang babae" wika din ng isang tambay na lalaki.
Hanggang sa dumami na ang lalaking nasa likod ko ang iba ay nauna pa sa akin para habulin yung magnanakaw. Upang hindi na makalayo pa kinuha ko nalang ang suot kong sandal saka ibinato sa magnanakaw. Sigurado akong tatama 'yun nakasanayan ko na ang mangaso sa gubat noon at hindi nga ako nagkamali tumama ang suot kong sandals sa likod ng ulo niya na ikinadapa nito.
Agad akong tumalon sa likod niya ng maabutan ko ito kasi tatayo siyang muli kaya inunahan ko na. Sinuntok ko ng dalawang beses ang mukha ng lalaki saka kinuha ang bag ng babae na ninakaw. Nakita naman kami ng mga pulis at agad nila kinuha ang lalaking hawak ng mga tambay, isinama din ako at ang babaeng ninakawan sa presinto nagdala din ng dalawang witness sa nangyari kaya nag presinta sumama ang tatlong tambay na tumulong sa akin.
Samantala habang abala sa trabaho si Reiner tumunog ang phone nito at hindi nagdalawang isip na sagutin kahit abala pa ito.
"Why?"
"Master Reiner may nangyari pong masama, si Lady Rumina po hinuli ng pulis nasa presinto po kami malapit lng dito sa Express" sagot ni Jeremiah sa kabilang linya.
Tumakbo agad si Reiner papuntang labas ng kumpanya at sumakay agad sa kumpanya para magtungo sa presinto.
Nang makarating ng presinto si Reiner maglakad na ito papunta sa loob at deretso lang ang tingin sa loob ng office.
"Wow siya diba si Renier?" sabi ng isang pulis.
"Ang legendary CEO?" wika naman ng isang pulis.
"Waaaa ang gwapo niya ngayon ko lang siya nakita nang personal" sabi ng babaeng pulis.
"Teka bakit siya nandito?" tanong naman ng matabang lalaking pulis
Sumunod ang apat na pulis sa loob para mang-usisa.
"Anong nangyari Jeremiah" bungad na tanong ni Reiner sa butler
"A master si Lady Rumina kasi"
"Gumawa ka na naman ba ng gulo?" wika ni Reiner habang galit itong nakatingin sa akin.
"Ah teka sir Renier ang totoo po niyan sir maganda ang ginawa ni lady Rumina dahil nahuli niya ang wanted na murderer at pinaghahanap matagal na, salamat sa tulong ni lady Rumina. Kaso ang mga sasakyan na nagkagulo sa daan dahil bigla po tumawid si lady Rumina kaya nasa baba po sila para sa gagawin sa pag-aayos sa mga sasakyan" wika ng nag-iinterview sa akin.
"Hindi ko naman ginawa yun dahil sinadya ko kundi para mahabol ko yung magnanakaw kasi nakakaawa yung ale!" sabat ko agad sa polis na nagbigay ng detalye
"Ano gusto mo ba talaga magpakamatay sa pangalawang pagkakataon Rumina!" sigaw na sermon ni Reiner sa akin.
Palapit ito sa akin at nanlilisik ang mga mata.
"Opps labas na tayo yaan na muna natin sila mag-away problema na nila yan" wika ng matabang pulis
"Hindi mo ba alam na ang ginawa mo ay lubhang mapanganib!" sa sobrang galit ni Reiner napasandal na ako sa pader at isinuntok ang kamao niya sa pader.
"Ang paghahabol sa mga ganiyang klase ng tao ay gawain ng pulis at hindi mo gawain, kaya wag kang bida bida paano kung nalagay ka sa panganib!"
"Uncle tama na po natatakot na ako takot po akong saktan niyo" pagmamakaawa ko kay Uncle habang nakatakip ang mga mata ko kasi natatakot na ako kay uncle
"Takot ka makaramdam ng sakit pero hindi ka natakot nung hinabol mo ang magnanakaw, ano ba ang tumatakbo sa isip mo!" sigaw na sermon muli ni Reiner
Napahinto lang ito dahil napatingin sa dibdib ko na ikinapula ng mukha niya.
"arrgggg Gilbert ayusin mo ang problema sa mga sasakyan" utos ni Renier sa dalawang habang naghuhubad ng black coat niya saka inihagis sa akin.
"Kung ganun siya yung asawa ni master Reiner yung kilala bilang gangster, masama ugali, at sabi sabing tinakwil na nang asawa." wika ng babaeng pulis.
"Hindi naman pala masama ang ugali tingnan mo tinulungan niya ang ginang at tayo din kasi matagal na natin yan pinaghahanap." wika naman ng lalaking mataba na pulis.
Matapos makinig ni Reiner sa mga kwentuhan sa paligid napatingin nalang ito sa akin ngunit hindi ko ito nililingon, nakayuko lang ako dahil nahiya ako kay uncle kasi gumawa na naman ata ako ng gulo kaya galit ito kung tumingin sa akin. Napangiti lang ako ng kausapin ako ng ale para magpasalamat sa tulong na ginawa ko.
Napalingo ako sa gilid ko ng maramdamang may nakatayo at nakatingin sa akin.
Hinawakan niya ang kamay ko nang hindi inaalis ang tingin sa akin.
"Nay mauna na po kami" wika ni Reiner sa babae, tumango lang babae sa amin bilang sagot.
"Aalis na kami chief kung may tanong pa sa aking asawa tawagan mo lang ako." paalam ni Reiner sa pulis.
Hinila na ako ni Reiner palabas ng presinto habang hawak ang aking kamay, sumunod naman si Jeremiah at Gilbert.
Pagsakay namin ng kotse, kinakabahan ako baka kasi pagalitan ulit ako.
"Rumina!" wika nito na may diin sa boses.
Sabi ko na nga ba pagagalitan ako nito muli kaya pumikit nalang ako habang nakayuko. Hinihintay ko ang sermon nito at paghampas sa akin. Ngunit isang paghawak sa ulo ang natanggap ko, nag-angat ako ng mukha at humarap sa kan'ya. Bumaba naman ang kamay niya sa pisngi ko at hinihimas ito.
"Good job" wika nito na ikinangiti ko.
"Uncle nag-umpisa na naman ba ako ng gulo?" tanong ko kay uncle
"Hindi, pasensiya kana knina, bali mabuti yung ginawa mo huwag mo lang uulitin dahil delikado."
"Opo uncle" sagot ko kay uncle
"Ako na mismo maghahatid sayo sa bahay, kung anu-ano ginagawa mo."
Ngumiti lang ako sa pangaral ni uncle saka tumango bilang sagot.
Nakatulog ako sa byahe 02:00 na ng hapon nang makarating kami ng bahay. Pagpark ni Reiner napahinto ito nang makita akong tulog. Lumapit naman si Gilbert sa amin para maghintay ng utos ni Reiner.
"Pasabi sa sekretarya ko na bukas na ako papasok." utos nito kay Gilbert
"Masusunod master aalis na po ako"
"Sige" sagot ni Reiner habang inaayos ako para buhatin.
Pagkabuhat sa akin, naglakad na ito papasok ng mansiyon. "Jeremiah padalhan kami ng gatas sa kwarto" utos ni Reiner kay butler Jeremiah
"Masusunod po master"
Nang makarating ng kwarto dahan dahan niya ako inihiga sa kama, at agad din siya nag-asikaso para maglinis ng katawan.
Sa kusina
"Mukang nagkakamabutihan na ang amo natin" wika ng isang katulong.
"Oo nga unang beses ko lang nakitang binuhat si lady Rumina ni master Reiner" kinikilig na wika naman ng isang katulong
"Sana tuloy tuloy na at hindi na sila mag-away"
"Oo nga para puro good vibes na dito sa mansiyon"
Samantala sa kwarto
Nakatingin lang si Reiner sa akin nang mapansing nangingilid ang luha ko. Umupo ito sa gilid ng kama saka hinawakan ang aking kamay, nang maramdamang ok ok na ako napalingon ito sa telebisyon at nanood ng balita na ang laman ng headline ay ang pagtulong ni Rumina sa aleng nanakawan at ang pagdakip sa hinahanap na murderer.
Napangiti nalang si Reiner habang nanonood nang T.V. sabay lingon sa akin.
"Kung nagbago kana Rumina masaya ako at magiging ayos na samahan natin," wika nito habang hawak pa din ang kamay ko at mahimbing na natutulog.
"Hindi ko alam kung ikaw paba ang tunay na Rumina oh ibang kaluluwa na ang sumapi sayo, pero isa lang masasabi ko, wag kana sana magbago pa dahil mas gusto ko ang Rumina ngayon kesa noon. Magaan ang loob ko kahit sino ka pang sumapi sa asawa ko, pakiramdam ko mas gusto kong makilala ka ngayon." wika nito sa mahinang himig.