CHAPTER 5

2095 Words
Kinaumagahan maagang umalis si Reiner para pumasok sa trabaho habang ako nasa labas ng bahay dito sa pool ni uncle. "Ang panget naman ng paligid sayang yung ganda ng tubig kung ganito lang, teka nga, lolo Jeremiah!" "At bakit lolo na naman tawag mo sa akin bratery!" sigaw ni butler Jeremiah na nasa hallway ng bahay. "Lolo Jeremiah kailangan ko ang tulong mo" "Anong tulong?" "Saan ba ako makakakita ng lupa? yung maraming lupa," "Bakit aanhin mo?" "Gusto ko po sana pagandahin ito" "Huwag ka na mag aksaya pa ng oras mo kasi hindi din magugustuhan ni master iyan, pagagalitan kapa." "Sige pustahan" "Pustahan?" "Oo kapag nagustuhan ni uncle panalo ako" "Sige kapag nanalo ako ititigil mo na ang pagtawag sa akin ng lolo!" "Sige payag ako!" "Hala sis ok lang ba si Jeremiah nakikipagtalo kay lady Rumina?" wika ng isang katulong na napadaan sa gilid namin. "Haha para silang mga bata" wika naman ng isa pang babae. ----- Tumawag ng mural artist si butler Jeremiah para sa akin. Tumulong din ako sa paggawa sa mga ito, nakipagkwetuhan naman sila sakin habang nagtatrabaho, sabi nila nakita nila ako sa TV na may tinulungan at kung anu-ano pa, nawili naman ako sa kanila kaya hindi namin alintana ang oras at pagod. Maya't maya naman ang pagpunta ni butler Jeremiah sa amin para makita ang lagay ko. Hinayaan ko lang siya para makita din niya ang ginagawa ko. 4:00 na nang hapon nang matapos kami. Nagpasalamat naman sa akin ang mga katulong ko sa paggawa, huling nilagay namin ang mga isdang koi sa ginawa naming hardin. "Oh diba lolo ang ganda" pagmamalaki ko kay butler Jeremiah "Sayang effort mo bratery hindi yan magugustuhan ni master" "Anong kaguluhan ito?" wika ng lalaking kakarating lang at nasa likod ni butler Jeremiah "Ayy uncle andiyan ka na pala may surprise po ako sa inyo" masigla kong wika kay uncle, excited kasi akong ipakita sa kaniya ang gawa ko. "Master nanira na naman po si lady Rumina ng isa sa inyong pagmamay-ari" pambabara ni Jeremiah Nakakainis naman itong si Jeremiah nasira tuloy ang plano ko. Nalungkot ako bigla kasi parang mas pinaniwalaan niya si butler Jeremiah. Nanahimik naman ako sa gilid habang naghihintay matapos si Jeremiah sa pagsumbong. Nakayuko lang ako sa sahig at hinihintay ang sermon ni Reiner. Ilang sandali pa nakita ko ang paghinto ng sapatos ni uncle sa harapan ko, nanatili akong nakayuko at hinahanda ang sarili sa mangyayari. "Sabi mo may surprise ka sa akin?" biglang wika nito na nagpabuhay sa akin kung ganun interesado siya. "Oo uncle halika dali" masigla kong wika kay uncle Hinila ko si uncle hanggang pintuan at tinuro ko isa isa ang mga ginawa ko "Ito uncle kapag naging maganda ang tubo niyan maganda ang bulaklak nito, tapos ito halamang gamot ito maganda ito sa katawan, tapos ito uncle halamang gamot din po mabisa itong gamot sa sugat, mga paso sa katawan kahit pamamaga nagagamot niyan, tapos naglagay ako ng isda sa pond para marelax ka after work. Hindi ba uncle ang ganda pwede ka din maligo kasama ang mga isda" Hindi nakapagsalita si uncle at nakatingin lang sa akin. "Ah master Reiner pwede kayo magkasakit kapag naligo kayo diyan" wika ni butler Jeremiah kay Reiner. "Gusto mo maligo?" tanong ni uncle sa akin. Tumango lang ako bilang sagot. Saka niya ako hinila papasok sa loob ng bahay. "Nagustuhan kaya ni uncle, wala kasi siya sinabi kahit ano" bulong ko sa aking isip. Pagdating namin sa pool sa kabilang bahay nagbihis ako ng tinatawag nilang swimsuit na sinusuot sa modernong panahon kapag naliligo. Nailang pa ako lumabas ng closet kasi naman ang iksi ng suot ko. Nang makalabas sa room pumunta na ako sa malaking pool habang tumitingin ako sa paligid at hawak ang tuwalya na nasa katawan ko, sa totoo lang takot ako sa tubig na malalim hindi kasi ako tinuruan ng magulang ko lumangoy. Gulat ko nang may biglang lumabas sa tubig. "Uncle" Tumingin ito sa pwesto ko saka lumubog muli sa tubig. Lumapit naman ako sa gilid ng kuntawagin nila ay pool para silipin si uncle baka kasi nalunod na ito. Ang bilis nang pangyayari hindi ko namalayan na nasa tubig na ako dahil sa paghila sa akin ni uncle. Nagpupumiglas ako dahil hindi ako marunong lumangoy, "tu... tu.. long" pagmamakaawa kong wika. "Anong nangyari sayo mababaw lang 'yan" sagot ni uncle "Hin..di arrpppp ako maru..nong lumangoy" hirap kong wika dahil sa mayat maya kong paglubog hanggang sa tuluyan na akong lumubog sa tubig. Naramdaman ko ang paghawak sa baywang ko at iniangat ako nang bahagya kaya, itinapak ko ang paa ko sa sahig ng pool habang nakakapit kay uncle. "Ang babaw lang oh see" sabay turo sa tubig kung hanggang saan ang abot nito sa katawan ko. Nagulat naman ako na hanggang dibdib ko lang ang tubig hindi pala siya malalim. Bumitaw na ako kay uncle at tumindig ng aayos. Ngunit sa hindi inaasahan napadulas ako sa unang hakbang ko at sumakit ang aking paa kaya napalubog na naman ako sa tubig. Muli ako tinulungan ni uncle sa pagkakataong ito iginapos niya sa leeg niya ang mga braso ko saka niya ako binuhat, nagtama naman ang paningin naming dalawa kaya napabilis na naman ang t***k ng puso ko habang nakatitig sa kaniya. Ano kaya itong pakiramdam na ito. Dinala na ako ni uncle sa gilid ng pool at pinaupo saka niya hinilot ang binti kong kumikirot. Sa labas ng room may napadaang katulong na napahinto dahil sa narinig na himig. Lumapit ito sa pintuan kung saan kami nagsuswimming ni Reiner, inilapat nito ang tainga sa pintuan saka nakinig, "Ah uncle masakit" wika ko Narinig ng katulong ang aking sinabi na kinatikom ng bibig nito. "Dadahan dahanin ko lang" wika ni uncle "aaahhh uncle" Nanlaki ang mata nang katulong kaya dahan dahan itong binuksan ang pinto para silipin kami. Pagsilip niya sa amin namula nalang ito dahil sa maling pag-aakala, naabutan niya kaming hinihilot ni uncle ang paa kong nanakit. "Ahh Doray padalhan kami ng gatas at kape" utos nito sa katulong na kakapasok lang "Opo master" sagot nito kay Reinee sabay labas ng silid at napabuntong hininga "haysss akala ko pa naman hayss" . 9:00 pm Nasa kwarto kami ni Uncle, nanonood si uncle ng palabas sa tv habang ako ay nakadapa sa kama at nagbabasa ng aklat nang biglang may kumatok sa pinto. "Come in" utos ni Reiner "Master Reiner andito po si Sir Jake ang ama ni lady Rumina" paliwanag ni butler Jeremiah. "Hmm, sasama ka ba sakin para salubungin ang daddy mo oh dito ka nalang?" tanong ni uncle sa akin. "Sasama ako uncle" sagot ko. Bumaba na ako sa kama para sumunod kay uncle palabas ng kwarto. "Jeremiah samahan mo na si Rumina sa sala may kukunin lang ako saglit sa office" "Masusunod po master" Nang pumasok na ng office si uncle. "Tara na bratery" aya sakin ni butler Jeremiah. "Diba nanalo ako dapat hindi na bratery ang itawag mo sa akin!" "Walang sinabi si master kung nagistuhan niya ang gawa mo kaya hindi ka pa din panalo" "Madaya ka lolo" wika ko habang naka pout face "Halika na sumunod kana sakin naghihintay na ang ama mo" "Madaya ka lolo" Pagdating namin sa sala Habang bumababa ako ng hagdan isang malakas na boses ang agad na ibinato nito sa akin. "Walang hiya ka hindi kana nahiya at gumawa ka na naman ng gulo nakausap ko si Nicole ang sekretarya ni master Reiner, hindi daw nakapasok si master dahil daw pumunta sa presinto kasi andun ka ano na naman bang sakit sa ulo ang ibinigay mo kay master Reiner" "Kung ganun ito ang tatay ng may-ari ng katawan na ito, bakit ganito ito magsalita dapat nga unawain niya ang anak niya at hindi dapat padalos dalos ang pagsasalita nito, wala pa nga ako nakukwento pero kung makapagsalita kala mo alam na niya ang nangyari. Napaka baba naman ng pang-unawa nito, kakaawa naman ang may-ari ng katawan na ito puro pang-aapi at puro negative ang iniisip sa kaniya" bulong ko sa isip ko. "Tapos na ho ba kayo? bakit po ang lakas niyo manermon? alam niyo na po ba ang nangyari? hindi ba dapat hinahayaan niyo muna ako makapagpaliwanag sa nangyari? matanda na po kayo pero mas naniniwala pa din kayo sa haka haka" wika ko sa kinikilala ko ngayon ama dahil sa katawan na gamit ko. "Wala kang galang!" galit na sigaw ng ama ko at tipong sasampalin ako nito. Napapikit nalang ako sa takot at para ihanda na din ang sarili sa sakit na mararamdaman "Bakit ganun walang sakit" wika ko sa isip ko. "Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?" wika ni Reiner matapos mapigilan ang paghampas ng kamay ng ama ko sa akin. "Ah eh master Reiner naglalambing lang po ako sa anak ko kasi naman gumawa na naman siya ng gulo sa inyo kaya naman sinermonan ko lang ng konti." sagot nang ama ko kay Reiner. "Wala siyang gulo ginawa naiintindihan niyo po?, sa susunod na saktan niyo si Rumina sa pamamahay ko ako ang makakaharap niyo nagkakaintindihan ba tayo?" "Ah opo opo paumanhin master" nangangatog na wika ng aking ama. "Jeremiah uuwi na daw si Sir Jake" "Opo master" "Rumina" "Ah oo" sagot ko kay uncle habang tinitingnan ang ama ko palabas ng bahay. "Ano ba trabaho ni Uncle bakit parang kinatatakutan siya ng lahat?" bulong ko sa isip ko. Sumunod na ako kay uncle paakyat ng hagdan. "Matulog kana at may kailangan lang ako tapusin sa opisina" utos nito sa akin napahinto na ako sa tapat ng pintuan ng aming kwarto. Siya naman ay nagtuloy sa paglalakad patungong opisina niya. 11 pm Wala pa din si uncle sa kwarto kaya naisipan kong ipagtimpla ito ng kape. Matapos makapagtimpla dinala ko agad ang mainit na kape kay uncle. Dahan dahan akong naglalakad sa hallway nangmakarating ng opis ni uncle dahan dahan ko binuksan ang pintuan saka dahan dahan lumapit kay uncle dala ang kape. Pagdating sa table niya, hindi niya ako namalayan na nasa table na niya ako sa sobrang abala niya kaka tipa sa keyboard. "Uncle" tawag ko na nagpahinto sa agawa niya "Kape mo inumin mo agad habang mainit pa" utos ko kay uncle. Tumayo ito saka lumapit sa akin, sabay hila sa kamay ko at isinandal ako sa pader. Nagulat ako sa ginawa niya, nanatili itong nakatingin sa akin na napaka seryoso. Hinaplos niya ng kamay niya ang chin ko sabay pisil sa pisngi ko. Ang bilis ng t***k ng puso ko ano ba itong nararamdaman ko. Napapikit ako sa sobrang kaba hindi ko mapaliwanag kung ano ang nangyayari sakin. Isang pagdampi ng labi ang dumikit sa aking labi saka dahan dahan itong gumalaw. Sobrang kaba ang nararamdaman ko hindi ko maintindihan pero gusto ang ginagawa ni Uncle, halos pinaglalaruan ni uncle ang labi ko hindi ko alam ang gagawin kaya hinayaan ko lang si Uncle, panay sip-sip nito sa labi ko at ramdam ko ang lambot ng labi niya. Sa tagal ng ginagawa ni Uncle ay hindi na ako makahinga kaya bumitaw ako sa labi ni Uncle saka ko tinakpan ng isang braso ko ang bibig ko habang nakatingin sa kaniya. "Hindi ako makahinga uncle" wika ko Natulala naman si Uncle sa narinig at nang matauhan ay tumayo na ito ng ayos. "Tara na oras na nang pagtulog" aya nito sa akin. Nauna lumabas ng silid si uncle habang ako iniisip kung ano ang ginawa namin kanina. "Hinalikan ba ako ni uncle?" tanong ko sa isip ko. Pagpasok ko sa kwarto agad akong dumeretso sa kama para maihiga ang pagod kong katawan. Muli kong ipinulupot ang kumot sa katawan ko saka ipinikit ang aking mga mata. Alam kong nasa C.R. lang si Uncle kaya matutulog na ako. Ipinikit ko ang aking mga mata at hawak ang aking labi. Hindi mawala sa isip ko ang nangyari kanina, rinig ko din ang malakas na pintig ng puso ko kaya hanggat maari dapat makatulog na ako. Hindi naman ako nabigo sa sobrang pagod ko kanina ay hindi ko na din namalayan na nakatulog na ako. Lumabas na nang C.R. si uncle saka nagtungo ng kama, umupo ito sa gilid ng kama habang tinitingnan akong mahimbing nang natutulog, saka hinaplos haplos ang aking buhok, napatingin ito sa drawer na katabi lang ng higaan saka binuksan ang drawer at kinuha ang papel. Tiningnan lang ni Reiner ang papel saka napabuntong hininga at muling ibinalik sa drawer. Umayos na ng higa si Reiner saka idinikit ang noo niya sa ulo ko para makatulog na din at bukas ay maaga pa itong papasok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD