CHAPTER 6

1629 Words
Kinaumagahan Maagang nagising si Reiner inihawi na nito ang kurtina ng kwarto para makapasok ang liwanag. "Rumina gising na ngayon ang unang araw ng pasok mo mula nang mahospital ka ang pinapahinga." tawag ni Uncle sa akin. "Hmmm" ungol lang ang naisagot ko kay uncle dahil ang sama ng pakiramdam ko. "Rumina? okey ka lang ba? tanong ni uncle sa akin. Umupo ito sa gilid ng kama saka ako pinatihaya ng higa. Dinampi ni uncle ang kan'yang palad sa akin noo. Napakunot ng kilay si uncle nang maramdaman ang init ko. Hinaplos nito ang mukha ko at panay tawag sa akin "Rumina, Rumina" "ah uncle" "Tatawag ako ng doctor ah" kabang wika ni Reiner. Tumayo na si Reiner para tawagin si Jeremiah. Paglabas ng pintuan ng kwarto. "Jeremiah!" sigaw ni Reiner na umalingawngaw sa paligid "Ano po 'yun master?" "Papuntahin mo si Dr. Drei inaapoy sa lagnat si Rumina madali ka" "Ah opo master Reiner" Bumalik na si Reiner sa tabi ko, hinawakan nito ang kamay ko saka panay haplos sa buhok ko. "Darating na mamaya ang doctor" bulong ni Reiner sa akin. "Uncle, uncle" himig ko sa mahinang tinig. "Im here Rumina" "Master Reiner on the way na po si Doc. Drei" "Padalhan mo ko ng maligamgam na tubig tapos alcohol at maliit na towel" "Opo master" yumuko si Jeremiah bilang paggalang saka naglakad para gawin ang iniuutos ni Reiner. Nang makarating si Jeremiah agad naghalo ng alcohol si Reiner sa tubig at maya maya ay inilublob ang maliit na towel sa tubig saka nilagay sa noo ko. "Jeremiah abangan mo si Doc. Drei sa baba" "Masusunod po master" wika ni Jeremiah saka naglakad palabas ng kwarto. Naiwan naman kaming dalawa ni Uncle sa loob, maya maya'y bumunot ito ng phone saka nagtipa ng numero. "Hello Nicole, cancel all my meetings today" sabay off sa phone niya. "Master Reiner, nandito na po si Doc Drei" wika ni Jeremiah na kakarating lang. "Come in Doc." wika Ni Reiner "Master Reiner ngayon lang po ba ito?" tanong ni Doc. Drei kay Reiner. "Yes Doc. ah paggising ko" sagot ni Reiner "Trangkaso, meron siyang trangkaso, ipainum niyo lang po itong ibibigay kong reseta master tapos papahingahin niyo lang po babalik ako after 7 days master." wika ni Doc. Drei habang nagsusulat ng inireresetang gamot. "Heto master" "Salamat Doc." "Paano aalis na po ako master babalik ako after 7 days" wika ni Doc. Drei sabay yuko para magbigay galang. "Jeremiah pakihatid si Doc. Drei" wika ni Reiner. Pagkalabas nina Doc. Drei ay umupo sa tabi ko si Reiner, saka muling binasa ang towel ko at muling inilagay sa noo ko. Maya maya ay tumayo ito saka naglakad palabas ng kwarto. Nagtungo si Reiner sa kusina para magluto, "Magandang umaga po master Reiner" wika ng isang katulong "any apron please" wika ni Reiner Iniabot naman ng katulong ang isang apron kay Reiner. Nakatingin lang ito kay Reiner habang si Reiner naman ay naghahanda para sa lulutuin. "Sis kala ko ba walang pake si master sa asawa niya?" bulong ng isang katulong sa kasamahan. "Kahit ako nahihiwagaan sis" sagot naman ng isa. Seryosong nagluluto si Reiner. Nang mapadaan si Jeremiah sa kusina. "Hello everybody! huhhhhh" laking gulat ni Jeremiah ng makita si Reiner na nagluluto nang pagkain "Ah master ano po ginagawa niyo? trabaho po nang katulong 'yan" paliwanang ni Jeremiah ngunit hindi siya nilingon ni Reiner at nagpatuloy lang sa pagluluto. Nang matapos inihanda niya isa isa ang niluto saka binitbit para dalhin sa kuwarto. Sa kwarto Naalimpungatan ako nang masikatan ng araw ang mata ako. Dahan dahan ko iminulat ang mata ko saka ibinaling ang paningin ko sa pintuan, kakapasok lang ni Uncle at may bitbit itong pagkain. "Good at gising kana, pakakainin kita kasi kailangan mo uminom ng gamot, light food lang ito." wika ni Reiner sa akin. "Ah eh si master po nagluto niyan lady Rumina" wika ni Jeremiah Napangiti naman ako "Talaga uncle?" "Hmm sige na kain kana" sagot ni Uncle sa akin. Tinulungan naman ako ni Uncle para makaupo saka niya ako sinubuan ng sinubuan. Nakakapanibago ang bait niya sa akin ngayon hmm sana lagi siya ganito. Sa kabilang banda sa company ng DewTech. Sunud-sunod ang dating ng phone call sa mga ka meeting sana ni Reiner ngayong araw, maya't maya din ang sagot ni Nicole sa mga client. "Hayyyss kainis kasi dapat kasama ko ngayon si master Reiner eh siguro nagpabebe na naman 'yung Rumina na iyon kaya hindi nakapasok si master Reiner, nakakainis talaga!" asar na tugon ni Nicole. Sa bahay ng Cervantes "Uncle iiglip lang ako inaantok pa kasi ako" wika ko kay Reiner "Sige lang matulog ka lang nakainum ka na din naman ng gamot" Ngumiti lang ako matapos ang wika niyang iyon parang musika sa aking pandinig na agad kong ikinatulog. Inayos naman niya ang pagkakakumot sa akin saka naglakad palabas ng kwarto para ilagay sa malababo ang pinagkainan ko. Sa kusina "Akala ko ba sis wala nang pakealam si master kay lady Rumina?" tanong ng isang katulong "Nagulat din ako sis hays akala ko pa naman maaagaw ko si master" wika naman ng isang katulong. "Asa ka naman may asawa na kaya 'yun" "bakit hindi ba pwede maagaw uso kaya 'yun haha" "Bruha magkaroon ka ng delekadesa sa sarili mo noh" wika ng isang katulong ngunit natahimik ito ng makita ang dumating na amo agad ito napatalikod saka napapikit ng mata Panay ang hampas nito sa kaibigan habang nakapikit. "Ano ba ang problema mo kanina kapa hampas ng hampas bruhilda ka" wika ng kaibigan na kanina pa dada ng dada habang naghuhugas ng plato nang mapatingin ito sa kanyang likod at makita si Reiner. "Waaaaa ha..hayyy naku master ikaw po pala ano pa iyan ipapahugas niyo po? abay akina na po nanginginig pa" ngatal na wika ng katulong sabay kuha sa mga plato at dahan dahang tumalikod. "Lintik ka mare hindi mo ko winarningan andyan na pala ang señiorito, buset ka mare" ngiwi ang bibig nito habang nagsasalita. "Panay siko ko na nga sayo walang preno ang bibig mo" "Padala sa kwarto ng gatas." wika ni Reiner sabay talikod nito at naglakad na papuntang kwarto. "Grabe sis ang pawis ko tagatak grabe kaba ko kala ko sesentantehin na tayo" "Daldal mo kasi mare" "Tse manahimik ka diyan" Sa kwarto habang nagsasagot sa mga message ng ka business partners panay ang sulyap naman nito sa akin kung gising naba ako oh hindi pa. Sumapit ang tanghalian, habang nasa opis si Reiner at nagtatrabaho hindi naman siya mapalagay sa kalagayan ng kaniyang asawa. Tumayo ito sa pinagkakaupuan para tumungo sa kwarto at tingnan ang asawa. Pagkapasok sa kwarto nakasalubong nito ang isang katulong na may bitbit na damitan para labhan. "Ah kamusta si Rumina?" tanong nito sa katulong. "Natutulog pa din po master" Napatingin ito sa relo saka muling baling ng tingin sa katulong "padala ako ng makakain for two" "Masusunod po master" Pumasok na nang kwarto si Reiner habang ang katulong naman at dumeretso na palabas. Naglakad si Reiner papuntang kama saka umupo sa gilid at hinawakan ang noo ko. Gumaan naman ang loob nito nang maramdamang sinat nalang ang temperatura ng katawan ko. "Hmmm uncle" wika ko nang maalimpungatan ako. "Oras na para kumain iinum kapa ng gamot" pag-aalalang wika ni Reiner. "Uncle hindi ka pumasok?" "Nope mas ok sakin ang bantayan ka, kamusta na pakiramdam mo?" "Ok ok na ako uncle" Unti unti akong bumangon para sana marelax ang katawan bago kumain. Pansin ako ang pawisan kong damit na bumakat sa katawan ko. Napansin kong napalunok si Reiner habang nakatingin sa akin "bakit kaya?" bulong ko sa isip ko. "Uncle basa na damit ko ng pawis" wika ko. "Magbihis ka na muna habang wala pa ang pagkain." utos ni Reiner sa akin. Tumayo si Reiner saka kumuha ng damit na susuotin ko, nang makakuha ay agad din itong iniabot sa akin. "Lalabas ako saglit magbihis kana" wika muli ni Reiner Tumango lang ako bilang sagot kay uncle. Sa labas ng kwarto, todo inhale at exhale ni uncle sa hindi mapaliwanag na nararamdaman. "Grabe pinagpawisan ako hayss" wika nito habang nakapikit. Pagmulat niya ng mata "ay ulikba!" "Grabe master makasabi ng ulikba" wika ng katulong habang bitbit ang pagkain. "Nagulat kasi ako sa'yo" paliwanag ni Reiner "Makikiraan po, hmmm maka ulikba wagas" wika ng katulong saka naglakad na ito papasok sa kwarto. Sumunod na si Reiner pagkapasok ng katulong. Kumalma lang ang pakiramdam ni Reiner ng makitang nakabihis na ako. Iwan mo na diyan ako na magpainum ng gamot. "Sige po master aalis na po ako" yumuko lang ang katulong habang nakakamot sa ulo si Reiner. Naglakad na palabas ng kwarto ang katulong at si Reiner naman ay dumeretso sa akin. "Kailangan mo nang kumain tanghali na" wika ni Reiner sabay hawak sa plato na may kanina at nilagyan ng sabaw. Umupo ito sa gilid ng kama na nakaharap sa akin saka ako sinubuan. "Uncle kaya ko naman kumain, para makakain ka na din" wika ko. "Ah ok sige oh heto" at inabot ni Reiner sa akin ang plato. "Sasabayan mo ko kumain?" tanong ko kay uncle na ngayon ay kinuha ang isa pang plato sa mesa. "Oo nagugutom na din kasi ako" Kinilig naman ako sa sinabi niya. Kaya ngayon kumakain kami ng sabay. Napapasulyap naman ako kay uncle, kamukhang kamuha niya talaga. Alam ko namang hindi na ito ang uncle ko na kinamulatan ko, kahit papaano namimiss ko siya kaya kapag nakikita ko si uncle hindi ko padin maiwasan itanong sa sarili ko kung bakit niya nagawa 'yun sa pamilya ko lalo na sa akin na kababata niya. Natauhan ako nang hawakan ni Reiner ang pisngi ko at hinahawi ang tubig sa pamamagitan ng thumb nail niya. Nakatitig lang ito sa sakin habang panay punas sa luha sa pisngi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD