KABANATA 1: KAARAWAN
Pagtapat ng kamay saktong alas-dose. Sunod-sunod ang naging putok ng fireworks sa madilim na kalangitan. Makukulay iyon sa langit ba tila may sine-celebrate na isang importanteng gabi.
"Ma'am, handa na po ang dining table," nakayukong aniya ng kasambahay.
Mula sa glasswall ay nakaharap si Irene suot ang isang mahabang pulang damit, hawak-hawak ang manipis na baso na may laman na mamahaling wine.
Maingat niyang tinungga iyon bago lumingon. Nang maglakad ay humapit sa katawan niya ang kulay pulang satin dress, manipis iyon at dumadausod sa madulas niyang sahig. Ramdam niya rin ang lamig ng kanyang paligid dahil sa lantad na lantad ang likod niya.
Naglakad lang ng ilang hakbang si Irene bago niya nakita ang mahaba niyang mesa. Punong-puno ng mamahaling karne, prutas at inumin ang mesa na may mga kandila pa kasama ang mapupulang rosas.
Romantic and elegant, parang siya.
Inokupahan niya ang silyang ginto. Ipinatong ang iniinom na alak sa mesa at kinuha ang mansanas.
Tumanaw siya sa dambuhala glasswall ng kanyang dining area. Tanaw niya roon ang mababang gusali na kaharap ng kanyang penthouse.
Patuloy ang naliliwanagan ang magandang mukha ni Irene ng mga fireworks sa labas.
Tuwid ang tingin niya nang kagatin ang mansanas. Sinulyapan niya ang mansanas at pinunasan ang kumapit na lipstick doon.
"Happy birthday, sabik na akong makita ka."
Pasimpleng tumabi ang pinakabatang kasambahay sa tabi ni Mildred ang isa sa mga matagal nang kasambahay.
"Aling Mildred, birthday po ba ni Ma'am Irene? O naka-lunar calendar siya para ngayon lang i-celebrate ang new year. May pa-matching fireworks pa at hindi biro ang ginastos niya," bulong ng dalagita.
"Hinaan mo ang boses mo, baka marinig ka ni Ma'am Irene."
"Sagutin niyo muna ako. Ano bang sine-celebrate ni Ma'am Irene ngayong alas-dose ng gabi?" pamimilit ng dalagita.
"Hindi ko rin alam. Wala naman si Manang Sita para sabihin sa atin kung bakit. Basta ang alam ko, hindi kaarawan ni Miss Irene dahil hindi naman niya pinagdidiwang ang kaarawan niya-"
"Kung ganoon ho, Manang. Anong sine-celebrate niya ngayon?"
Parehong tumanaw sina Mildred at ang dalagita sa among nakatalikod at nakaupo.
"Hindi ko alam at ayokong makilam. Basta, sundin na lang natin ang iuutos niya."
"Manang, nasasayangan ho ako sa perang ginagastos niya sa kalagitnaan ng gabi. Iniisip ko, baka may kulto ng sinasamba si Ma'am Irene kaya maganda siya, mayaman at makapangyarihan-"
"Tumigil ka nga, hindi kasama sa kung anong kulto si Ma'am."
Pasimpleng sinulyapan ni Irene ang nagbubulungan na kasambahay sa di-kalayuan.
"Kulto?"
Agad na takot na napatuwid ang dalawang kasambahay.
"Sinong parte ng kulto?" tumayo siya at humarap sa mga ito.
Agad na tumungo ang dalawa nang maglakad siya palapit habang hawak ang baso ng wine.
Sinipat niya ng tingin ang mga ito mula ulo hanggang paa.
"Kung may mukha mang parte ng kulto dito, malamang kayo iyon," seryoso niyang wika.
Nagmamadaling nagsalita ang isa sa may-edad na kasambahay. Nakataas ang isang kilay niyang sulyapan ang kamay nitong hinawakan ang dalagita.
"Pasensiya na ho, Ma'am Irene."
"What is my first rule here in my penthouse, again?"
Wala siyang narinig na sagot. Tumapat siya sa dalagitang hindi na itinaas ang mukha. Huminto ang matalas na nguso ng mamahalin niyang sandalyas sa tapat ng lumang sapatos nito.
Mayabang na itinaas niya ang sulok ng labi at inapakan iyon.
"Ma'am Irene!" akmang papagitna si Mildred nang seryoso niyang lingain.
"Ma'am-"
"Tumahimik ka, nakalimutan mo na ang first rule, Mildred?" tumikwas ang isang kilay niya habang nakasilip sa matanda.
"H-hindi ko ho nakakalimutan," mangiyak-iyak nitong tugon.
Bumaling si Irene sa dalagita na impit ang iyak at gustong hawakan ang paa.
"Kung ganoon, lagi mong ipaalaala sa batang ito ang kauna-unahang utos na iyon."
"Aray, Ma'am Irene!" Hinawakan ng dalagita ang kamay niya nang hagipin niya ang nakatali nitong buhok.
"Look at me," kalmado at mahina pero nakakatakot ang dating ng boses ni Irene.
Inalog niya ang hawak ng buhok nang hindi sumunod ang kasambahay.
"Hindi ko na dapat inuulit ang sasabihin ko-"
"Ma'am Irene," iyak nito at sinalubong ang mga mata niya.
"Walang sinuman ang pwedeng magsalita dito sa akong penthouse, kung di ako lang. Ako lang ang pwedeng magtanong, ako lang."
"Opo, Ma'am. Opo," iyak nito.
Pabalya niya binitawan ang dalagita an sinambot agad ni Mildred. Kaswal siyang huminga nang malalim. Pinagmamasdan ito nang sandaling simsimin ang alak.
"Pero kung talagang curious kayo, mabait naman ako," dagdag niya at ngumiti.
Magkayakap ang dalawang kasambahay nang takot siyang tingalain.
"Eksaktong ngayong oras ay kaarawan ng taong pinakamahalahga sa akin. Ang mga fireworks na 'yan ay salubong sa kaarawan niya at ang masasarap na pagkain ay handa para ipagdiwang ang existence niya rito sa mundo."
Matamis siyang ngumiti at nilapit ang mukha sa mga kasambahay.
"Gusto niyo bang malaman kung sino?"
Nagkatinginan ang dalawang kasambahay. Ang dalagita ang lakas-loob na tumango.
"Siya ang mapapangasawa ko."
Sabay na napakunotnoo ang dalawa.
Bumaling siya muli sa fireworks. May ngiti siyang lumapit sa glasswall.
"Ang lalakeng papakasalan ko sa lalong madaling panahon. Huwag kayong mag-alala, makikilala niyo siya sa oras na dalhin ko siya rito bukas."
Huminto siya at pinagmasdan ang makukulay na fireworks.
"Tatawagin niyo siyang Mr. Irene Sterling Villarreal."
Bumulong muli ang kasambahay na dalagita kay Mildred.
"Paano siya magpakasal? Wala naman siyang boyfriend, at walang papatol sa katulad niya na-" agad na tinakpan ni Mildred ang bibig ng dalagita at hinila palabas ng dining area.
Si Irene naman ay ngiting-ngiti pa rin nang simsimin ang alak.
"I can't wait to see you, to touch you... and to finally make you mine."
Hinaplos niya ang kamay sa suot na madulas na satin dress at pumikit. Nangangarap na kaharap na sa altar ang lalakeng matagal na niyang hinihintay.
"Happy birthday, Kuya Perry!"
"Happy birthday!"
Nakangiti si Perry habang ibinibigay ang regalo sa mga batang nakapila sa harap niya.
Naroon ang simpleng happy birthday banner sa na nakasabit kasama ang kulay asul na mga lobo.
Maganda ang ngiti ni Perry nang lumapit sa batang lalake na si Nonoy. Nakangiti siyang bumaba at inabot dito ang hawak.
"Para sa best friend ko," lumapit siya rito at bumulong. "At sa pinaka-paborito ko."
Natutuwa itong nakipag-apir sa kanya pagkatapos ay tinanggap nito ang laruang baril-barilan.
"Happy birthday, bespren."
Natawa siya at niyakap ito.
"Perry."
"Mother."
Tumayo siya at hinarap ang mother superior ng Angel Hope Orphanage. Kung saan taon-taon niyang sine-celebrate ang birthday.
Hinawakan ni Mother Angelina ang kamay ni Perry at may ngiting pinagkatitigan siya.
"Maraming-maraming salamat, Perry. Sa lahat ng ibinigay mo sa ampunan na ito. Sa taon-taon mong binibigay sa mga bata sa tuwing kaarawan mo. Hindi lang 'yon, patuloy din ang donasyon mo rito."
Magaan niyang hinawakan ang kamay ng kaharap na Madre. "Masaya akong nakakatulong sa inyo, Mother Angelina. Hindi niyo kailangang magpasalamat."
Sinulyapan niya ang mga batang tuwang-tuwang regalo niyang laruan, mga pagkain at sa clown.
"Gusto ko ang ginagawa ko at masaya ang puso ko. Pakiramdam ko, nababalik ko ang lahat ng magagandang nagawa ng ampunan para sa akin."
Muli siyang bumaling sa Madre. "Hindi ako magbabago, Mother Angelina. Nandito lang ako at handang tumulong sa inyo."
Napangiti ang Madre. Sabay-sabay silang napalingon nang marinig ang sunod-sunod na ugong ng mga sasakyan.
Naningkit ang mga mata ni Perry nang lumingon doon. Sunod-sunod ang mamahaling kotse. Natuon ang atensyon niya sa nauuna kotse.
Isa iyong Ferrari F8 Turbo na kulay pula. Kaya niya alam dahil mahilig siyang mangolekta ng mga die cast o laruang koste. Kaya alam niya na hindi basta-basta ang sasakyang huminto sa tapat ng orphanage.
"Perry?"
Sandali pa siyang tumitig sa sasakyan bago bumaling sa Madre na kapareho niya ay sa iisang direksyon lang nakatitig.
"Mother?"
"May inaasahan ka bang bisita?"
"Wala ho."
Muli niyang tiningan ang koste nang marinig ang namamanghang reaksyon matapos may bumaba roon na babae.
Napahakbang siya para tanawin iyon nang husto.
Red Long-Sleeved Turtleneck Bodycon Dress ang babae . Ang tila-balat na hapit ng pulang tela ay nagbibigay-diin sa magandang hubog ng katawan nito, mula sa leeg hanggang sa maputi at makinis na mga binti.
May suot na malaking gold brooch ito at malaki ang ginto ring hikaw.
Isinuot nito ang malaking-malaking floppy hat, halos matakpan ang mukha nito.
Hanggang sa may tila gwardiya ang nagturo ng daan dito. Humakbang ang babae at doon lang nakita ng lahat ang mataas na takong nitong kulay ginto habang ang stilettos ay pulang-pula.
Nalunok ni Perry ang laway dahil sa hindi maipaliwanag na kaba. Dahil sa itsura pa lang ng suot at tindig ng babae ay hindi ito basta-basta.
Tuluyan itong nakapasok sa ampunan. Lahat ng batang nakatingala at namamangha ay umalis sa daan nito.
Huminto ito sa tapat ng kanilang mesa.
Rinig ni Perry ang t***k ng puso. Hanggang sa magsalita si Mother Angelina.
"Magandang araw, sino ho kayo at anong kailangan niyo sa Angel Hope Orphanage?"
Mula sa pagkababa ng pulang floppy hat ay nagtaas ito ng mukha. Napatitig siya sa maputi at makinis na mukha ng babae. Hinubad nito ang malaking sunglasses at walang lingon na inabot sa tila alalay nito.
Doon nagtama ang mga mata nila. Nakita niya ang pagguhit ng ngiti ng pulang-pula nitong labi.
"Well, wala naman, Mother," kaswal na anito habang nakatitig sa Madre. "Nandito lang ako para bumati."
Nang magbaling ito kay Perry ay nagkatitigan ang dalawa.
"Gusto lang kitang batiin ng happy birthday."
Alangang napatango si Perry.
"S-salamat pero teka, kilala ba kita?"
Natawa nang sandali ang babae bago siya nakangiting pinagkatitigan.
"Hindi pa. Pero simula ngayon, kailangan mo na akong makilala dahil magiging asawa na kita."
Agad na napakunotnoo si Perry sa narinig.