KABANATA 2: FUTURE HUSBAND

1019 Words
"Sorry, Miss. Pero mukhang nagkakamali ka-" natigilan si Perry nang itaas ng babae ang palad para pahintuin siya. Kunotnoo na lang ang nagawa niya. "Hindi pa ako nagkakamali sa buong buhay ko." Rinig ni Irene ang bulungan ng mga Madre sa paligid ng mapapangasawa niya. Ngumiti siya at muling tinitigan si Perry pagkatapos ay hinubad ang floppy hat na inabot naman ng kabilang alalay. "Kaya sigurado akong mapapangasawa kita-" "Hindi nga," tumikwas ang isang kilay niya nang marinig ang inis na agap ni Perry. Bakas sa maamong mukha nito ang nagsisimulang inis. Napangiti siya nang makita ang namimilog na butas ng ilong nito. She finds it cute, and she likes it so much! Imbes na sumagot si Irene ay hinawakan niya ang ilang pagkain na nasa mesa. "Pinamimigay mo ba 'to?" "Kung alam ko lang, I really should have catered food from five-star hotels for these children instead." Kinuha niya ang isang paper meal box, sinulyapan ang isang batang babae na naghihinta. At nang akmang itataas niya iyon para ibigay dito ay may pumigil. Napaseryoso siya, tiningan ang hawak bago tumaas ang tingin sa pumigil sa kanya. Naroon si Perry, pigil-pigil siya. "Miss, hindi kilala-" "You'll have all the time in the world to know me." Isang nagtitimping hininga ang ginawa ni Perry at pilit na binawi ang paper meal box na hindi binitawan ng babae. "Miss, akin na 'to." "No, Perry. I wanted to help." Nag-agawan ang mga ito hanggang sa matapon iyon sa batang babae na agad umiyak. Natigilan si Perry, agad namang lumapit ang isang Madre sa bata. Hanggang sa pumagitna na si Mother Angelina. "Iha, gusto mo bang tumulong kay Perry dito sa pagbibigay niya sa mga bata ng pagkain?" Kumunotnoo ang binata habang pinanood ang estranghera na binigyan ng iba pang alalay ng wet wipes. Inis niya itong pinanood habang maarteng nagpupunas. Tinaas nito ang mukha at sa kanya lang tumitig. Walang balak na sagutin ang tanong ni Mother Angelina. "Perry, Perry, Perry. Halika na." Doon niya naibilog ang kamay at pinagkatitigan ito habang may pinipigilang galit. "Baliw ka. Hindi ako sasama sa iyo." Hindi nagbabago ang kaswal na anyo ng babae na may ngiting relaks na relaks. "Sasama ka sa akin, Perry. That's for sure dahil magpapakasal tayo-" "Tumigil ka nga-" huminto siya matapos tumaas ang boses at sinulyapan ang madreng nasa paligid. Nagpapasensiya niyang binalikan ng atensyon ang estranghera na hindi naapektuhan sa inis niya. "Hindi ako titigil hangga't hindi kita nakukuha," matatag na wika nito. "Hindi nga kita kilala!" lumakas na ang boses niya sa bwisit. Nilahad ng babae ang dalawang palad para bang ipinakikita ang sarili sa kanya. "Then, kilalanin mo ko-" "Wala akong panahon sa iyo kaya pwede ba," tiim-bagang niyang tinuro ang gate ng ampunan na sinundan naman ng tingin ng babae. Nang humarap ito ay nagtama ang mga mata nila. "Umalis ka na." Tumaltak ito nang sunod-sunod, humalukipkip at pinagmamasdan siya nang husto. Para bang nag-iisip kung pagbibigyan siya o hindi. Napatingin si Perry sa mga naghihintay na mga bata, ganoon na rin sa mga Madre na pinanood sila. Naglakad siya at bago pa makahakbang sa babae ay may lumapit na gwardiya sa tabi nito. Kasing-tangkad niya iyon pero batong-bato ang katawan. Oo, naggy-gym siya pero pang bouncer ang katawan nito. Napatingin siya sa babaeng muling itinaas ang palad. Kahit hindi nakatingin ang security nito ay umatras para makita niya ang estranghera. Ngumiti ang babae sa kanya nang isang beses na humakbang. "Hindi niyo dapat pinipigilan ang paglapit nang mapapangasawa ko. Kapag kinasal na kami, magiging isa na lang kami-" "Tumigil ka na sa pagbanggit mo ng kasal, baliw na babae," awat niya. Naroon pa rin ang ngiti sa maputing mukha ng babae. Lumapit siya dito at pinagkatitigan sa mga mata. "Hindi ko alam kung paano mo nalaman ang pangalan ko. Lalo na kung saang mental institution ka galing. Pero isa lang ang sinisugurado ko." Hinagod niya nang mapanghusgang tingin ang babae mula ulo hanggang paa pagkatapos ay pinagkatitigan sa mga mata. "Hindi mangyayari ang araw na papakasalan kita. Hindi ko papakasalan ang babaeng hindi ko kilala. Umalis ka na." Hinihingal ang nagpipigil ng galit na si Perry. Hindi niya inaasahan na sa 30 taon niyang kaarawan. Ngayon lang siya nakatanggap ng pangit na regalo at ang pangugulo ng babaeng ito. "Pagbibigyan kita," napahinto siya matapos na marinig iyon. Walang takot ang tinig ng babae, kalmado pero para bang pinagbibigyan lang siya. "Dahil birthday mo pa rin sa oras na ito, birthday gift ko na lang sa iyo ang hindi mo pagsama sa akin ngayon. Pero sa susunod, sasama ka na sa ayaw at gusto mo, Perry John Escalante." Awtomatiko siyang napalingon nang marinig ang buong pangalan. Isang matamis na ngiti ang ibinigay ng babae sa kanya. "Paano mo nalaman-" "Mother!" kaswal na tawag nito sa mga Madre nang putulin siya. Maarte pa ang kaway nito sa mag Madre. "Kaawan kayo ng Diyos," dagdag nito habang may ngiti. Pagkatapos tingnan ang mga Madre ay tumitig ito sa kanya. Nilahad ang palad, inilapag ng alalay nito ang isang sunglasses. Sinuot ng babae. Nilahad nito ang palad sa kanila. Ipinatong naman doon ang malaki nitong sumbrero na sinuot ng estranghera habang hindi inaalis ang mata sa kanya. "Magkikita pa tayo, Perry. Happy birthday. Nasabi ko na ang regalo ko sa iyo, at iyon ang kasal na naghihintay sa ating dalawa." Mabilis siyang napakunotnoo. "Goodbye, my future husband." Kumaway ito at tumalikod. Hindi siya makapaniwalang pinanood ito hanggang sa makasakay sa sasakyan at makalayo. Napamewang siya at umiling-iling. "Baliw ang babaeng 'yon," aniya. Napatingin siya sa batang babae na marumi dahil sa natapong spaghetti. Hinablot niya ang tisyu, bumaba para humarap dito at pinunasan ang paslit. "Pasensiya na. Huwag ka nang umiyak. Papalitan natin ang pagkain mo," pinunasan niya ng tisyu ang mga luha nito. Tumingala siya nang lumapit si Mother Angelina. Seryoso ito kaya dahan-dahan siyang tumayo. "Pasensiya na po, Mother sa nangyari." "Kilala mo ba ang babaeng 'yon?" Muli niyang nilingon ang labas ng ampunan pagkatapos ay umiling nang salubingin ang tingin ng Madre. "Hindi ho, Mother. Hindi ko siya kilala, at ayoko siyang makilala."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD