KABANATA 3: MAMA ROSE AND CALI

1010 Words
Padabog na pinihit ni Perry ang gripo matapos maghugas ng kamay sa lababo sa likod ng ampunan. Isang hininga ang ginawa niya para mabawasan ang galit na nararamdaman niya. "Perry." Awtomatiko siyang dumiresto. Naroon si Mother Angelina at inabutan siya ng maliit na tuwalya. "Salamat po, Mother Angelina." "Sino ang babae na 'yon?" Tumitig siya sa kawalan habang salubong na salubong ang mga kilay. "Wala ho akong ideya, Mother." "Hindi mo siya kilala." Sinalubong niya ang tingin ng Madre. "Hindi ho, ni hindi siya pamilyar." "Pero alam niya ang buong pangalan mo at hindi naalis ang tingin niya sa iyo na para bang kilalang-kilala ka niya." Pikon na pikon siyang umiling nang maalala ang nakakabwisit na anyo ng estrangherang iyon. "Wala ho akong kilalang ganoong kabaliw na babae," aniya nang mapatingin sa natahimik na Madre ay agad siyang napaseryoso. "Pasensiya na ho, Mother," despensa niya agad. "Kung ganoon, isipin na lang natin na naligaw ang dalagang iyon at bumati lang siya sa iyo dahil kaarawan mo." Tumango-tango siya. Hinawakan siya sa balikat ng Madre. "Mahaba na ang araw na nandito ka para ipagdiwang ang kaarawan mo. Kami nang bahala sa mga bata, at pwede ka nang umuwi." Doon lang siya ngumiti at hinawakan ang kamay nito. "Maraming salamat, Mother Angelina. Babalik ho ako at magdadala ng regalo muli sa mga bata." "Maraming salamat, Perry. Regalo ka ng Diyos. Maligayang kaarawan." "Salamat, Mother." Matapos magpalaam si Perry sa mga Madre at mga bata ay sumakay na siya sa kanyang modern dark grey rugged pickup truck. Nang isarado ang pinto ay mahigpit niyang hinawakan ang manibela. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang babaeng sumira ng kaarawan niya. Napailing-iling siya pagkatapos ay huminga nang malalim para pakalamhin ang sarili. "Tama, tama si Mother Angelina. Iisipin ko na lang na naligaw ang babaeng 'yon. At napagkamalan niya lang ako." Agad siyang nagmaneho palayo ng ampunan. Nang makarating sa bahay at maipasok ang sasakyan sa garahe matapos magbukas ng automatic niyang gate ay bumaba na siya. Tinungo niya ang mail box sa harap ng bahay. Kinuha ang mga papel doon. Nilipat-lipat niya isa iyon habang binabasa nang pumasok sa loob ng bahay. "Perry, nandiyan ka na pala." Nilinga niya ang ina na si Rose na naglalagay ng plato sa mesa sa kanilang dining table. "Opo, Mama." "Happy birthday, anak. Bilisan mo, magbihis ka na para mapagsalu-saluhan na natin ang paborito mong chicken curry." Ngumiti siya at tumango. "Yes, Mama. Salamat po," hindi naalis ang ngiti niya nang umakyat ng hagdan. Huli na ang sobre ng sulat nang huminto siya sa paglalakad. Nag-iisip siyang natigilan pagkatapos kumatok nang lumapit sa pinto ng kwarto ng kapatid. "Cali?" Katok niya. "Cali bubuksan ko na ang pinto," paalam niya nang iikot ang doorknob at mahinang itulak. Mula sa study table ay lumingon ang nakakabatang kapatid. Sandali pa nitong inayos ang makapal na salamin habang hawak ng isang kamay ang ballpen. Tinitigan lang siya nito. Siya ay itinaas ang hawak na mga sobre. "May kinuha ka bang ibang sa mailbox?" Seryoso itong umiling. Napatango naman siya. "Okay, salamat," akmang babaling na ito sa study table nang magsalita siya muli. "Bumaba ka na, dinner na." Nanatili ang seryosong mukha nito nang tumango. Siya naman ay sinarado ang pinto. Naglakad lang ng ilang hakbang at binuksan ang pinto ng silid. Inihagis niya nang mahina ang mga sobre sa ibabaw ng kama pagkatapos ay hinubad ang suot na t-shirt. Natigilan din siya at napatitig sa sobre. "Ngayon lang wala siyang pinadala sa birthday ko," aniya. Nagtungo si Perry sa harap ng kabinet. Mula sa itaas niyon ay may kinuha siyang isang kahon. Umupo siya sa kama at ipinatong iyon sa mga hita. Binuksan niya ang kahon at naroon ang 21 na happy birthday letter mula sa taong hindi niya kilala. Simula nang pitong taong gulang siya. Walang palya siyang nakatanggap ng isang simple sulat. Itinago niya iyon at inilagay sa isang kahon. Umaasang makikilala kung sino ang nag-aabala para bigyan siya ng oras at effort na padalhan ng sulat. Makalipas ang minuto, matapos maligo at magbihis ay bumaba siya ng hagdan. Nagulat pa siya nang may pumutok. "Happy birthday!" Natawa siya nang makita ang ina na nakangiti. At si Cali na seryosong hawak ang party popper na pinutok nito. "Salamat, Mama," lumapit siya at niyakap ang ina. Nang magharap ay may nahihiya itong ngiti. "Kanina pag-uwi mo sana kita isu-suprise. Ito namang kapatid mo, nasa kanya ang party popper," paliwanag ni Rose. "Okay lang, Mama. Na-suprise pa rin naman ho ako," sinulyapan ni Perry si Cali. "Salamat, Cali." "Happy birthday, Kuya," maikli nitong tugon na seryoso pa rin ang mukha. "Thank you." "Kumain na tayo," sinimulan ng ina niyang maglagay ng pagkain sa mga plato. Siya naman ay pinagmamasdan ang dalawa sa tatlong babaeng pinakamahalaga sa kanya. Si Mama Rose niya na tunay na maalaga. At ang kanyang kapatid na si Cali, na kahit madalang magsalita at laging seryoso. Mahal na mahal niya. "Kumain ka na. Ano pa ang itinatayo-tayo mo riyan?" tanong ng ina. Lumapit naman siya sa mesa at hinila ang silya. Nang okupahan iyon ay tinulungan niya ang ina na maglagay ng kanin sa plato. "Umupo na kayo, Mama," wika niya. Tumalima naman ito. Sabay-sabay na silang kumain. "Anak, kumusta nga pala ang birthday party mo sa Hope and Love Orphanage." Napahinto si Perry sa paghati ng karne ng manok gamit ang tinidor. Napatingin sa kanya ang ina at kapatid. "Bakit may nangyari ba?" agad na usisa ng ina. Nakatitig siya sa mesa nang mabilis na isubo ang karne nang maalala ang babaeng sumira ng birthday niya. "May problema ba sa orphanage, Kuya?" tanong na rin ni Cali. Noon kasi ay lagi at punong-puno siya ng masasayang kwento sa tuwing galing sa ampunan. Kaya siguradong nanibago agad ang mga ito. Nang bumaling sa mga ito at nakita ang paghihintay sa sagot niya ay pilit siyang ngumiti. "Wala. Wala naman, Mama at Cali. Masaya katulad ng dati," kaila niya dahil siguradong mag-aalala ang mga ito sa oras na ikwento niya ang baliw na babae na nakilala niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD