Chapter Seventeen
Nagmamadali siyang lumabas ng gate ng apartment nila dahil late na siya. Ang layo pa naman ang restaurant na yun. Sana hindi traffic taimtim niyang panalangin.
Nagulat siya ng makitang nakatayo si Gray sa labas ng kotse nito. Ito ba iyong sinasabi ni Sir Axer na hatid sundo daw niya ako. Hindi ko iyon pinansin akala ko nga nagbibiro lang si Sir.
"Good morning po Sir. Ano pong ginagawa niyo dito?" tanong niya.
"Sinusundo ka. Ang tagal mo!"reklamo ng binata.
"Hindi naman ako nagpasundo sa'yo, ah."takang sabi niya dito.
"Hindi nga! Pero gusto kong sunduin ka pareho lang naman pupuntahan natin. Huwag ka nang umangal pa!"
She roll her eyes. "Ano pa nga ba ang magagawa ko."maktol niya at lumapit na sa kotse ng binata.
"Siyempre wala!"ngisi pa niya sa dalaga. At pinagbuksan na niya ito ng pintuan sa sasakyan niya.
Inirapan niya muna ito bago pumasok na sa loob ng kotse nito.
Wala silang imikan sa loob ng sasakyan nito. Ayaw naman niyang siya ang unang bumasag sa nakakailang na katahimikan sa loob ng sasakyan.
Hindi parin kasi niya nakakalimutan 'yong pagyakap sa kaniya ni Gray kahapon. Ang sarap sa pakiramdam. Napapikit siya ng mariin para maiwaksi ang eksena na iyon kahapon.
"Are you okay?"may pag-aalalang boses na tanong ng binata.
"O-Oo ayos lang ako." mahina niyang sabi dito at umayos na ng pag-upo.
Pagkarating nila sa building na pag mamay-ari daw ni Gray, ayon sa sabi ng isang katrabaho niyang waitress doon. Pinagkaisahan siya ng mga damuhong magkaibigan. Hayyyy.... Sa labas palang pinagtitinginan na sila ng mga taong pumapasok din sq building na iyon.
Kaya dumistansiya siya kay Gray sa paglalakad. Ayaw niyang siya ang early topic ng mga workers dun. Pero ang mukong hinintay pa talaga niya ako at hinawakan ang isang kamay ko.
"Sir Gray, anong ginagawa mo? Gusto mo bang pagtsismisan nila ako dito! Bitawan mo nga ako!"gigil niyang sabi kay Gray.
"Ayaw mo 'yon. At least ako ang kasama mong pagtsismisan nila. It's a big privilege na yun sayo. Nahiya ka pa!"natatawang sabi naman ni Gray.
"Bwesit ka talaga kahit kailan unggoy ka!"bulong niyang gigil dito.
"See you later saltik."Sabi naman ito sa kaniya. Bago humiwalay sa kaniya ng daan patungong elevator siya naman sa ground floor.
Pasaway talaga ang lalaki na iyon. Nakakahiya sa mga taong nakakita sa kanila, baka gawan pa sila ng issue.
Pagpasok niya sa loob masaya siyang binati ng mga katrabaho niya. Mabuti pa dito masayahin ang mga empleyado, mababait kahit may mga malisiya sila pagtumitingin sila sa akin.
"Hello."bati niya sa mga ito.
"Masaya ka? Kasama mo si Boss kanina. noh?"
"Uy, kinikilig siya. Aminin mo?"kunwaring kukurutin siya nito sa tagiliran.
"Eh, kasi naman yung Boss niyo ang kulit, feeling close."sabay kamot sa kilay niya. Wala siyang ibang maidadahilan ei.
"Ang cute niyo nga tignan, eh. Bagay kayo.!"kinikilig na sabi naman ng Isang waitress doon.
"Luh, tao kami. Ah, ako lang pala ang tao hindi bagay! At siya, hindi siya tao at hindi rin bagay ang Boss niyo. Hayop siya! Mukha siyang unggoy!" bungisngis pa niya. "Nakoooo... Huwag niyong iparating sa Boss niyo ang sinabi ko paktay ako nito."natatawang sabi ko. Napanganga naman ang kasamahan niya sa trabaho dahil sa mga sinabi niya. Kaya nagpatuloy siya sa panlalait sa lalaking 'yon.
"Ang pangit na nga, Ang baho pa niya." Joke lang naman niya. Sa totoo lang ang bango nga niya eh. Ang sarap niyang amoy amuyin. Napahagikhik na lang siya sa kalukuhan niya.
Nagulat siya ng may humawak sa ulo niya at pinisil iyon. "Ang aga-aga kung ano-ano itsinitsismis mo! Sinong pangit at mabaho ang tinutukoy mo?!"agad siyang napalingon sa nagsalita. Nakita lang naman niya ang lalaking sinabihan niya ng mga hindi magaganda. Paktay! Napapikit siya ng mariin. Anong ginagawa niya dito. "Shunga ka ba siya ang may ari ng restaurant na to natural andito siya para mag-inspection."sita ng isip niya. Napakagat labi na lang siya. Gosh! Sabay paypay gamit ang kamay niya sa mukha niya.
"W-Wala!" patay malisya niyang sabi. Kaya pala walang imik ang mga kasama niya sa kusina. Pumasok pala dito ang damuho. Tumingin siya sa mga kasamahan niya at palihim na nag peace sign sa daliri niya. Palihim naman ang mga itong natatawa sa itsura niya.
"Sinong Boss nila ang tinutukoy mo?!"naniningkit ang mga matang tingin niya sa dalaga.
Nako!. Nagsusungit na naman ito. Akala ko makakaganti na ako sa pang aalila niya sakin kahapon sa opisina niya. Ginawa lang naman niya akong watcher niya habang nagpe-pirma at nagbabasa ng mga documents sa lamesa niya. Bwesit na lalaking ito! Nakakangawit kayang tumayo na walang ginagawa. Ang sarap lang niyang ingudngud sa lamesa niya ei!
"Bakit nakikinig ka sa usapan ng mga babae BOSS?!" sarkastiko niyang sabi kay Gray at inirapan pa niya ito.
"Ako ang Boss dito! Natural maririnig ko ang mga kalukuhang pinag-sasabi mo sa mga empleyado ko! Pumunta ako dito para tignan kung ano ang mga ginagawa ng mga trabahador ko including you!"masungit niyang sabi kay Charmy.
"Oo na po Boss! Nakita mo na. Pwede kana bumalik po sa opisina niyo Boss."pabalang niyang sabi sa binata.
"Inuutusan mo ba ako?!"bulalas ng Boss niya lumaki pa nga mga mata nito.
"Suggestions ko lang po Boss. Nakakasagabal kana po kasi dito sa kusina."
"Sumama ka sa akin! Ayaw kung mahawaan mo ang mga empleyado ko. Ang daldal mo pa naman baka kung ano-ano nanaman ang mga sasabihin mo pagnakatalikod ako!"pagalit niyang sabi sa dalaga. Ang kulit talaga ng babae na ito. Paglinisin ko nga ng glass wall sa opisina ko. Napangisi siya ng lihim.
"Ano nanaman ba ang ipapagawa mo sakin Boss? Nako ha! Kung pwede lang magsisante ng Boss baka kanina pa kita tinanggal sa trabaho!"inis niyang sabi. Baka tumayo na naman siya ng ilang oras sa harapan niya. Tutunganga na naman ako.
Napangisi naman ang binata. At hindi nakaligtas ang hagikhikan ng ibang empleyado niyang nasa sa kusina. "Just come with me now!"
"Sunod na ako Boss."
"I said now! Hindi mo ba ako narinig?!"
"Suolado!"irap niya dito. "Wala talaga kayong pinag kaiba ng Boss kong si Sir Axer. Mga demanding gusto agad-agad. Magkaibigan nga kayo mga masusungit, pangit pa!"simangot niya kay Gray.
"Ang dami mong alam. Namimihasa kana. Baka gayahin ka pa ng mga empleyado ko magaling sumagot sagot sa Boss nila. Your bad influence to them. Wala kang galang! Let's go."hinila na siya nito. Wala naman na ako magagawa pa siya ang boss ei.
"Anong walang galang pinagsasabi mo Boss!" Sa kanya lang naman ako ganito. Nakakainis kasi siya. Matapos niya akong yakap yakapin. Patatayuin ka lang niya sa harapan niya habang nagtatrabaho ito. Sino ang hindi maiinis sa lalaking ito. Nanggagalaiti na naman talaga siya.
Hindi na siya sinagot nito. Naglalakad lang ito ng diretso habang hila-hila siya. Papasok na sana sila sa private elevator ng may tumawag kay Gray na babae. Tinawag pa niyang love si Gray. Napalingon silang pareho sa babaeng tumawag sa binata. Kumunot ang noo ng binata at walang sabi-sabing hinila siya nito sa loob ng elevator at agad pinindot ang close button. Napabuntong hininga pa ito pagkasara na ng elevator.
"Bakit mo ginawa yun sa babae?"tanong agad niya sa binata.
"Huwag mo ng tanongin pa!"simangot na sabi ng binata.
"Ang ganda-ganda niya. Ang sexy pa! Tapos tatakbuhan mo lang? Wow huh! Ang choosy mo din pala Boss. Sino 'yon Boss babae mo? Napapalatak niyang tanong kay Gray na madilim na ang mukhang tumingin sa akin.
Pero deep inside curious siya sa babae. Hindi ko masyado napansin ang mukha ng babae dahil hinatak siya agad ni Gray papasok sa elevator. Ano kaya ang ugnayan nilang dalawa ng binata.
Mukhang nawalan na din sa mood ang binata. Seryoso lang na nakatingin sa mga number na nasa screen sa taas ng elevator. Lihim niya itong pinagmamasdan. At naghihintay parin siya sa sagot nito. Pero parang ayaw niyang sagutin.
Pagpasok nila sa loob ng opisina nito agad itong pasalampak na umupo sa swivel chair niya.
"Anong gagawin ko dito Sir?"Tanong niyang nalilito sa inasta ng lalaking ito.
"Just seat in the sofa! And don't disturb me nor talk to me." masungit niyang sabi. Napanganga na lang siya sa kasungitan nito. Kahit sinong pinakamagaling na pintor sa buong mundo. Hindi maipipinta ang pagmumukha ng binatang ito. Tsk.
Habang nakaupo siya mga ilang minuto na ng may kumatok sa pintuan. Wala sa sariling sumigaw siya. "Wala dito si Elsa kaya 'wag kang kumatok katok diyan! K bye!" May balak pa yata siyang gayahin si Ana at Elsa ng frozen ei. Ibang version nga lang.
Nagulat naman si Gray sa pagsigaw ni Charmy. Naiiling nalang siya at sinamaan niya ito ng tingin. "What the hell, you talking you?!"pagalit niyang tanong sa dalaga.
"Naalala ko lang yung frozen movie Sir."sabay kamot sa kanyang kilay. Nakakahiya ka talaga Charmy. Bulong ng isip niya. "Bubuksan ko na po ba Sir iyong pintuan?" mahina niyang tanong. Baka kasi samaan na naman siya nito ng tingin kapag mapalakas na naman ang boses niya. Tumango lang ito at hindi na nagsalita pa. May dalaw yata sa isip-isip niya.
Nagulat siya ng agad na pumasok ang babaeng nakita namin sa labas ng elevator kanina. Hindi siya nito pinansin at tuloy-tuloy siyang naglakad patungo kay Gray. Nakita niyang akmang hahalikan ng babae si Gray pero umiwas ito.
"What are you doing here?!"rinig niyang tanong ng binata na mukhang galit sa babaeng bisita.
"I missed you, Love! Pumunta ako sa main office mo pero wala ka doon. Kaya naisip ko na baka nandito ka."maarteng sabi ng babae.
"Huwag mo akong istorbuhin alam mong busy ako! Bakit ka nandito?" seryoso parin ang mukha niyang nakikipag usap sa babae.
"May welcome party sa mansion namin para sa'kin. And I personally invite you. Alam ko naman na hindi ka nanaman darating pag invitation card lang ang matatanggap mo. Aasahan kitang dadalo."sabi nito.
"No! I won't come and please leave me alone! Andito ka nanaman sa pilipinas at guguluhin mo nanaman ang nanahimik kong buhay! Now leave!" Galit niyang sabi sa babaeng kaharap niya.
Siya naman nagdahan-dahan siyang nagtungo sa pintuan habang busy pa ang mga itong nag uusap. Nakita siya ng dalawang secretary ni Gray. Kaya nag hi siya sa mga ito at tipid na ngumiti.
"Hi! Pakisabi nalang sa Boss niyo na naglayas na ako. Ayaw kong madamay sa init ng ulo niya sa babaeng kausap niya. Sige. Salamat. K bye!" Umalis na siya agad doon at hindi na hinintay pa ang isasagot nila. Parang bigla kasi siyang nagselos."hoy bruha ka! Wala Kang karapatan magselos Hindi mo siya kasintahan. feeling nito! Wala kayo label!"sita ng kontrabida niyang utak. Tsk. Ano kaya meron sa dalawang iyon. May relasyon kaya silang dalawa? Nagkatampuhan lang kaya sila nag away? So bakit may welcome party pa. Ano yun nag away sila tapos nag abroad yung babae. Tapos bumalik kasi nahimasmasan na siya sa bangayan nila ni Gray. Ganun kaya 'yon? Haysst may pakialam ba ako? Nalilitong palaisipan ito sa kanya.
Hindi niya maiwasang ikumpara ang sarili sa babaeng iyon. Bigla din siyang nainsecure sa dahil sa kagandahan ng babae. Parang modelo ito, Ang sexy, matangkad at maganda ang pangangatawan. Mga ganito kaya ang tipo ni Gray? Hayyy....Maganda at sexy din naman ako ah! Napasimangot nalang siya.
Nagtungo na siya sa restaurant kung saan talaga siya nagtatrabaho. Hindi sa opisina ng Boss nila. Pasalamat na din siya sa babae na iyon dahil ligtas siya sa anomang ipapagawa ng binata sa kanya. Inabala nalang niya ang sarili sa trabaho kisa mabaliw siya kakaisip kung ano na ang ginagawa ng dalawa sa opisina ni Gray.
Mas maaga ang uwi niya dito kaya safe pa ang sumakay ng taxi. Habang naghihintay siya ng masasakyan nagulat pa siya ng may humintong sasakyan sa harapan niya. Napansin niyang kotse ito ni Gray. Kaya nagkunwari siyang hindi niya ito kilala.
"Louis get in. Hatid na kita."sabi ng binata na nakadungaw sa bintana.
"Huwag na Sir, magtataxi na lang ako."tangi niya.
"Sabi ko pumasok kana at ihahatid kita. Huwag ka na makipagtalo o tumanggi pa!"
"Hindi ako nakikipagtalo. Ayaw ko lang na naaabala kita. Hindi mo ako obligasyon para ihatid sundo mo ako Sir."
"I insist!"matigas nitong sabi. "At 'wag na 'wag mo akong tatawaging Sir pagnasa labas na tayo ilang beses ko bang sabihin yan sa'yo!!"seryosong sabi ng binata.
Hayy. Sungit talaga. Ano pa bang magagawa ko may pa insist, insist pa siyang nalalaman. Sarap mo lang batukan ei, asar ka!
"Ano na? Gusto mo bang umuwi na or gusto mo tutunganga muna tayo dito bago mo maisipan na uuwi na?" nababagot na niyang sabi sa dalaga.
Padabog naman siyang lumapit at padabog din niyang binuksan ang front seat ng kotse ng binata. Padamog ulit siyang umupo sa tabi ng driver seat ng binata. Ewan niya kung bakit naiinis siya dito. Naiisip parin kasi niya kung ano ang mga pinagusapan nila kanina ng babae. Kung gaano katagal namalagi ang babae sa opisina ni Gray. Baka naghalikan o kaya'y mas higit pa doon ang ginawa nilang dalawa.
Nagseselos ka lang eh? pang aasar ng utak niya. Napapikit nalang siya dahil hindi niya matanggap na nagseselos nga siya. Wala din sila imikan na dalawa kaya itulog nalang niya. Napagud din kasi siya maghapon at wala pa siya kain. Nagugutom na siya. Kaya nagpasya siyang sa apartment na lang siya kakain.
Saktong pagmulat niya ng mga mata niya nakatigil na ang sasakyan ni Gray sa tapat ng apartment nila.
"Salamat sa paghatid."akma na sana siyang lalabas ng sasakyan nito ng pigilan siya ng binata.
"Ahm... About sa kanina. Kailangan kong gawin iyon dahil ayaw kong madamay ka sa kabaliwan ng babae na yun pag nalaman niyang hinahatid sundo kita. Lalo na pag kinakausap kita. She's crazy and obsessed to me. Kahit anong taboy ko at pagsabihan ng hindi magagandang salita sa kanya walang epekto at balewala lang ito sa kniya. Ngayong andito nanaman siya sa pilipinas magugulo na naman ang mundo ko."frustrated niyang sabi sa dalaga.
Naiinis siya dahil wala man lang siya magawa para maitaboy ang dalaga na 'yon. At mas lalo pa siyang naiistress dahil ang babae na iyon ang gustong ipaasawa sakin ng mga magulang ko. Since nung hindi natuloy ang kasal ko sa unang babaeng minahal ko ng subra. Parang pabor pa nga ang mga magulang niya dahil sa hindi natuloy ito. Kahit nanggagalaiti siya ng inis sa mga magulang niya lalo na sa Mama niya. Hindi niya parin kayang magalit sa mga ito kaya todo Iwas nalang siya. Minsan nalang din siya nakadadalaw sa mansion nila. He really need peace of mind.
Tinignan niya ang binata. Kita niya ang frustrated at galit nitong mukha. Gusto niyang magtanong pero 'saka nalang kapag hindi na mukhang stress ang binata.
"Okay lang, hindi mo naman kailangang magpaliwanag sa'kin." sabi niya. Pero deep inside nakahinga siya ng maluwag dahil wala silang relasyon ng babaeng iyon.
"Pakiramdam ko kasi iniiwasan mo ako. Feeling ko may nagawa akong kasalanan sa'yo!" umiiling niyang sabi.
"Mabuti na 'yong iwasan ka para walang gulo di ba? Sabi mo nga ayaw mo akong madamay sa gulo ng babae na yun."
"Oo. Pero hindi 'yong ganyan na paraan. Iyong iiwasan mo ako hindi na papansinin at kakausapin. Ayaw ko ng ganyan!"frustrated na naman niyang sabi sa dalaga. Pinakatitigan niya ito. Naasiwa naman siya sa paraan ng titig nito.
"May cellphone naman. Pwede tayong callmate or textmate. Mas safe iyon." masaya niyang suggestions.
"Hindi ako agree diyan!"simangot nitong sabi. Sumimangot na lang din siya.
"Ang arte mo! Bahala ka na nga! Sige na, d'ba may welcome party ka pang pupuntahan? Mag iingat ka sa pagdadrive."ngiti niya dito.
"Nah... Hindi ako dadalo." walang emosyong sabi nito.
"Pakipot ka pa!" natatawa niyang sabi sa binata. "Goodnight sungit."sabay baba na niya sa sasakyan ng binata.
Binaba din ng binata ang salamin ng sasakyan niya at nag goodnight din sa dalaga. Sinabi pa niyang susunduin siya ulit nito bukas.
Nagkibit balikat na lang siya. Kahit ano pang tanggi niya. Ipipilit parin nitong susunduin siya nito. Kumaway muna siya sa binata bago pumasok na sa loob..