Pagdating sa mall ay sobrang saya ni Adeline at ni Mrs. Salvero habang namimili ng mga susuotin sa party. “Bagay, Adeline. Ang ganda-ganda mo,” sabi ni Mrs. Salvero. “Tumalikod ka nga, i-zipper ko nang makita natin kung ayos ang lapat.” “Smile,” sabi naman ni Paul na panay kuha ng ng litrato sa kanilang dalawa. “Paul, wag! Ang gulo ng buhok ko,” iwas ni Adeline. “Eh ano naman? You’re still beautiful,” banat pabalik ni Paul. “Dapat pala di na ako sumama eh. Nakakaabala lang ata ako,” sabi ni Mrs. Salvero habang kinikiliti-kiliti si Adeline sa tagiliran. “Ma, wag! Diyan ang kiliti ko!”masayang saway ni Adeline sa ina. “Alam ko. Mahilig kang kilitiin ng Papa mo dito diba?” Magbabangdang tanghali nang magtungo sila sa ospital na may mga dalang prutas at mga pwedeng makain nina Shiela

