“Magsiupo po ang lahat para sa pagbasa ng mabuting balita.” Announce ng commentator sa unahan na tiyahin ni Adeline. “Ha! Ilang tayo pa ba?” matamlay na bulong ni Adeline kay Paul. Di napigilan ni humagikgik ni Paul dahil sinabi ni Adeline. Sa mga sandaling iyon ay hirap na hirap na si Adeline sa pagpapanggap. Di na maipinta ang eskpresiyon sa mukha niya dahil sa matinding paglaban sa matinding pagkaantok. “You are making me fall in love with you more,” bulong ni Paul saka hinalikan ang kamay ni Adeline at pinisil-pisil para di na manamlay. “Kaunting-tiis na lamang.” “Simbahan to,” biglang sabat ni Henry na di na rin napigilang lumingon sa kanila. Ngumisi naman si Paul habang si Adeline, medyo nawala ang antok ng very light saka nagsalita, “Hanggang ganito lang kami, wag ka mag-alal

