“Ma, kamusta po?” sugod ni Adeline kay Mrs. Salvero nang makarating sa labas ng operating room. “Isinalang na siya sa surgery,” “Pero magiging ok naman po siya?” “Sana,” sabi nito. Inalalayan ni Adeline paupo si Mrs. Salvero habang si Paul naman ay naupo na rin sa kabilang dulo para iayos ng pahingalay ang tulog na batang babae. “Ma, magbobook na muna ako ng hotel sa malapit tapos doon na po muna kayo. Pupunta muna kami ni He...ni Paul kay Alice. Saglit lang ho kami doon tapos balita ko po ay darating na ang pamilya nila.” “Sige anak,” “Ang tapang niyo, Ma,” sabi ni Adeline at hinawakan ang kamay ni Mrs. Salvero. “Ha! Namiss ko pala ang pagiging nurse,” “Aww! But I am the proudest Ma, hindi mo po talaga kinakalimutan ang sinumpaan niyong responsibilidad bilang nurse,” Ngumiti lam

