*** Naalimpungatan akong muli sa paglundo ng kamang may yumakap mula sa aking likuran. "Hey" "Anong oras na?" Napakusot akong napatingin sa relo sa gilid. "Past 10" aniyang hinapit akong napatihaya. Nakayakap siya sa aking gilid. Nakapantulog na siyang suot, at bagong shower rin. "Nakabalik ka na niyan? akala ko ba lalabas kang kasama mga kaibigan mo?" ani kong napasulyap sa kanya. "Yeah, pero nauna na akong umuwi" aniyang sumiksik sa gilid ng leeg ko. "Huh?" "U-uhm, I got bored...besides maaga ring umuwi yung birthday celebrant, so I decided to go home na lang" aniyang muli. "...and hindi ka nagreply sa mga texts ko" dagdag nitong napasulyap akong muli. "Ha?" "It's okay, naabutan kitang tulog na tulog na rin" "Oo, pagkaalis mo nag aral lang ako, at humiga na rin pagkatapos"

