*** "Okay ka lang?" lapit kong nagbalot na lamang ng sarili ng manipis na kumot. Naalimpungatan akong nagising na mag isa sa kama. Tanaw ko si Landon na nakasandal sa hamba ng gilid ng terrace ng kanyang kwarto. Napangiti siya ng tipid na makita akong papalapit sa kanya. Hinila niya akong yumakap mula sa aking likuran. "Bakit nagising ka? "Naalimpungatan lang ako" sagot kong tanaw ang mga ilaw sa ilang kabahayan sa kamaynilaan. "May problema ba?" malumanay na tanong ko. Isang linggo na ang lumipas mula ng ipinaggitgitan niyang baka buntis ako. Madalas ay lagi siyang tahimik at malalim ang iniisip. "Nothing" aniyang nilingon ko itong nakatingin din sa labasan. "Landon..." "Does it bother you?" aniyang bulong na pumahinga ang baba sa aking balikat. "...medyo, ano kasi eh, pansin ko

