The only thing we never get enough of is love, and the only thing we never give enough of is love. - Henry Miller *** Yumuko pa siya ng kaunting inabot ang baba ko para mapatingala. Pumikit ako, hindi ako pwedeng tumanggi. Wala pa ngang ilang segundo ay lumapat na ang labi niya. Ramdam ko ang init ng hininga niyang sumakop ng mabilisan sa labi ko at umikot ang kabilang kamay niya sa baywang kong humaplos hanggang likuran. Hindi ako nakakilos, literal akong nakakulong sa bisig niya. Ang isang kamay niyang nakahawak kanina sa baba ko'y nasa batok ko na. Halos mapasinghap kong naghahabol ng hangin sa paraan ng paghalik niyang banayad ngunit madiin. "L-landon" ani kong hindi makaiwas. Bumaba ang halik niya sa baba kong muli hanggang bumalik sa labi kong mas naging mapusok ang halik niya. A

