A kiss is a lovely trick, designed by nature, to stop words when speech becomes superfluous. -Ingrid Bergmen *** "Good morning" Napangiti ako ng tipid, naghanda ako ng agahan. "Don't go to work for today Reece" aniyang pumahinga ang siko sa countertable. Marahil pansin niyang nakabihis na rin ako pampasok. Inilapag ko ang inihandang kape niya. Naglagay na rin ako ng plato sa mesa at kubyertos. "Papasok ako" sagot ko. "Reece..." Napalingon akong inilapag din ang niluto kong agahan. "Papasok ako Landon, trabaho yun" giit kong umupo sa tapat niya. Nauna akong nagising sa kanya. Naalumpungatan akong nagmamadaling kumilos kaninang madaling araw. Nagising akong suot na ang pangibabang suot ko at blouse, balot din ako ng makapal na comforter. Ramdam ko pa rin ang medyo kirot at

