Landon and Reece 8

2316 Words
I'm so glad I found you in this messed-up world. - unknown **** Nadischarge si Lola kinabukasan. "Ate magpahinga ka muna, ako ng bahala sa oras ng gamot ni Lola"  ani ni Makoy sa akin. Napatango ako. Kailangan ko ring magpadala ng mensahe sa Dean ko sa dahilan ng hindi ko pagkakapasok. Naalimpungatan ako ng gising ng marinig ko ang ingay sa labasan. Wala pa akong isang oras na nakatulog. "Makoy anong-" tanong palabas ng kwarto. "Reece" ngiti ni Mam Cielo. Medyo naasiwa akong mabilis na nag ayos ng buhok. Naandon din si Lian na nakaangkla sa hindi ko kilalang lalaki at si Sir Landon. "Mam" bati ko. "Dinadalaw  lang namin ang Lola mo" aniya. Napatingin ako kay Sir Landon. Umiwas siya ng tingin. "U-upo po kayo" anyaya ko. Kumuha ng isa pang bangko si Makoy dahil pangtatluhang tao lamang ang kasya sa kahoy naming upuan sa sala. "Nabanggit kasi ni Landon sa amin kanina, hinanap ko siya kagabi eh hindi ko makontak" ani ni Mam Cielo. Medyo kinabahan ako, wala akong ideya kung nabanggit ni Sir landon kung saan niya ako nakita kagabi. "O-opo" alinlangan kong sagot. "G-gusto nyo po ba ng inumin? kape po or juice? or softdrinks po?" pag iiba ko sa usapan. Inutusan ko si Makoy bumili na rin ng softdrinks, na siya namang labas ni Lola ng kwarto. Binati siya ni Mam Cielo. "Naku Reece wag ka ng magpabili ng softdrinks" aning muli ni Mam Cielo na pahabol. "Water na lang ako Ate" sabad ni Lian. Sumenyas  naman ang katabi niyang wala siyang gusto, napalingon ako kay Mam  Cielo na abala na kausap si Lola. "I'll have cofee" sabad ni Sir Landon. Tumayo akong tumangong dumiretso sa kusina. Pansin ko ang ilang basket ng prutas doon. "So, have you decided?" gulat akong napalingon. "Ha? uh, eh  hindi pa po" sagot ko habang nagtitimpla ng kape nito. Inabot ko sa kanya ang tasa. Sinimsim  niya ang kapeng bumalik sa sala. "Salamat nga pala Landon anak sa paghatid mo dito kay Reece" ani ni Lola. "Opo Nay nagkataon pong naandon sa pinagtratrabuhang restauran ni Reece itong panganay ko" sagot ni Ma'am Cielo. "Nga pala Reece, mabuti naman at tinanggap mo na ang alok ni Landon na sa opisina ka niya magtrabaho" ani Mam Cielo. "Po?" "Kasi itong Landon kailangan ng isa pang sekretarya, eh hindi na kaya ni Annie ang lahat ng gawa doon minsan kailangan na rin niya ng tigapag alala sa kanyang kumain at kung anong oras dapat siya uuwi, workaholic masyado. Mabuti nga at hindi nagkakasakit"  ani ni Mam Cielo, hindi rin niya siguro nabanggit sa ina ang pagkakasakit niya nuon. "Po? ah eh..." "Besides malaking magpasweldo ang kumpanya nila" dagdag pa niyang kumbinsi. Napatingin ako kay Sir Landon na nakakatitig lang din. "... on the other hand Ate, kailangan lang pong tiisin ninyo ang kasungitan ni Kuya" biglang sabad ni Lian na napatawa ang katabi niyang lalake. "Lian..." "Joke lang po iyon" bawi ni Lian. "...pero jokes are half meant  true" bulong pa niyang muli na napailing na natawa ang katabi nitong umakbay sa kanya. "Lian... stop it" banta ni Sir Landon. Natawa naman si Ma'am  Cielo. "Gab, mauna na kayo sa sasakyan" utos ni Sir Landon na iginiya ng kasama ni Lian siya palabas. "So Reece..." baling ni Mam Cielo. "Ano po kasi eh..." "Take it Reece, I'm sure Landon won't mind kung part time ka lang. Alam naman niyang nagaaral ka" aniyang tumango naman si Sir Landon. "Naku Salamat Mam Cielo" sabad ni Lola "Walang anuman Nay" tugon ni Ma'am Cielo na humaplos sa kamay ni Lola. "We have  to go na po" aning muli ni Mam Cielo kay Lola. "Reece..." "Salamat po sa pagdalaw" sagot ko. "Salamat din sayo anak" baling ni Lola kay Landon. "Come to the  office as soon as bumalik ka ng Manila" aniyang abot sa calling card na may address. Kinuha ko iyon mula sa kanya. "Salamat Sir" *** "So tatanggapin mo Sis?" "Oo, tsaka alam na ni Ma'am Cielo, nakakahiya namang tumanggi eh sila na ang nag alok" sagot ko kay Noreen. "Mas maigi nga doon kaysa sa dati mong pinagtatrabuhan, mas safe" komento niya. Tanging siya lang din ang nakakaalam kung saan ako nagtratrabaho. "Oo, mabuti na lang hindi binanggit ni Sir Landon ang trabaho ko kay Lola o kay Makoy. Wala akong ideya kung nabanggit niya sa Mommy niya" ani kong muli habang naghahandang tumungo sa opisina ni Sir Landon. "Hindi naman siguro, goodluck sayo!" ngiti ni Noreen na nagpapaalam na rin papasok ng university. Tinanggap ko ang alok ni Sir Landon, nagpaalam na rin ako sa pinagtratrabuhan kong Club. Panay pa ang palaalala ni Trina na sana wag na akong bumalik doon hangga't maari. Napatingala ako sa matayog na gusaling hindi ko mabilang kung ilang palapag. "Ito ang desk mo, connected ang phone natin pwede ka namang sumagot ng phone lalo na kapag wala ako sa table ko" Si Mam Annie na inoorient ako. "Yes Mam" "Ate Annie na lang, and ito ang link ng sa office ni Sir" turo niya sa ilang numero. "Nasabihan na ako ni Sir sa oras mo, hindi mo naman kailangang pumasok ng otso oras araw araw" aniya. "Opo, pero kaya ko pong bunuin ung forty hours a week, may dalawang araw po akong walang pasok" sagot kong tumango ito. "Naayos ko na ang schedule mo" ngiti niyang nagpasalamat ako. "Good morning" baritonong boses na nakapagpalingon sa amin pareho. "Good morning Sir" magiliw na bati ni Ate Annie. Tumango naman ito sa direksyon naming tuloy tuloy na pasok ng opisina niya. "Sa umaga, dadalhan natin ng kape si Sir" aniyang sumunod ako sa pantry nila. "Ito rin ang oras ng na pwedeng kang magdala ng pagkain ni Sir" aniyang abot sa papel. Idinikit ko iyon sa mesa ko. "Wag kang papasok sa opisina ni Sir hangga't  hindi ka ipinapatawag" aniya pang muli. "...at wag ka ring magaapoint ng hindi ko alam okay?" "Opo" Pumasok siya sa opisina ni Sir landon na dala ang tasa ng kape. "Reece" "Po? "... at eto pa, wag mong papasukin dito sa opisina o bigyan appointment, or kapag tumawag sa reception bawalan mong makaakyat okay?" ani ni Ate Annie na nag abot ng papel. "A-ano pong mga ito?" buklat ko. Listahan iyon ng mga pangalan ng babae. "Mga naghahabol kay Sir" ngisi niya. Napatango ako. Ang haba ng listahan! Ang iba pa doon ay kilalang pangalan ng artista at modelo. Simpleng gawa lang sa opisina ang trabaho ko. "Reece pakiphotocopy na lang ito" ani ni Ate Annie na tinanggap ko. "Mga kontrata iyan, pakisalansan na rin sa bawat folder" aniya pang muli. Tumango ako, nilagyan ko na rin bookmark bawat isa. Nag file din ako ng ilang dokumento, tumulong sa pageencode at nagpapirma sa ibang division ng opisina. Gumawa na rin ako ng to do list, nag organize na rin ako ng mga numerong mga importante. "You're going at one right?" baritonong boses mula sa aking likuran. "O-opo Sir" sagot ko. "Pwede ka ng umalis para hindi ka mahuli sa klase mo" aniyang napatingin ako sa orasan. Alas dose pa lang ng tanghali. "Hihintayin ko na lang po na lang po ang ala una Sir" sagot ko. "It's up to you then" aniyang nilagpasan ako. "Tell Annie, na babalik ako ng alas tres" aniyang pahabol na tinanguhan ko. Naging ganoon ang routine ko sa araw araw, kapag may pasok ako ng umaga ay hapon na ako nakakarating ng opisina o di kaya nama'y dumidiretso na ako sa bahay niya para maglinis. At kapag hapon ang pasok ko ay umaga akong nasa opisina. "Ngayon ka palang uuwi?" "Oo sir eh, katatapos ko lang din kasi ng shift ko sa University" sagot ko. Halos alas nuebe na ng gabi. Hindi naman masyadong marami ang liligpitin sa condo niya dahil araw araw din akong naglilinis.. "How's your first week in the office? Nahihirapan ka ba sa schedule mo?" aniyang nilagpasan ako. Dumiretso siya ng kitchen. "Hindi naman po, ayos lang ako. May oras na nga akong mag aral sa gabi ngayon" sagot ko, dahil yun ang totoo, mas may oras na akong mag aral ngayon kaysa noong nasa Club ako na hanggang madaling araw akong nagtratrabaho. Napatango ito. "Mauna na po ako at maraming salamat po" paalam ko. Tumango naman ito. * "Namiss ko ito!" pumapalakpak na si Noreen. Natawa akong nagsalin ng niluto kong carbonara. "Ang saya ng bago mong trabaho, may time ka na ulit magluto para sa atin" aniyang nagmamadaling  sumubo. "Ang sarap Reece! Dapat hindi ka nag nursing , nagculinary ka na lang" aniya pang muli. "Wag ng mambola Noreen okay" tawa kong nagsalin na rin para kay Ate Annie. "Magbabaon ako ha, full load ako ngayon" aniyang tinanguhan ko. "Ang sarap talaga, mana ka talaga kay lola Rina sa sarap magluto" Natawa akong napailing. * "Si Sir wala nito?"  Si Mam Annie na hawak ang dala ko para sa kanya. "Eh, lutong bahay lang po iyan ate, nakakahiya naman" sagot ko. "Mukhang masarap eh, tsaka ambango" "Sa susunod na lang po, nakakahiya po eh, simpleng carbonara lang naman po iyan, hindi ganon kadami ang sahog" ani ko. "Siya ikaw bahala, itatabi ko muna" aniyang itinabi nga ang lalagyan. Nagpaalam siyang aakyat ng accounting office. Nasa kalagitnaan ako ng pagfa file ng ilang dokumento ng may papasok sa opisina, nakasunod din ang isa sa receptionist sa kanya. Isang babaeng sopistikada ang ayos, matangkad sa akin, maputi at may magandang mukha. Medyo pamilyar siyang hindi ko matandaan kung saan ko nakita. "Naku Ma'am sandali po" harang ko. "And who are you?" masungit na sagot niyang humalukipkip na pinasadahan ako ng tingin paa hanggang ulo. Hindi naman kasi ako nakaunipormeng pang opisina, bagkus simpleng jeans lang at blouse na suot. "Sekeretarya po ako dito, may appointment po ba kayo?" tanong ko. "Hindi ko kailangan ng appointment para lang makita si Andrew!" malakas na boses niya. "Eh kasi mam, maupo po muna kayo. Ano pong pangalan nila?" ani kong nanatili itong nakatayo. Sinenyasan ko ang receptionist na mauna na. Ayaw kong mageskandalo ang babaeng malalaman ng iba. "Chloe Sta Inez" "Chloe Sta Inez?" ulit ko. Siya yung may billboard sa EDSA! Isa siyang modelo. "Now, I want to talk with Andrew, pronto!" aniyang muli na halos sigaw na. "Saglit po" ani kong tinawagan ang telepono ni Sir landon. "S-Sir..." "Yes Reece" seryosong sagot nito. "There is certain Chloe Sta iNez po dito na naghahanap sa inyo" sagot kong napatingin sa babae. Nakakatitig ito sa daliri niya umirap pa sa akin. "Send her away Reece" Si Sir Landon nagbaba ng telepono. Halos mapalunok ako. "M-mam, ano po kasi eh, hindi daw available si Mr. Madrigal" ani kong tumaas ang kilay nito agad. "Sinabi mo ba kung sino ako?!" "Opo" mahinang sagot ko. "Damn it!" aniyang mura na nilagpasan ako. Humabol akong bago ko pa mapigilan ay nabuksan na niya ang pinto. "Andrew sweetheart" aniyang nakakunot noo na napatingin si Sir Landon sa amin. "Didn't I tell you to send her away?" salubong na kilay nitong baling sa akin. "Ano po kasi-" nai kong mabilis itong sumabad. "It's just a simple task Reece" aniyang napailing. "Go home Chloe" aniyang baling sa katabi ko. "How dare you-" "Call the security Reece" aniyang baling sa akin na humawak sa braso ng babae palabas ng kwarto niya. "Andrew!" "I don't have time for you Chloe, umalis ka na" aniyang pindot ng lift pababa. Napako ako sa kinatatayuan ko. Rinig ko ang paghihisterya ng babae sa labas, hangggang dumating ang security na kinaladkad siya paloob sa lift paibaba. "Hindi ka naorient ni Annie?" aniyang baling napasuklay ng buhok halata sa mukha ang iritasyon. "N-nasabihan po, kaya lang po mapilit po siya eh" "When I told you to send her away, send her away immediately! Ayoko ng maulit itong merong basta bastang pumapasok sa opisina ko, understand?" salubong na kilay nitong panenermon sa akin. "O-opo" sagot ko. "Tell Annie to come in my office as soon as she comes back!" Bumalik ito sa loob ng opisina niya. Napaupo ako sa cubicle kong napahinga ng malalim. Dumating si Mam Annie, nagmadali siyang pumasok sa office ni Sir Landon. "Reece!" Si Mam Annie na halata ang pag aalala sa mukha na napatingin sa akin. "Ate Annie" "Anong nangyari?" "May hindi po kasi akong nasalang pumunta dito, eh nagalit si Sir eh" sagot ko. "G-Ganoon ba?" aniyang napailing. "Hayaan mo na, pagpasensyahan mo muna, kanina pa nga iyan ganyan eh" aniyang tinanguhan ko. Napatingin ako sa orasan kong nagpaalam kay Ate Annie. * Hindi ako mapakali habang nasa klase kanina, parang bumabalik balik sa isipan ko ang galit ni Sir Landon. Hindi ko rin maitatangging may pagkukulang ako sa trabaho, nag mental note akong dapat hindi na mauulit ang ganoong insidente. Palabas na ako University ng may humintong sasakyan sa aking harapan. Si Migs na nagbaba ng salamin ng sasakyan niya. "Going home?" "O-oo" "Halika na, ihahatid na kita" aniyang bumaba ng driver's seat. "H-hindi na Migs" tanggi ko. "C'mon Reece, besides gabi na delikado na sa daan ngayon" aniyang umikot sa passenger'seat na binubuksan iyon. "Ha?" "Are you having doubt? Harmless ako promise!" tawa nito. "Hindi naman sa ganoon, ayaw kong makaabala, baka out of way ako" sagot ko. "Hindi ka abala okay? Saka isang sakay lang naman ang tinitirhan mo" aniyang napakunot noo ako. "Paano mo alam?" "Ha? Ah eh, nakita na kasi kita noon" aniyang giya sa akin sa loob ng magarang sasakyan niya. Malapit lang naman ang tinutuluyan namin ni Noreen dito, isang sakay lang or pwede rin lakarin o sumakay ng pedicab. "Salamat nga pala sa libro and notes mo" baling ko. "You're welcome, nakatulong man lang ba?" ngiti nya. "Oo naman, nakakapag advance study ako" sagot ko. "Good, kapag may kailangan ka, don't hesitate to come to me" aniyang muli. "I- I mean s-sa nursing stuff, ganoon..." "Salamat Migs, isasauli ko iyon pagtapos ng klase" ani kong itinuro ang tinutuluyan namin ni Noreen. ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD