Landon and Reeece 9

1624 Words
Sometimes the road of life takes unexpected turn and you have no choice but to follow it, to end up in a place where you supposed to be - unknown *** Nagmadali akong lumabas ng condo ni Sir Landon, alam kong ito ang oras ng uwian niya. Magmula ng pangyayaring iyon sa opisina ay umiiwas akong maabutan niya sa bahay niya, ganundin sa opisina. Madalas ay ako ang nagtitimpla ng kape niya sa umaga o bumibili ng merienda at lunch niya ngunit si Mam Annie ang nagdadala sa loob. Takot at nahihiya akong magkamali at hanggang ngayon ay ramdam ko pa ang galit at inis niya noong nakaraang araw. "Sir" sambit ko ng magbukas ang lift, pababa sana ako at siya namay papasok na ng condo niya. "Magandang gabi po" bati ko. Tumango naman siya. Seryoso pa rin ang mukha niyang parang galit lagi sa mundo. "Pauwi ka na ba?" aniyang tanong na nakahawak sa pagsara ng lift. Pumasok ako sa loob. "Opo" sagot kong napahawak ng mahigpit sa bag ko. Tumango siyang lumabas ng lift. "Wait..." "About last time..." aniyang humawak muli sa sa pagkakasarado ng lift. Napaangat ako ng tingin. "I'm sorry about last time" diretso niyang wika. Ngumiti akong tumango. "Okay lang po, sorry din po. Sisikapin ko pong hindi na iyon mauulit" tugon ko. "... no, I was... i was" aniyang napabuntong hininga. "Never mind" aniyang umiling. "Okay lang po Sir. May kasalanan din naman po ako doon" sagot kong muli. Tumango siyang bumitaw. "Take care going home" aniyang muli. "Salamat po" * "Ano pong nangyayari?" bulong ko kay Mam Annie, napailing itong napabuntong hininga. Sinenyasan ang babaeng kasunod niyang umiiyak. "Muntik masisante" bulong niya. "Po?' "Sa accounting office po siya diba?" ani kong tinulungang magligpit ng kalat kalat na papel sa folder. "Oo, may mali kasi sa repot niya" tugon ni Ma'm Annie. "Medyo mainit ang ulo ni Sir, lumayo ka sa radar niya, baka mapagbuntonan ka uli katulad nung nakaraan" aniya. "Po?" "Ganyan na yan noon pa, pero mas lalong grumabe ng umuwi galing bussiness trip" bulong niyang muli. Napatango ako. Ayoko ng magtanong pa. "May nasisante ng dalawang staff sa finance, tapos may isa pa HR, at yun si Ms. Lea muntik kanina. Nagmakaawa lang na kailangan ng trabaho dahil maysakit ang anak" dugtong niya na napahinga ng malalim. "B-Baka po may pinagdadadaanan lang" sambit kong wala sa sarili. Napailing si Mam Annie na hindi sumagot. "Ako lang ang tumagal na sekretarya niyan" aniya pang muli na bumalik sa desk niya. Umupo ako sa desk kong nag ayos ng ilang pinapagawa ni Mam Annie ng tumunog ang intercom ko. "S-Sir" pindot ko. "Bring me coffee" ani sa kabilang linya. Napatingin ako kay Mam Annie na tumango. "Ikaw na ang magdala Reece, kailangan kong papirmahan ito agad sa isang Boards" aniyang nagmamadaling lumabas. Halos manginig ang kamay kong nag bukas ng opisina ni Sir Landon. Makalat ang mesa niyang nakatalikod ang swivel chair niyang nakahawak siya sa noo niya. "S-Sir, coffee nyo po" ani kong hindi siya sumagot. Lumabas ako ng agaran. Sa ilang araw na lumipas ay ganoon pa din, madalas ay seryoso at laging nakakunot noo si Sir Landon. Halos lahat sa opsina ay ilag sa kanya, kahit sa condo niyang tuwing makakasalubong ko siya ganoon din pakitungo niya. * Patapos na akong magligpit sa condo niya ng mabungaran ko siya sa pinto. Halata sa kanya ang kalasingan. "Sir" "Oh Reece" ngiti niyang wala sa sarili. "Lasing po kayo" "No, nakainom lang but i'm not drunk" aniyang muli. Dumiretso siya sa sala niyang nagtanggal ng neck tie. Pasuray suray siyang muntik mabuwal. "Kaya niyo po?" tanong kong nagtanggal ng sling bag kong gamit. "O-oo n-nman, n-nakuwi pa nga ako e-eh" aniyang sagot. Umalalay akong ipinaupo siya sa sofa niya. Pawis siyang halata sa mukha sa kalasingan. "Gusto niyo pong umakyat?" tanong kong umiling itong humiga sa sofa. Nagbukas siya ng butones ng polo niya. "Ikukuha ko po kayo ng bihisan ninyo" prisinta kong umakyat na kumuha ng tshirt niyang bihisan. Nadatanan ko itong nakahigang pikit na. Pinilit kong ipinaupong pinasuot ang tshirt. "I-i misss y-you" aniyang bulong na nagsasalita. Tinanggal ko ang suot niyang sapatos at kumuha na rin ng kumot at unan. Inangat ko rin ang paa niya sa pinakadulo ng sofa, at nag iwan ng isang basong tubig at gamot sa mesa. * "Good morning Sir" bati ni Mam Annie na siyang ikinalingon ko. Tumango ito sa gawi namin. "Mukhang haggard si Sir" pansin ni Mam Annie. Napangiti ako ng tipid. "Reece, coffee" ani sa intercom ko. Ilang araw na rin akong nagdadala ng kape sa opisina niya lalo na kapag may gawa si Ma'am Annie. "Yes Sir" Nakatukod ang dalawang siko nya sa mesang nakahilamos na nadatnan ko siya sa loob ng opisina. "Sir" lapag ko sa kape. Umangat ito ng tingin. Bakas sa mukha niya hindi maipintang emosyon. Lungkot? Galit? pagod? hindi ko alam... "Thanks for last night" aniyang tinanguhan ko. * "Sir!" "Y-you-re still here?" aniyang wala sa sarili. Hawak siya ng isa sa security sa ibaba. Napatingin ang security sa akin. "Patulungan na lang ako Kuya" ani kong sumenyas sa itaas. "I-i'm g-good! i'm g-good!" aniyang wala sa sarili marahil dala ng kalasingan. "Sir, tutulungan ka lang po" ani ng guard. Ibinaba siya sa kama niya. "Okay na dito Kuya" ani ko sa guard. "Sigurado ka Reece?" "Opo Sir, mahihimasmasan na siya maya maya" sagot ko. "Tumawag ka lang kapag may kailangan ka, ilang araw ng ganyan si Sir. Mabuti ngayon at may nadatnan kami dito" aniyang muli. Sinabayan ko siya sa baba na kumuha na ring bimpo at maliit na batya. Panay ang mura ni Sir Landon. "Damn it! "aniyang wala sa sarili na napapikit. "P-please d-don't leave me N-Nat" aniyang sambit. Paulit ulit iyon na banggit niya sa pangalang iyon. Dinampian ko ng basang bimpo ang mukha niya. Halata sa mukha niya ang pamumula ng pisngi. Mas lasing siya ngayon kaysa kahapon, sa sinabi ng guard marahil hindi ito ang unang beses na ganito siya. Pawis siyang kusang nagtanggal ng polong suot. Napailing ako, kahit ang katulad nilang walang problema sa pera ay may pinagdadaanan din. Pinunasan kong muli ng bimpo ang mukha at leeg niya. "Nat..." aniyang bulong na parang nakikiusap. "Don't leave me Nat..."aniyang bulong muli. Dahan dahan kong tinanggal ang polo niyang suot. Ipinasuot ko ang tshirt niyang inihanda ko. Tinanggal ko ang sapatos niya at medyas. Ganundin ang belt niyang suot. Panay pa rin ang bulong niya. Patayo na ako ng humawak ito sa palapulsuhan ko. "Nat, don't leave me please" aniyang parang punong puno ng hinanakit. "Sir..." "Please..." aniyang hinigit akong nawalan ng balanse. "Sir landon!" Nahila niya ako sa dibdib niya. "Don't leave me please, I'll do everything please wag mo lang akong iwan" aniyang bulong na humigpit ng yakap. Hindi ako nakakilos, naalala kong ganito rin siyang nakikiusap noong panahong maysakit siya. Tumayo akong kumalas ng naramdaman kong medyo lumuwag ang pagkakayapos niya sa akin. Tahimik na rin siyang natutulog. Maingat kong kinumutan siya at saka lumabas. * "Hindi daw makakapasok si Sir" ani ni Ate Annie na lumapit sa mesa kong nagdala ng meryenda. "Opo, lasing na lasing siya kagabi" sagot ko. "HUh? Bat mo alam?" naiygn tanong. "Ah, ikaw din pala ang nagliligpit sa condo niya" aniyang tinanguhan ko. "Opo, may...may binabanggit po siyang pangalan eh" ani kong sumulyap si Ma'am Annie sa gawi ko. "Nat daw po" ani ko pang muli. "Si Mam Natasha yun, first love ni Sir" ani ni Ma'am Annie. "Ex Fiance niya, nagbreak sila...ayun hindi natuloy ang kasal. Hinahabol habol pa rin ni Sir eh, college sweetheart niya iyon. First girlfriend din niya,hindi ko alam kung ano talagang istorya, pero iniwan siya ni Mam Natasha. yung totoo kaya ganun si Sir noon nakaraan pa, palagay ko nagkita sila ni mam Natasha sa abroad kaya pagdating dito dumoble na naman ang kasungitan" kwento ni Mam Annie. "Po?" "Atin atin lang ito ha" aniya pang muli. "Maraming chicks yan si Sir pero tanging si Ma'am Natasha lang siya seryoso, yung iba naman doon flings lang" anya pang muli. "...katulad ng listahan na ibinigay ko sayo" tawa niya. Napailing ako. "Hayst... sana lang makamove on na si Sir, or balikan na siya ni Mam Natasha" aning muli ni Mam Annie na kumibit balikat. Napangiti ako. "Ikaw ba Reece, may boyfriend ka na?" aniyang tanong na sinundan ko sa pantry. "Wala pa po" sagot ko. "NBSB?" aniyang tukso. "Opo eh" s**o kong natawa ito. "Talaga? walang manliligaw?" aniyang muli. "Meron naman po, kaya lang wala po akong panahon doon, marami akong mas importanteng gawa, gusto ko pong makatapos agad ng makapagabroad" sagot kong natawa itong umiling. "Hay, ang bait mong bata" tawa nito. *** "Hind ka nahirapan sa exams?" tanong ng kaklase ko. "Nagaral ako" sagot ko, malaking tulong ang ipinahiram ni Miguel na libro sa akin. "Siguradong exempted ka na naman sa finals niyan" ani ng isa sa classmates ng matanaw ko si Miguel sa labas ng building namin. Kumaway itong kumaway ako pabalik. "Kilala mo yun?" ani ng isang classmate kong irregular. "Si Miguel po?" "Kilala mo nga! siya ang pinakamagaling sa batch nila nuon, topnotcher din siya sa board" komento ng classmate ko. Napangiti akong nagayos ng gamit ng tumunog ang telepono ko. Si Noreen. "Noreen" "Sis" aniyang parang hapo. "Oh, okay ka lang?" tanong kong palabas ng klase. "Oo, ano kasi eh, kanina ka pa tintawagan ni Makoy at ni Mama" aniyang parang lumakas ang kabog ng dibdib ko. "B-Bakit?" "Si Lola mo kasi" aniyang napalunok ako ng mapait. "Ano si Lola?" "Isinugod uli ni Mama sa ospital eh" aniyang garalgal ang boses. Ramdam ko ang kaba sa aking dibdib. "S-sige pauwi na ako" mabilis kong sagot. *** thanks for the votes and comments!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD