Landon and Reece 10

2581 Words
Sometimes even the Greatest Love has to end so the destiny can begin - quoted diary *** "We need to do another operation hija" wika ng doktor ni Lola. Napatango akong wala sa sarili. Ang gusto ko png ay maagapan si Lola at gumaling. "Kamusta na po ang Lola ko?" halos impit na boses na tanong ko. "Your Lola is okayfor now, pero kailangan niyang dumito para sa ilang follow up diagnostic procedures and of course preparation para sa operasyon niya" paliwanag ng doktor. "Ate..." ramdam ko ang pagpisil ni Makoy sa balikat ko. Tumingala ako ng tingin sa kanyang tipid na ngumiti. Bakas sa mukha niya ang sobrang pag aalala pares ko. "Remember hija yung sinabi ko sayong may isa pang bara ang lola mo noon after nating maglagay ng stent sa isang vessel niya? medyo malaki na ang bara ngayon and I am afraid na kailangang lagyan uli ng stent iyon or -" aniyang napahinga ng malalim. "Ano po?" tanong ko. "Or simply bypass" Halos hindi ako makalunok. "Kailangan natin siyang i undergo sa ilang series ng test" aning pang muli ng doktor na tinanguhan ko. Nagpaliwanag pa ang doktor sa kaso ni Lola. "Reece" abot ni Tita Letty sa kape sa akin. "Salamat po" ani kong inabot iyon. Tumabi siya sa akin sa visitor's area. "Iniwan ko ang mga kapatid mo kina Aling Digna, dadaanan na lang ni Makoy" ani ni Tita Letty, mama ni Noreen. Pinauwi ko na si Makoy. "Salamat po" tugon ko. "Anong plano mo?" aniyang hawak rin and sariling paper cup. Napahinga ako ng malalim. "Hindi ko po alam, ayaw ko pong mawala si Lola. Siya lang po ang meron sa aming magkakapatid" ani kong parang may bara sa lalamunan. Humawak siya sa kamay kong pumisil. Napangiti akong may pait, ramdam ko ang pagiinit ng sulok ng mata ko. "Noong naoperahan si Lola noon. Si Ma'am Cielo ang nagbayad, malaki po iyon" sambit ko. "May pera kong maipapahiram sayo pero hindi ko alam kung kakasya sa kailangan mo" aniyang hindi ko napigilang mapaluha. Kinuha ko ang telepono kong tiningnan ang numero ni Nanay. "Tatawagan mo siya?" Isinara ko iyon. "May ipon po ako pero hindi ko rin po alam kung sasapat iyon" mahinang tugon ko. Pumisil siya sa kamay ko. "Kaya mo yan, kakayanin mo... hayaan mo gagawa din ako ng paraan" aniyang yumakap ako sa gilid niya. Alam kong pera iyon na pang aral ni Noreen. "Salamat po, yung itinakbo ninyo si Lola malaking bagay na po para sa akin, ganundin ang pag aalaga niyo po sa mga kapatid ko madalas" ani kong pasalamat. "Sus, ikaw talaga, eh wala akong anak na lalake, tapos yang si Noreen eh bibihira nang umuuwi, parang mga anak ko na ang mga kapatid mo" ani ni Tita Letty. Ipinagpapasalamat ko iyon, malaking tulong kung tutuusin ang pagsilipsilip ni Tita Letty kina Lola lalo na kapag nasa Maynila ako. Umuwi si Tita Letty, naglagi ako sa ospital. Inayos ko ang admission ni Lola. "Ate" ani ni Makoy na inabot ang passbook ko. May ipon ako ngunit alam kong kulang na kulang iyon. "Ate..." "May ipon po ako, kuhain mo muna" aniya tumabi sa akin. "Hindi na muna, sayo iyon" pisil ko sa kamay ng kapatid ko. "Baka makatulong ate, may tutorial jobs ako sa school" aniya pang muli. "Salamat, gagawa ako ng paraan tsaka may pera naman din ako" ani ko.lng napangiti ng pilit. "Ate..." "Kukuhain ko yan kapag kailangang kailangan na okay? kaya pa naman" haplos ko sa buhok niyang mas matangkad siya sa akin. Nagpadala ako ng mensahe kay Mam Annie na hindi ako makakapasok, at kay Noreen na sabihan ang Dean ko. Kaya kong humabol sa klase. Naadmit si Lola na nag undergo ng ilang test, kailangan na ngang lagyan pa ng isang stent ang daluyan niya ng dugo. Isang stent pa lang ay nagkakahalaga na ng daang daang libo. "Iha..."ani ng doktor na may simpatiya. "Your Lola needs bypass too, hindi na kaya ng simpleng stent iyon" ani ng doktor. Napakagat ako ng labi ng makita ko ang papel kung magkano ang halaga noon. Saan ako kukuha ng ganitong pera? mahigit isang milyon! tapos yung sa stent pa! "Yung stent, we need it very urgent, yung angiography test niya.." paliwanang ng doktor na siyang itinango ko na lamang. Halos wala na rin akong maintindihan. "I'm so sorry..." yun lamang ang huling naintindihan ko. "Dok... pwede ko bang mailapit ito sa social service?" tanong ko. "Ofcourse. Akona ang gagawa nun, and yung PF ko wag mo ng intindihin" ani ng doktor na marahil silay sa mukha ko ang pagkataranta. "Salamat po" "If I may ask, wala ba kayong magulang o ibang anak ang Lola mo?" tanong nitong inilingan ko. Tuliro akong lumabas ng ospital. Tiningnan ko ang laman ng passbok kong kulang na kulang pa iyon para sa stent ni Lola, papaano pa ang heart bypass niya? Ang gamot? Mga diagnostic test niya at admission sa ospital? Tiningnan ko ang numero ni Nanay. Pikit mata ko iyong dinial. Wala kong choice, hindi ko pwedeng pairalin ang pride at galit ko sa ganitong sitwasyon. Noong naoperahan si Lola noon, ay wala rin siyang ginawa bagkus si Mam Cieloang nagbayad. Masama ang loob kong iniwan niya kami ngunit mas masakit sa akin ang hindi niya tinulungan noong nasa bingit ng kamatayan si Lola nuon, at ngayon na naman...kung tatanungin ko ang opinyon ni Makoy ngayon ay siguradong hindi siya papayag. Galit din siya kay Nanay ganundin din si Ringo, ngunit wala akong pagpipilian kundi lunukin ko ang galit at sama ng loob ko sa kanya. Naka ilang dial ako sa numero niyang walang sumasagot. Napasandal ako sa bangkong medyo tuliro. * "Naku wala sina Ma'am dito" ani ng isang naka unipormeng katulong sa akin. "Kaano ano ka ba niya?" tanong niyang muli. "Huh?" "Wala sila dito, umalis ng bansa, hindi po namin alam kung kelan ang balik" aniya pang muli. Napatango na lamang ako. Napatingin ako sa malaking bahay nila Nanay na nagpalis ng mata. * "Sis" Si Noreen. "Eto yung notes na kailangan mo" aniyang abot sa akin. "Salamat" "Kelan ang operasyon?" "May mga tinatapos lang na ilang test " pagod kong sagot. "Nakausap mo ba si Mama?" aniyang tinanguhan ko. "Malaking pera ang kailangan ko Noreen" pikit matang sagot ko. "Tanggapin mo na rin, makakatulong iyon" aniyang muli na siyang tumahimik pagdating ni Makoy at ni Ringo. "Si Russel na kay Mama" ani ni Noreen. * Kailangan kong i settle ang ilang bayarin bago operahan si Lola. Alam kong kulang ang naipon ko ng dalawang taon. Napatingin akong muli sa passbook kong hawak. Tuliro akong medyo naguguluhan, hindi ko alam ang gagawin ko. Nakailang tawag ako sa telepono ni Nanay na hindi nasagot. Napatingin ako sa isang numero doon. Si Mamita. Isinara ko iyon. Napapikit akong hinanap muli ang numero niya. Kagat labi akong idinial ang numero niya, kailangan kong gawin ito... kaya kong lunukin ang dignidad at pagkatao kapalit na mabuhay si Lola. Ramdam ko ang pagiinit ng sulok ng mata kong kusang tumulo ang likido. Kung ito lang ang paraan gagawin ko... "Oh Reece..." ani ni Mamita. "K-Kailangan ko po ng tulong ninyo" diretsong kong sagot. *** Ipinaliwanag niya ang gagawin ko kahit papaano ay makakatulong ang kikitain ko doon ng malaki sa akin. "Sigurado ka ba dito?" tnaong niya. "Opo, kailangan ko po ng malaking pera" sagot ko. "O sige,i bu book kita" aniya. * Nasa loob na ako ng hotel. Wala kong panahong umatras. Lakas loob kong gagawin ang bagay na ipinangako ko sa sarili kong hinding hindi ko gagawin.... ang kumapit sa patalim. Wala akong choice... "Maswerte ka at hindi basta bastang kostumer ito Reece... kahit papaano ay sa maayos ka na hotel at hindi kung saan lang dadalahin" - naririnig kong boses ni Mamita sa ulo kong bumabalik balik habang naghahanda ng sarili. May kaibahan ba iyon? binenebenta ko pa rin ang sarili ko! Ramdam ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko ng marinig ko ang pinto sa labas. Hindi na ako makaatras... hindi ako pwedeng umatras. Kailangan ko ito. Napapikit akong napayakap sa sarili na nagsuot ng roba. Pinatay ko ang ilaw ng kwarto at isinindi ang dim na ilaw sa pinakamadilim, ayaw kong makita o maaninag ang kung sino man ang makakuha sa akin. Humiga ako sa kama ng marinig ko ang seradura ng pinto. "Magsha shower lang ako" baritonong boses na pumasok sa banyo. Halos mapalunok akong pumikit na hindi umimik. Paglabas ng banyo ay tanaw ko ang paglabas niyang nakatalikod nakatapis lang ng tuwalya. Napahigpit ang hawak ko sa kumot. Aninag ko ang paglapit niya. Ramdam ko ang paglundo ng kama. Napaupo ako. "Come nearer" boses sa gilid ko. Hindi ako umimik na lumapit sa kanya. Sumampa siya sa kamang tinanggal ang kumot nanakaharang. "S-Sandali" bulong ko. Inabot ko ang lampshade sa gilid na pinatay iyon. "Damn" mahinag mura nitong mabilis akong hinapit sa baywang. Napahawak ako sa braso niyang medyo basa pa. Humalik siya sa leeg kong hinawi ang pagkakabuhol ng roba kong suot. "Still on robe?" iritableng tanong niya. Hindi ako umimik. Tinanggal niya ang pagkakabuhol nuon na inihiga ako sa pinakagitnang kama. Nagpaubaya ako. "Damn it!" aniyang mabilis na humalik sa leeg at punong tenga ko. Halos kagat labi akong napapikit, ramdam ko ang pagiinit ng sulok ng mata ko. Wala na akong kawala dito. Humawak siya sa batok kong humalik sa labi kong sinakop iyon. Ramdam ko ang dila niyang mabilis na pumasok sa bibig ko. Hindi ako nakaalma. Halos hindi ako makahinga, ang isang kamay niya'y humaplos sa dibdib kong ramdam ko ang init ng palad niya kahit may bra pa akong suot. "f**k it! still on bra?" mura niyang mabilis na gumapang ang kamay sa likuran kong tinanggal ang lock nuon. Bumaba ang hawak niya sa ibaba kong natawa ng maramdaman na may pang ibaba pa akong suot. "S-sandali " halos pakiusap kong humalik muli ito sa labi ko hanggang sa panga ko pababa sa leeg at balikat ko. "Damn..."mahinang mura nitong humahaplos sa dibdib ko. Ramdam ko ang pagtulo ng luha ko. Bumaba ang halik niya sa leeg kong pababa pa sa gitnang dibdib kong sumakop sa isang parte ng dibdib kong kumagat doon. "Ah, sandali" halos saway kong banayad itong humahalik sa tuktok ng isang dibdib kong samantalang humahaplos sa kabila. "Damn, feels good" aniyang bumalik ang sa pagsakop sa labi ko. Napatigil ito. "Why are you doing these?" aniyang tumigil sandali. Kahit ako ay napatigil sa pamilyar niyang boses. "Huh?" "Why are you doing these? It's your first time isn't it?" aniyang muli. "HUh? h-hindi po" sagot ko. Hindi ito umimik. "Don't deny, ni hindi ka nga marunong humalik" aniya pang muli. "Kailangan ko ng pera" buong boses ko. "f**k!" aniyang lumayo ng konti. Natigilan akong tumayo iyong umatras. Ayaw ba nya ng virgin? "Sandali po! oo, first time ko ito pero kailangan ko talaga ng pera" protesta kong halos kainin ang dignidad ko sa sarili. "f**k it! Do I know you?" aniyang nagbukas ng lampshade. Gulat akong napatingin sa bulto ng lalakeng nasa harapan ko. "S-sir..." "Reece?!" "Damn it!" Napatakip ako ng mukha. "Really Reece?!" sigaw sa akin na halos mawalan ako ng lakas. Para akong naghihina sa kahihiyan. "f**k it!" Akmang sasagot ako ng marinig ko ang telepono ko sa kalayuan. Nagbukas ng ilaw si Sir Landon. Ramdam ko lalo ang pamumula ng mukha kong hindi ko alam ang gagawin. Hinanap ko ang roba kong bilis ko iyong isinuot. Halos kalkalin ko ang bag ko. "Ate" Si MAkoy. "Dadalahin na po si Lola sa operating room" aniyang napaiyak. "Ha? hindi pa niya schedule ah" sagot kong tuliro. "Kailangan na daw po" niayng muli. "Oh sige, papunta na ako" sagot kong nagpalis ng luha ko. Kinuha ko ang bihisan kong nilagpasan si Sir Landon ngunit mabilis siyang nakahawak sa palapulsuhan ko. "Where are you going?" kunot noo nitong tanong. "K-kailangan kong umuwi" taranta kong sagot. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay kong nakatitig. Huminga ako ng malalim. Kailangan ko na ring harapin ito. "I'm sorry..."ani kong napailing. "Pasensiya na, ibabalik ko na lang ang bayad mo, yung ibinayad mo kay Mamita pwede ko siyang pakiusapan na ibalik iyon sa iyo" ani kong kumalas sa kanya. Yung kalahati nasa sa akin naman na, ibabalik ko iyon sa kanya. Hindi ito umimik na humarang sa daraanan ko. "Sir..." "Bakit mo ito ginagawa?" anyang mas mahinahon na. "Sinabi ko na diba? kailangan ko ng pera, nasa ospital ang lola ko" sagot ko. "Go and change, ihahatid kita" aniyang nilagpasan ako. Halos manghina ako sa loob ng banyo. Kahihiyan? Pagod? alam kong wala na rin akong kahit konting dignidad sa sarili. Nakabihis na ito paglabas ko ng kwarto. Iginiya niya ako papasok ng sasakyan. Tahimik itong bumaybay papuntang Laguna. "Sir..." Hindi ito lumingon bagkus patuloy na nakatingin sa daan. "Pasensiya ka na, pwede ko namang kausapin si Mamita na bigyan ka ng mas eksperyensadong makakasama" ani kong baling. "Shut up Reece" mahinang sagot nito. Hindi ako umimik. Magulong magulo rin ang isip ko. Problemado pa ako sa kung saan ako kukuha ng pambayad sa ospital. "Ate!" "Si Lola?" "Ate, kailangan ng pirma mo" ani ni Makoy na dumiretso ako sa doktor. Ipinaliwanag ng doktor na kailangan ng agarang operasyon ni Lola. Lalo akong nanghina sa mga sinabi ng doktor. Lito rin ako. Napaupo ako sa bangkong humilamos ng mukha. "You okay?" boses sa gilid kong halos nakalimutan ko na ang presensiya ni Sir Landon. Hinanap ng mata ko si Makoy. "Lumabas ang kapatid mo" "So..." Inilabas ko ang pera sa bag ko. "Yung kay Mamita kakausapin ko siya" dugtong ko. "Keep it" aniyang tanggi. "Huh?" "You need it Reece" mahinang ani nito. Ibinalik ko iyon sa bag ko. Ayokong makipagtalo sa ospital. "How much do you need? Sa ibinayad ko mukhang kulang pa sa kailangan mo" aniyang napalingon ako. "Kailangan ni Lola ng bypass rin" diretso kong sagot. Napasandal ako sa bangko. "Hindi ko makontak ang nanay ko, bukod doon matagal na rin kaming walang komunikasyon sa kanya. Ang totoo niyan...Mommy mo na ang nagbayad ng unang operasyon ni Lola nuon, kaya ako nagtratrabaho sa club para makaipon rin, yung kanina.... kanina, wala na akong choice" ani ko. "I understand..." Sandaling katahimikan ang bumalot sa amin. "I have a proposal" aniyang basag sa katahimikan. "Huh?" "I'll shoulder the expenses... lahat including mga post op check ng lola mo" aniyang napatuwid ako ng upo na napatingin sa kanya "Huh?" Isinandal nito ang siko niya sa tuhod. "Anong kapalit?" mahinang sagot ko. "You" diretso nitong sagot. "Huh?" "Ikaw, I want you to warm my bed kapag kailangan ko" diretso nitong sagot. Gusto kong manliit sa sarili ngunit iwinaglit ko iyon sa isipan ko. Wala akong pagpipilian, ito ang pinakamadaling paglabas sa problema ko, kung sakaling hindi man si Sir Landon ang kasama ko ngayon ay malamang mauulit pa sa ibang lalake. "Alam mong hindi ako eksperyensado" tugon kong naalala ang kaninang tumigil siya ng nalaman niyang birhen pa ako. "I don't mind" sagot niyang muli. "Think about it Reece..." Napahinga ako ng malalim. Kailangan kong magpakapraktikal. Kailangan kong lunukin lahat ng pride at buo ng pagkatao ko. Ito ang reyalidad ng buhay... ang kumapit sa patalim. "We'll talk about it pagkatapos ng operasyon ng Lola mo for the meantime, ako ang bahala sa kakailanganin ng Lola mo, and ipapalipat ko rin siya para sa bypass operation niya sa Maynila, may kilala akong espesyalista doon" aniyang muli. Hind ako nakaimik na tumango. *** thanks for the votes and comments!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD